⸸
Nakadekwatro akong nakaupo sa isang silya,naka krus ang aking mga kamay habang nakatitig pa rin sa mga bangkay na nasa harapan ko.Halos hindi ko na kasi mabilang ang mga buto't balat na nakakalat sa sahig at kung ilang timba ang pwedeng mapuno sa sobrang dami ng dugo.
Nakita ko ang ilang bangkay nga mga dati naming kasambahay na halos maagnas na ang mga katawan dahil sa katagalang nakaratay rito sa loob ng underground.
Hindi ko na rin mawari kung ilang katawan ba ng tao ang nasa loob dahil maraming nakahilera na drum sa left side ng silid na to na ang alam ko ay doon nanggagaling ang masasang sang na amoy.
Tumayo ako dahil na rin sa pagtataka ko na kung anong laman ng mga drum na iyon.Kaya naman agad akong napatungo doon habang hawak hawak pa rin ang aking flashlight.
Napaatras ako dahil sa umalingasaw na amoy na nagmumula sa loob ng drum nang buksan ko iyon.Hindi naman ako nasuka,at pakiramdam ko ay mas gusto ko ang amoy na iyon kaya naman lumapit pa ako lalo para makita ang laman na iyon.
Puno ito nang tubig habang palutang lutang ang iba't ibang parte ng katawan ng mga biktima.
Nakakalula mang isipin ang mga bagay na naroon sa loob ng drum ay pakiramdam ko mas natutuwa ako sa mga nakikita ko.Ngunit may parte sa puso ko na galit na galit ako sa may gawa ng lahat ng to.
Limang drum ang nandito sa loob ng underground at lahat ng nasa loob nito ay puro bangkay na putol putol ang iba't ibang parte ng mga ito.
Napahikab ako sa mga nakikita ko pakiramdam ko ay mas lalo akong lumalakas kapag nakakakita ako ng patay.
I dont know what's happening to me.
Pinilig ko ang ulo ko para kalimutan ang lahat ng nasa isipan ko at alamin kung ano ang sikreto ni dad.Kaya naman minabuti kong libutin ang loob ng underground at makita pa kung anong meron doon.
Naalala ko si mom.Alam kong andito rin siya.
And yes.
Andito nga siya, pugot ang ulo nito at ang katawan ay nakaratay sa isang banig habang nakapalibot ang ilang kandila.
Bigla na lamang tumulo ang mga luha ko kasabay ng pagluhod ko sa harapan ng inaagnas niyang katawan.Ngayon ay alam ko na ang lahat.
I'm just having hallucinations.
Inakala kong buhay pa si mom,pero matagal na pala itong patay.
Lahat ng nakikita ko ay purong kasinungaling lamang.
Gawa ng isang demonyo.
Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang atensiyon ko dahil pakiramdam ko ay nababalutan ako ng maraming bulong sa paligid ko.
Bulong na nakakapagpabago ng aking isipin at hindi lamang doon kundi ang nakakapag pabago ng aking sarili.Pinilig ko ang ulo ko pero hindi mawala sa isipan ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon.Nakatunganga ako sa harapan ng katawan ni mommy habang pinipaikot ikot ko ang aking buhok.Nagtungo ako sa kusina saka mabilis na kinuha ang malaking sako na nandoon sa baba ng drawer.Pagbalik ko sa underground ay andon pa rin ang kasangsangan ng amoy at mas lalo pa itong lumala na halos masuka ako sa sobrang baho nito.
Kinuha ko ang ponytail ko sa aking kaliwang kamay at saka sinimulang itali ang aking buhok.Bago ko nilagay ang pira pirasong katawan ni mommy sa sako ay tumulo muna ang luha ko.Hindi ko rin napigilan ang paghalughog ko ng iyak dahil sa sinapit niya mismo sa kamay ng aking ama.
Hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa ito ni daddy sa kanya pero isa lang ang nasisiguro ko dahil ito sa galit niya kay mommy.At alam kong ang mga bulong din ang naturo kay daddy na paslangin si mommy at ang iba pang mga tao dito sa bahay na nanilbihan sa amin bilang mga katulong.
Ang iba ay hindi ko na makilala,sa sobrang kapal ng mga amag na nakapulupot sa mga mukha ng mga pugot na ulo na nakasabit sa kisame.Nanlulumo ako.
Gustong gusto kong ipagluksa ang pagkamatay ni mommy pero ang pakiramdam ko ay mas lalong lumalakas ang kaluluwa ko.
Pinunasan ko ang luhang pumatak sa aking pisnge papuntang aking dibdib.Halos di ko na mapigilan ang pag agos ng aking luha habang nakatulala sa pira pirasong katawan ni mommy.
Gustong gusto ko iyong lapitan ngunit hindi ko maigalaw ang aking sarili para makalapit sa kanya.
Umiigting ang panga kong napatingin sa kawalan habang patuloy ang tulo ng aking luha.Akala ko kasama ko si mommy sa bawat araw ng pag gising ko.
Pero akala lang pala ang lahat.
Ngayon ay alam ko na ang lahat kung bakit gustong gusto na akong ilayo ni ti-chora dito sa bahay na to.Dahil alam niya kung anong sinapit ng aking ina at ang iba naming kasambahay.
Gustong gusto ko mang saktan ang sarili ko ngayon ay wala akong lakas para harapin ang katangahang nagawa ko sa buong buhay ko.
Ang mamalagi sa aking demonyong tatay.
Pakiramdam ko ay may bumaon na kutsilyo sa aking dibdib dahil sa kahirapan kong huminga.Labis kong pinagsisisihan lahat ng katangahan ko.At ang lahat ng pagbubulag bulagan ko.
Luging lugi ako sa mga pangyayari.Pero wala na akong magagawa para ibalik ang lahat.Kaya naman itinatak ko sa isipan ko na kakayanin ko lahat ng to.Dahil alam ko sa sarili ko na mas malakas ako.
Kumalam ang aking sikmura nang biglang mapadapo sa aking paningin ang isang daga na umaaligid sa katawan ng aking ina.Mabilis kong kinuha iyon at saka mabilis na isinubo na parang gutom na gutom na hayop.
Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon pero pakiramdam ko ay masaya ako sa ginawa ko.
Napangisi ako at saka inumpisahang galawin ang sako na dala dala ko kanina saka mabilis na inilagay doon ang pira pirasong katawan niya.Napangiti ako ng matapos kong masako iyon.
"I promise to make your body comfortable,mommy."saka ako mapait na ngumiti.
Pakiramdam ko ay abot na hanggang ulo ko ang dugo ko sa sobrang pagkakasama ng aking loob.Ngayon lang ako nagkaganito.Ngayon lang ako nakaramdam ng labis na kalungkutan.Yun bang parang katapusan ko na rin.Hindi ko alam kung saan ko itutuon ang aking atensiyon sa sitwasyong ito.
Pero isa lang ang tinitiyak ko.
Magbabayad ang may gawa ng lahat ng 'to.
BINABASA MO ANG
DOS⸸
HorrorHindi ka niya papatulugin, Hindi ka niya tatantanan, Hindi ka niya titigilan, Hangga't hindi mo siya nababayaran. Dahil sa mundong puno ng kasamaan,kamatayan ang kabayaran sa lahat ng taong makalasanan. Maghihiganti siya, Para sa kanya.