18

5 1 0
                                    

Someone' s POV:

"Hmm, ang bangoo"

"Sigurado akong magugustuhan 'to ng anak ko."

Dinagdagan ko ng kaunting asin at inilagay na ang pampalasa kong magic sarap sa niluluto kong tinola.Gusto ko sanang surpresahin ang anak ko ngayon dahil matagal na rin siyang hindi nalulutuan ng favorite niyang tinolang manok.Kaya naman talagang pinaghandaan ko ang araw na ito para sa kanya.

Inayos ko na lahat ng pinaggamitan ko at naghugqs na rin ako ng mga hugasin sa lababo.

"Na-mimiss na kita anak" ngiti kong tugon sa hangin habang iniimagine ang itsura niya kapag binigyan ko siya ng favorite niyang ulam.

Excited na excited na akong ipatikim 'to sa kanya dahil extra special ang ulam na gawa ko.

Pagkatapos kong ayusin lahat at malinisan ang kusina ay ibinalot ko na ang ulam at kanin na dala ko.Naglaan din ako para sa mga kasamahan niya roon dahil halos ka-close ko silang lahat.

Isinarado ko na ang bahay saka pumara na ng tricycle.

"Sa may prisinto po" sabi ko sa driver.

Papunta ako ngayon sa prisinto para dalawin ang aking anak.Gusto kong ibigay ang nailuto kong tinola para naman makahigop siya ng kaunting sabaw.Alam ko kasing miss na miss niya na iyon lalo't sinabi niya sa akin na na-mimiss niya na ang mga luto ko para sa kanya.

Bumaba na ako sa tricycle at dumiretso sa loob ng prisinto.Tinanong ko sa kaibigan niyang si jhun kung nasaan siya at sinabi nitong nasa office niya raw.

Kaya naman dali-dali akong pumunta sa second floor para puntahan ang kanyang office.Habang naglalakad ako papalapit sa kanya ay,

biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Ang lakas ng pagkakatunog sa tenga ko.

"Ma, okay kalang?" tanong niya.

Ipinilig ko ang ulo ko saka humawak sa leeg.

"Oo anak, medyo nahilo lang ako."

"Halika ma, umupo ka muna saglit."

Kinuha niya ang dala kong paper bag at saka iyon inilapag sa kanyang lamesa.

"Ma, sabi ko naman kasi sa 'yo na, huwag kayong labas nang labas kasi ang init init e." may lambing sa tono nito.

"Pasensiya kana anak, gusto ko kasing dalhan ka ng nailuto ko.Alam ko kasing hindi kapa kumakain" ngumiti ako sa kanya.

Hinalikan niya ang noo ko saka siya nagpasalamat.

"Thankyou ma, pero sa susunod magsabi ka ha?"

"Oo na" pabiro kong sagot saka kami nagtawanan.

Hindi maalis ang bigat sa pakiramdam ko sa mga oras na iyon.

Ngunit winalang bahala ko na lamang para hindi naman masira ang araw ko, at ganun din sa anak ko.

Inihain ko na sa lamesa niya ang dala kong tinola at naglagay ng kanin sa kanyang plato.Nakikita ko ang pagkasabik nito sa pagkaing dala ko.

"Kita mo, para kang asong gutom na gutom" pabiro kong sabi.

"Grabe si mama, ang sama mo" sabi niya na parang nagpapababy.

Natawa nalang ako habang sinasandukan siya ng kanin, inalok ko rin sila jhun na kumain na rin at sumabay na sa kanya.

"Nako po,kung ganito lang araw araw ay siguradong lalakas kami niyan" pabirong sabi naman ni jhun.

Sabay sabay kaming nagtawanan habang kumakain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DOS⸸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon