2

35 1 0
                                    


3:00 am

Nagising ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.Dahil siguro dun sa isa kong napakasamang bangungot.Bumuntong hininga muna ako at saka pilit na isinasaulo ang aking memorya sa napanaginipan ko kanina.

Binanungot lang naman ako nang isang babaeng naglalakad na walang saplot at pugot ang ulo.Duguan ang kanyang katawan na naglalakad palapit sa akin.Hinahabol niya ako na parang gustong gustong humingi ng  tulong.Ngunit dahil panaginip lang iyon ay hindi ko matukoy kung bakit napadala iyon sa aking panaginip.Nagtataka na rin kasi ako dahil nitong mga nag daang araw ay marami akong napapanaginipang masasama.Hindi lang masama kundi nakakatakot pa ang ilang bangungot ko pa nga ay humantong sa pagkakaihi ko sa higaan dahil sa sobrang takot.

Pinakalma ko muna ang sarili ko at saka ako bumaba sa aking kama.Dahan dahan ko namang ibinukas ang aking pintuan upang kumuha ng tubig.Ayoko naman na maistorbo sila mommy sa kanilang pagtulog kaya naman minabuti kong wala akong gagawing ingay.

Nagtungo agad ako palabas ng aking silid.Huminga muna ako ng malalim dahil hindi ko alam kung paano ako bababa sa hagdaan dahil sa bumabalot na dilim sa bahay na ito.Ayoko rin namang buksan ang mga ilaw at baka magising pa sila dahil sa akin.Inumpisahan kong maglakad at ganun na lamang ang pagkakakunot noo ko nang maramdaman kong may tao sa baba.Si daddy na tila may kinakausap.

"Oo,ginawa ko na nga ang sinasabi mo ano pa bang gusto mong gawin ko?"pabulong na sagot nito.

Minabuti kong umatras palayo sa hagdaan dahil baka makita niya ako't mapalo lamang.Hindi ko alam kung sino ang kinakausap nito sa dilim,at alam kong hindi si mommy ang kausap nito dahil ayaw na ayaw ni mommy ang dilim.

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko sa sobrang pagkakagulat sa mga sumunod na sinabi niya.

"Huwag kang magalala,papatay pa ako basta wait kalang shhh."dagdag pa nito.

"Oo nga.Basta wag ka nang maingay natutulog ang magina ko baka magising mo sila."natatawang sambit nito sa hangin.

Sa sobrang curious ko ay dahan dahan akong lumapit sa hagdanan para maaninang ang kausap ni dad tutal naman ay nakabukas ang pintuan sa baba at may linawag na galing sa kalangitan.

Nakaupo ito sa sahig,ngunit wala siyang kasama.Huminga ako nang malalim,iniisip ko kung sino ang kausap ni daddy sa dilim,wala akong makitang tao sa harao niya pero kung makapag salita siya ay parang meron siyang nakikita.

Kinabahan ako ng bigla itong huminto sa kakasalita.Saka dahan dahang tumingin sa taas nang mabilis kong hinugot ang sarili ko palayo sa hagdanan para di niya ako makita.Pinakalma ko ang sarili ko pero takot na takot ako sa mga oras na ito.Dahil siraulo na si daddy at hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa amin ni mom.

Muli siyang nagsalita ngunit hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya.Gusto ko man siyang tanungin kung sino ang kausap niya ngunit takot na takot ang mga tuhod kong tumayo para harapin siya.Muli akong sumilip nang dahan dahan doon at napansin kong may hawak hawak na itong kutsilyo,sabay nang paghahasang niya ron.Bigla akong kinabahan kaya naman gusto ko nang makabalik sa aking kwarto.Bigla akong tumayo nang hindi ko sinasadyang masiko ang isang napakalaking vase ni mommy sa gilid ng hagdanan.

Malakas ang nilikhang tunog na iyon kaya naman nagmadali akong tumakbo papasok sa aking silid.Nilock ko iyong pinto at sumandal akong paupo roon.Hindi ko alam kung saan ako huhugot nang lakas pero takot na takot ako sa mga oras na yun kaya naman pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Wala yun,ysa."ani ko sa sarili.

Babalik na sana ako sa aking kama nang makarinig ako ng ilang mga hakbang papalapit sa aking kwarto.Lumakas ang kabog ng dibdib ko at halos hindi ko na maigalaw ang aking mga kamay.Pakiramdam ko ay tinusok tusok ako ng ilang mga karayom habang nakahiga ako sa nagbabagang apoy.Lagatak ang pawis kong nakasandal pa rin sa aking pinto.Huminto ang hakbang sa aking silid at nagumpisang pagsasaksakin iyon ni daddy,dahilan ng malakas kong sigaw.

