16

12 1 0
                                    

Bigla akong nagising, at dali dali akong umupo sa aking kama.

binangungot ako sa panaginip?

Napahawak ang dalawa kong palad sa aking mukha, saka ako malalim na huminga.Siguro ay na-stress lang ako sa mga nagdaang araw kaya nagkakaganito ako.

Napatingin ako sa aking pintuan, habang dahan dahan itong bumubukas.Napakapit ako ng malalim sa aking kumot saka dali dali kong itinalukbong iyon sa akin.Nakapikit akong nakatago sa kumot habang habol ang aking hininga.

Ayan nanaman ang mga bulong...

Maya maya ay nakaramdam ako ng papalapit sa akin na anino.

Nagulat ako nang bigla niyang hatakin ang kumot sa akin.

"Ayos kalang ba?"

Pagbukas ko ng aking mga mata ay may babaeng nakaharap sa akin ngayon na alalang-alala.

"Sino ka?Paano ka nakapasok dito?" takang tanong ko.

May dala itong sopas at isang basong tubig.Nagkatitigan kami sa mata at bigla siyang napangiti.

"Hindi mo na ako naaalala?"

"Hindi."

"Heto, kumain ka muna ng sopas at mamaya ko na ipapaalala sa 'yo kung sino ako." tugon nito na nakapagpababa ng kaba ko sa dibdib.

Muli akong napatingin sa kanyang mga mata, saka ito dahan dahan lumapit sa akin dala dala ang sopas at tubig na hawak niya na ngayon.

"Ah, heirra. Pasensiya kana po hindi ko kayo naalala" tugon ko rito.

Pagkatapos ko kasing kumain ay ipinaalala niya sa akin lahat, humingi rin siya ng tawag dahil hindi raw siya nakapagpaalam sa akin nung mga panahon na nagkita't nagkausap kami.Kinuwento ko na rin sa kanya lahat ng nangyari sa akin at sa family ko pati na ang kawalan ko ng malay sa lahat ng nangyari.

"Hindi ko na kasi maalala lahat ng nangyari sa akin pagkatapos mawala nila mommy,hindi ko rin alam king saan sila binurol kaya nagtataka pa rin ako hanggang ngayon."

"Hindi na iyon importante sa ngayon, basta pag kailangan mo ako andito lang ako para sa 'yo." ani niya.

"Masaya ako na andito ka"

"Siya nga pala, salamat sa sopas na dala mo" dagdag ko.

"Huh?Ano kaba, niluto ko 'yan para sa 'yo." tugon nito na ikinanuot ng ulo ko.

"Anong ibig mong sabihin?Wala namang mga sangkap sa kusina namin"

"Huwag mo na alalahanin 'yon, ang importante okay na ang lagay mo." saka niya ako niyakap.

"Sasamahan muna kita rito, habang wala naman akong pinagkakaabalahan pa.Hayaan mo babawi ako sa 'yo." saka ito ngumiti at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Gabi na nang magising ako, hindi ko namalayang nakatulog pala ako matapos kong makipagkwentuhan kay heirra.Nagulat ako nang makita ko si heirra sa tabi ko, pero napangiti ako dahil kahit papaano ay tinatanggal niya ang takot na namumuo sa akin dahil sinamahan niya ako rito sa bahay.

Dahan dahan akong bumangon at isinuot ang aking tsinelas, saka ako bumaba para kumuha ng maiinom na tubig.Napatingin ako sa orasan habang umiinom ng tubig saka ko napagtanto na kada pagpatak ng alas dos ay nagigising ako.Pabalik na ako ng kwarto nang makita kong bukas ang pinto ng kwarto ni mommy kaya lumiko ako ng daan papunta sa kwarto ko at dumiretso ako sa kwarto ni mommy.Inopen ko ang ilaw at saka ako pumasok sa kwarto niya.Ganun pa rin ito, malinis pa rin at mabango, ngunit hindi maikakaila na sa tagal nito ay ina-agiw na.

DOS⸸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon