⸸
2:15 am-Sunday
Nagpapalinga linga ako sa labas ng aking bintana,habang nakahiga sa aking kama.Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin si mommy.Hindi ko lubos maisip kung ano ang mga paumapasok sa isip ko.Para na tuloy akong baliw kakaisip kung nasaan nagpunta si mommy.Baka iniwan na talaga kami nito ni daddy at sumama na sa ibang lalake.
Napatingin ako sa aking tiyan na ngayon ay naghihilom na ang sugat nito.Nagka scars nga siya,literally scars yun bang parang nangingitim ito.Inalis o na lamang ang paningin ko roon at saka bumaling ulit sa kawalan.
Napahawak ako sa aking ulo saka dahan dahan bumangon.Napabuntong hininga muna ako at saka binuksan ang bintana sa aking kwarto.Napatingin ako sa kawalan habang sapo sapo ang ulo kong kulang nalang ay sumabog sa kakaisip ng kung ano anong bagay.
Nagulantang ako nang biglang may malakas na kumalabog sa aking drawer.Gumagalaw galaw iyon na parang may tao sa loob.Takot na takot ang mga mata kong nakatitig doon habang paatras ng paatras ang aking hakbang.Ayoko sanang gawin ito pero kailanhan kong buksan iyon at makita kung anong tumutunog tunog at bakit ito gumagalaw galaw.
Huminga ako ng malalim saka dahan dahang naglakad papalapit sa aking drawer na ngayon ay palakas ng palakas na ang pagka kalabog nito.
Hindi ko mapigilang lumakas ang pagtibok ng puso ko lalo pa't ang alam ko ay ako lang ang nagiisa sa kwartong ito dahil this is actually my room at ayaw na ayaw kong may pumapasok sa room ko.Kinakabahan man akong lumapit,kailangan kong lakasan ang loob ko para makita kung anong bagay ang gumagalaw sa loob.Habang dahan dahan akong naglalakad palapit doon ay hinahabol ang paghinga ko nang makarating na ako harap ng drawer ko ay bigla itong tumigil sa paggalaw at pati ang tunog ay nawala na rin.
Huminga muna ako ng malalim habang dahan dahang iginalaw ang mga kamay ko upang buksan ang drawer kong iyon.Napatigil ako sa paggalaw ng madako ko na ang kamay ko sa paghawakan ng aking drawer saka buong lakas na binuksan iyon ng mabilis.
Bigla akong nanlumo sa nakita ko.Nanginginig ang nga tuhod kong napaluhod doon habang patuloy ang pagtulo ng aking luha sa sahig.
Ang sarili ko.
Nakikita ko ang sarili ko sa loob ng drawer na ito nang nakadilat ang mga mata dahil sa mga pakong nakabaon na nagpapadilat rito.Lagatak ang pawis kong tumutuluho sa sahig habang ang lamang loob ko ay nakabitin na sa aking ulo at maging sa aking tenga.Nakahubad akong nakatali ang katawan na nakapaupo sa aking drawer habang ang dila ko ay nakalabas dahil sa mga nakapakong pako rito.
Ang suot ko ngayong damit ay suot rin ng babae sa loob ng drawer at hindi ako pwedeng magkamali.
Ako nga ang babaeng nasa loob ng drawer na iyon.
Ang balat ko sa mukha ay wala na at ang aking mga ngipin ay nakakalat sa labas ng drawer habang patuloy ang pag agos ng aking dugo palabas sa drawer nang buksan ko ito kanina.Mas naigtad ang panga ko pagdako ko sa aking pangbabang katawan.Wala na ang kaliwa kong paa at hindi ko alam kung nasaan iyon dahil wala naman akong nakikitang kapirasong paa sa aking drawer.Hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil sa sobraag takot at nginig na patuloy pa ring dumadaloy sa balat ko papuntang kalamnan ko.
Ang aking ari ay duguan dahil sa bakal na nakapaloob rito sa sobrang gulat ko ay napahawak nalang ako sa aking bibig habang patuloy pa rin akong lumuluha sa kaba.Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas pero gustong gusto kong sumigaw sa mga oras na iyon dahil para akong nababaliw kakaisip sa mga nakikita ko ngayon.Pakiramdam ko ay uubo ako ng dugo dahil sa pagkakabara ng aking laway sa lalamunan ko.Hindi ako makahinga.Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.Ayoko sanang magisip pero takot na takot ako.Takot ako sa katotohanan na ngayon ay bumabalandra sa paningin ko.
Ayokong mapahamak,ayokong mamatay pero dahil sa nakikita ko ngayon ay para akong mawawalan na talaga ng buhay dahil sa mga nasasaksihan ko ngayon,mismo sa dalawa kong mata.
Tumutulo ang luha ko habang habol ang hiningang pinagmamasdan ang sarili ko sa loob ng drawer na iyon.Hindi ko lubos maisip kung bakit ako nasa loob at nasa paraang wala pang buhay.
Pinunasan ko ang aking mga luhang pumapatak gamit ang aking damit nang bigla akong magulantang sa aking nakita.
"B-bakit a-ako l-lumuluha ng d-ddugo?"tanong ko sa aking sarili habang nanginginig sa takot.
Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si daddy na hawak hawak ang isang lagare kasama ang isang martilyo sa kanyang bulsa habang hawak ang isang
Paa.
Ang kaliwa kong paa.Nasa kanya ang kaliwa kong paa.
Mas lalo akong kinabahan nung bigla siyang tumakbo palapit sa akin saka ako hinatak palabas ng silid ko.
Ang lakas niya.Halos di ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang bilis at lakas niya ng kanyang pagkakahatak sa katawan ko.Para lang akong isang manika sa paningin niya na parang wala akong buhay.Gustong gusto kong igalaw ang katawan ko para manlaban kaso hindi ko magawa.Para akong napako sa mga kamay niya dahil di ko kayang galawin ang buong sarili ko.
Sumigaw ako nang malakas dahil yun nalang ang magagawa ko para itigil niya ang katarantaduhang ginagawa niya sa akin.
Bigla niya akong binitawan dahil sa lakas ng pagkakabitaw niya ay nauntog ang ulo ko sa sahig.Nagdugo iyon dahil kita ko kung paano umagos ang dugo ko sa sahig na pinagbitawan niya sa akin.
Kinuha niya nang mabilis ang aking buhok at saka binulungan.
"Ysa, ako ikaw."
"Ako ikaw, ikaw ako."
"Ako ikaw, ikaw ako"
Paulit ulit na bulong niya sa aking taing habang iyak ako ng iyak sa takot.
"Akin ang iyong katawan, ysa."dagdag nito saka ako tuluyang hinila padausdos ulit sa sahig hanggang sa mag sugat sugat ang aking balat sa katawan.Hindi niya hinintunan ang pagkaka hila sa akin kundi mas lalo niya pa itong binibilisan.
Hindi ako makakilos.
Hindi ako makapalag.
Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko.
Hindi ko maigalaw ang aking katawan.
Wala akong lakas para lumaban.
Takot na takot ako.
Nang makadako na kami malapit sa hagdanan ay bigla siya napatigil doon.
"D-ddad p-please"tanging usal ko nalang sa kanya at saka ako sinipa pababa ng hagdan.
nang bigla akong magising.
BINABASA MO ANG
DOS⸸
HorrorHindi ka niya papatulugin, Hindi ka niya tatantanan, Hindi ka niya titigilan, Hangga't hindi mo siya nababayaran. Dahil sa mundong puno ng kasamaan,kamatayan ang kabayaran sa lahat ng taong makalasanan. Maghihiganti siya, Para sa kanya.