Sinigurado kong malakas na malakas ang aking sigaw pero tila walang nakakarinig sa akin.Mas nilakasan ko pa iyong sigaw ko upang magising si mommy at matulungan niya ako sa ganiyo kong sitwasyon.Hindi ko alam ang ginagawa ni daddy pero patuloy pa rin ito sa pagbaklas ng aking pinto.

"Daddy!What are you doing!"nangingiyak kong sambit.

Hindi siya sumagot at patuloy ito sa pagkasira ng aking pinto.Sa sobrang takot ko ay nakaihi na ako sa aking damit na pantulog.Huminto ang kanyang pagsaksak sa aking pinto.Ngunit nagulat ako nang bigla niyang sipain ng malakas iyon dahilan nang pagkakatilapon ko sa sahig palayo sa aking pinto kung saan ako nakasandal.

Humakbang siya papalapit sa akin habang patuloy ako sa pagsigaw at pagiyak.Kinuha niya ang buhok ko at hinila ako pababa sa hagdanan.Sobrang sakit nung pero wala akong magawa dahil napakalakas ni daddy.Tanging iyak at sigaw nalang ang umaalingawngaw sa loob ng bahay ngunit hindi pa rin nagigising si mommy para tulungan ako.Hindi ko alam kung nasaan siya pero minabuti kong lakasan pa lalo ang aking pagsigaw para marinig niya ako.Hanggang sa nakababa nalang kami ni daddy sa hagdan ay walang dumating na tulong galing kay mommy.

"Daddy please let me go,nasasaktan po ako"pagmamakaawa kong sambit dito habang patuloy niyang hinihila ang buhok ko padausdos sa sahig.

"Masyado kang pakielamera gusto mo bang gitgitin ko yang leeg mo ha?!"sigaw nito sa akin saka mabilis na tumawa na parang baliw.

Naiiyak akong tumingin sa kanyang mga mata pero pakiramdam ko ay hindi si daddy ang kausap ko ngayon.Tila may sumanib na demonyo rito at kitang kita ko iyon dahil nanlilisik ang mga ito at pulang pula ang kulay ng kanyang mga mata.Madilim ang kanyang mukha at may mga bahid ng dugo sa kanyang mga kamay.

Nang makarating kami sa isang tagong silid na ito ay kita ko ang napakaraming kadenang nakapalibot sa pintuan na kahit sino ay walang makakabukas non kundi siya lang.Binuksan niya iyon gamit ang mga susi na nasa kanyang bulsa.Umabot ng ilang minuto ang pagbukas niya ron saka ako tinapon sa loob.Bigla akong nasuka sa sobrang baho sa loob,parang naghahalo ang mga amoy ng patay na mga daga.Hindi ko alam na may ganito palang silid dito sa bahay dahil simula nung lumipat kami rito sa lumang bahay nila dad ay wala naman kaming napansin kakaiba dahil maayos naman ito at maaliwalas.

Lumaki ang mga mata ko nang makita ang mga sumusunod na naroon sa loob ng silid na iyon.

Ang ulo ni mommy nagduduyan sa dalawang magkabilaang tali,puno ng dugo ang sahig dahil sa mga tulo ng dugo na nanggagaling sa ulo niya.Ang katawan niya ay dahan dahang lumalapit sa akin na parang humihingi ng tulong.Duguan rin ang suot suot nitong daster at ang mga kamay nito ay gumagalaw galaw na kumakapa ng makakapitan,habang naglalakad ang mga paa nito palapit sa gawi ko.

Sa takot ko ay napaupo ako,habang nakatitig ang mga mata nito sa akin.

"I'm sorry baby, I left you alone.Hindi kita maipagtanggol sa sarili mong ama.Hindi kita nailayo bago pa mahuli ang lahat.I'm very sorry anak please patawarin mo si mommy.I love you so much."

Tumutulo ang luha nito pagkatapos ay bigla itong napapikit na parang nawalan na ng malay.

Sa takot ko ay napasigaw ako ng malakas na malakas nang biglang...

"Baby!Hey!Wake up!Are you alright?"sigaw ni mommy nang magising ako sa isang,

Bangungot.

DOS⸸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon