⸸
Simula nung natapos ang matinding kababalaghang iyon ay hindi na ako makapali araw araw.Hindi ko alam kung paano pero sa tuwing inaalala ko ang gabing iyon ay di ako makagalaw ng maayos at pati ang aking mga bibig ay bumubuka na lamang na parang may sariling mga paggalaw.Iginalaw ko ang aking mga paa at saka dahan dahang bumaba sa aking kama na ngayon ay punong puno ng mga dugo.
Bigla akong nagutom at bumaba ako sa hagdan na parang walang angyaring kababalaghan kagabi na halos ikamatay ko na.Pakiramdam ko ay safe na safe ako at kayang kaya kong tumbahin ang pwedeng gumalaw sakin.
Pagkababa ko ay napangiti ako sa aking nakita.
si Daddy walang ulo na nakaupo sa sala.
Bigla akong napatawa ng malakas.Halos di ko maipinta ang aking mukha sa tuwa at galak na nararamdaman ko.Sa wakas
malaya na ako.
Pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain pero nabigo ako dahil walang laman ang ref at puro bulok na prutas ang naira sa lamesa.Umupo ako sa tabi ni daddy at napangiti ako,May biglang bumulong sakin at nasiyahan ako lalo sa sinabi nito.
Pinagmasdan ko ang nilalangaw na leeg ni dad.Masangsang ang amoy nito ngunit para sa akin parang perfume ang amoy nito at nakakabuhay ng dugo.
"Hi Dad,I'm hungry."
Dinukot ko ang kanyang mata habang tahimik na nakaupo ito sa sala na walang kamalay malay.Kakainin ko na sana iyon nang biglang...
"Oh jusko!Ano bang nangyari dito" biglang tugon ni Manang Josephine,ang dati naming mayordoma na nag-alaga sakin simula nung bata pa ako.
Napapikit ako nang makita siyang gulat na gulat sa kanyang nakikita.
"Y--sa,Sino ang...."
"Jusko,pinatay mo ang ama mo."
Saka siya biglang lumapit kay daddy,at halos di niya alam ang kanyang gagawin.Tatawag na sana siya ng police nang bigla akong magsalita.
"Tiya josephine,bakit ngayon kalang?" Malambing kong tugon.
Napatingin siya sakin habang naluluha at takot na takot.Ilang minuto bago siya nakapagsalita.Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
"Patawarin mo ako anak,naduwag lang talaga ako,pero nandito ako para kunin ka at alagaan ka."biglang lumawak ang mga ngiti kong pilit na pumipiglas kanina pa.
"Kunin mo na ako dito,ayoko na."dagdag ko.
Pinunasan niya ang kanyang mga luha at saka sinabing.
"Dito kalang kukunin ko na ang mga gamit mo saka tayo lalayas sa diyablong bahay na ito."sabi niya saka tumakbo sa taas upang kunin ang mga gamit ko.
Napatulala ako sa katawan ni daddy at saka ako napabaling sa upuan na kanyang inuupuan.
Maya maya ay andiyan na si tiya,dala ang dalawang maleta na mga gamit at damit ko.Muli niya akong niyakap at hinalikan sa noo.
"Makakaalis kana rito,magbabagong buhay kana,kaya wag ka nang magalala andito na ako at------
Hindi niya na naituloy ang kanyang sinasabi dahil may lumipad sa kanyang kutsilyo,dahilan ng pagkahati ng bibig nito.Nilapitan ko siya at binulungan habang hawak hawak ang kanyang bibig na patuloy na nagdurugo.
"Y----sa---baaaa--kit"
Ngumisi ako nang makita kong nagluluha ulit ang kanyang mga mata sa sobrang takot.
"Nung kailangan kita,nasaan ka?Nung mga panahon na halos magmakaawa ako sayo na kunin mo na ako dito anong ginawa mo?Umalis ka diba?umalis kang magisa." naluluha kong tugon habang tinutulungan siyang punasan ang dugo na nagmumula sa kanyang bibig.
"Iniwan mo ko,tiya."
"At ngayong kaya ko na magisa,hindi na kita kailangan,kaya mas mabuti nang mawala kana." Pagkasabi ko nun ay agad na namatay ang mga ilaw at tinadyakan ko siya dahilan nang pagkatumba nito sa sahig.Umiiyak ito at pilit na umaatras papalayo sa akin.
"Naaamoy kita."
Pinaikot ikot ko ang aking mga mata kahit na wala akong nakikita.Tumatawa ako habang rinig ang kanyang daing at iyak sa pagmamakaawa.Nakarinig ako nang ilang tunog na nanggagaling sa kusina.
"Tiya?Nasa kusina ka ba?"malambing kong sabi.
Biglang bumukas ang mga ilaw at nakarinig ako ng malakas na sigaw mula sa aking likuran.
Saka ako nawalan ng malay.
Ibinuka ko ng bahagya ang aking mga mata.Doon ay natanaw ko si tiya na parang may kinakalikot sa lamesa.Kumunot ang aking noo nung makita kong binubuksan niya ang tiyan ni dad, kinuha ang laman loob nito saka ito isinubo sa kanyang bibig.Gulat na gulat ako sa aking nakita pero parang may kung anong maganda sa pakiramdam ko.Para akong nasisiyahan sa ginagawa ni tiya.Nakakaramdam ako ng sarap na parang napupunta sa aking loob looban.
"Tiya?" Bulong ko habang papalapit sa gawi niya.
Pagkaharap ko sa kanya laking gulat ko nang makitang wala na itong mga mata at lumuluha na siya ng dugo.Nakangiti ito habang nginunguya ang laman loob ni daddy na isinubi niya sa kanyang bibig.
"Nagustuhan mo ba ysa?" Sabay halakhak nito habang dinadahan dahang iniaabot sa akin ang ilang parte ng laman loob ni daddy.
"Baliw!" sigaw ko.
"Ikaw rin" sigaw din nito na ikinaatras ko.
"Balang araw, mararamdaman mo rin ang sarap at saya na nararamdaman ko ngayon.At makasisiguro na akong wala ng pwedeng manakit at umalipin sa 'yo kahit magisa kana lang." dagdag nito.
"Sino ka!!! Umalis kana! Huwag mo na akong guluhin! Wag mo na kami guluhin!Ayoko na umalis kana!!!!" Sunod sunod na sigaw ko habang pilit na tinatakip ang aking palad sa aking tainga.
"Hindi ikaw si tiya!" humihikbing tugon ko.
"Oo, hindi ako siya, pero ako ikaw."
Hindi ako nakakilos ng ilang segundo, papikit pikit anv aking mga mata.
"ysa, tama ba ang nakikita ko?" bulong ko sa sarili.
Napalingon ako sa bandang kaliwa at nakita ko si tiya na nakahandusay at yupi ang mukha nito.May sign of the cross ang kanyang noo at umaagos pa rin ang dugo na nagmumula sa kanyang leeg, hindi ako mkapaniwala sa nakikita ko.
All of a sudden, ang kausap ko ay....
Nabitawan ko ang ilang lamang loob ni daddy na ngayon ay hawak hawak ko na.Bigla akong napaluha nung makita ko ang aking sarili sa salamin na duguan ang bibig, habang nakangiting nginunguya ang laman loob ni daddy.
"ang sarili ko?"
BINABASA MO ANG
DOS⸸
HorrorHindi ka niya papatulugin, Hindi ka niya tatantanan, Hindi ka niya titigilan, Hangga't hindi mo siya nababayaran. Dahil sa mundong puno ng kasamaan,kamatayan ang kabayaran sa lahat ng taong makalasanan. Maghihiganti siya, Para sa kanya.