Chapter Sixteen : Alfred's Sophomore Year

57 5 0
                                    

DAY 01: June 15, 2015

Unang araw nanaman nang pasukan matapos ang halos dalawang buwan na summer, bagong school year para rin sa mga students nang Saint Augustine Academy, Ngunit isang masamang balita ang kumakalat at babasag sa kagandahan nang umagang iyon.

Naglalakad si Alfred nang tawagin siya nang kaibigan niyang si Westley, 

“Alfred! Alfred!!” Papalapit ito, “Alam mo na ba!?”  

Napatingin si Alfred kay Westley, “Ang alin?” May pagtataka.

“Si Tyson—nawawala siya!”

Hindi alam ni Alfred kung ano ang isasagot kay Westley. Kaya imbes sumagot ay natahimik nalang ito at nagiwan nang isang napakalaking tanong sa isipan niya.

Napansin naman agad ni Westley ang pagkatahimik ni Alfred kaya muli itong nagsalita, “Hoy! Nakikinig kaba!? Di ba lagi kang binubully ni Tyson kasama yung mga Juniors na yun”

Ngunit hindi pa rin umiimik si Alfred na kakikitaan nang hesitasyon na nasundan pa nang pagtulo nang pawis sa kanyang leeg. Hanggang sa tumunog na ang unang bell sa araw na iyon.

“Tara na West! Baka mahuli pa tayo sa first subject natin” Pagmamadaling sambit ni Alfred na nasundan nang paglakad pauna.

“Ayun, nagsasalita naman pala. Tapos iiwan ako!?—Magaling!!” Sarcastic na sambit ni Westley na naiwanan ni Alfred.  

Habang nagmamadali ay dala-dala pa rin ni Alfred ang sinabi ni Westley, hindi niya tuloy naiwasang idugtong ito sa pangyayari sa abandunadong gusali bago ang summer break kung saan nawala ang bully na laging nanloloko sa kanya at dalawa sa kaibigan nito. Sa isip pa ni Alfred na marahil malaki ang kinalaman nito kung bakit si Tyson nawawala ngayon. Kasunod pa nun ang halos napapadalas niyang panaginip kay Tyson na may kinalaman sa pangyayari sa gusali, ngunit hindi niya ganuon maintindihan ang nilalaman.

“Pero kung si Tyson lang ang nawawala, nasan sina Glenn at Maui?” Tanung nito sa sarili.

Malapit na sa classroom si Alfred nang makita niya sina Glenn at Maui na naguusap sa may hallway; napatingin ito nang husto sa dalawa na tila ba nakakita nang multo sa harapan niya.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon