Andito ako sa labas, at nakasandal sa isang sasakyan habang pinagmamasdan ang naglalakihang liyab ng apoy, nakangisi ako habang tinitignan kung paano magsi-takbuhan ang mga estudyante palabas ng paaralan.
"Ang saya, ang sarap nilang pagmasdan na nahihirapan." bulong ng hangin sa kawalan.
May biglang sumigaw sa tainga kong pagkalakas lakas ngunit hindi ko matukoy kung sino sapagkat ako lamang magisa rito sa gilid.Tinakpan ko ang aking mga tainga dahil hanggang ngayon ay rinig ko pa rin ang mga nagtatawanang mga bulong sa paligid ko.
Ang saya saya nila.
Ipinilig ko ang ulo ko saka nagsimulang lumisan sa lugar na iyon.Kung tatanungin niyo kung anong nangyari pagkatapos kong mailagay ang sulat sa table nila ma'am ay ganito ang mga sumunod.
"Hoy! Anong ginagawa mo jan?" tawag sa akin ni manong.
Si manong termi ang janitor sa paaralan namin.Matagal na siyang andito at dito na rin siya tumanda tandang tanda ko pa kung ano ang nangyari.
Flashback.....
Habang nagdidiscuss si Ms.Sandra ay napabaling ang tingin ko kay iyumi na kanina pa ay parang hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.Pibagmasdan ko siya kung paano manginig ang kanyang mga paa at kamay kaya labis ang pagtataka ko kung anong nangyayari sa kanya.Nakatitig siya sa kanyang relo at nangingilid ang mga luha.
Si iyumi ay isa sa mga matatalino sa amin sa klase.Lagi siyang kasali sa top 5 honors at alam ko kung paano niya paghusayan ang kanyang pag-aaral dahil saksi ako roon.Hinahangaan ko siya dahil kasali siya sa isa sa mga may scholarship dito sa paaralan namin.Napakabuti niya at wala ajobg masabi sa kanya dahil hindi ito umiimik at puro tango labg ang sagot kapag siya ay tinatanong.Gusto ko siyang kaibigan ngunit ayaw niyang may dumidikit sa kanya.Ayaw niya rin ng kausap at palagi lamang itong nasa gilid.
Kulot ang buhok niya, morena at matangos ang ilong.Sa tatlong taon naming magkaklase ay hindi ko pa siya nakitang ngumiti simula nung makita ko siya.Hindi ko alam kung nasa cycle na ng buhay niya ang pagiging tahimik at misteryoso.Pero ang usap-usapan sa kanya ay wala na siyang nanay at tatay at pati ang kanyang bunsong kapatid na lalake dahil namatay ang mga ito sa aksidente.Siya lang ang nakaligtas ngunit mapapansin ang tahi sa gilid ng kanyang noo.
Hindi siya pumasok sa school ng dalawang linggo matapos pumanaw ang kanyang mga mahal sa buhay.
Nakakaawa.
Kakalabitin ko na sana siya nang bigla niyang itaas ang kanyang kamay.
"Ah- ma'am, -mmm-ag ccr l-ang po aaa-ko."pa utal-utal niyang sabi kay Ma'am.
"Sige nak." balik ni ma'am saka pinagpatuloy ang pagdidiscuss sa harap.
Maya maya ay naramdaman kong naiihi ako.Napatingin ako sa orasan.
"Sampung minuto na ang nakakalipas magmula nung unalis si iyumi ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siya." bulong ko sa sarili.
Hindi na ako nakatiis dahil nga ay naiihi na rin ako kaya naman nagpaalam na rin ako kay ma'am na mag c-cr ako.
Dumiretso ako sa cr dahil hindi ko na mapigilan ang ihi na puputok na ang pantog ko.Ngunit pagkarating ko roon ay nakasarado at nakalagay ang "OUT OF ORDER" Siguro ay isinarado iyon dahil ipapagawa pa at mas papagandahin.Private schools ang kinalalagyan ko kaya asahan mong marami ang mayayaman at maaarte sa lugar na ito kung kaya't labis ang pagpapaganda at pagpapalawak dito para mas maging kilala sa bayan.Ihing ihi na ako sa nga oras na iyon ngunit sa kasamaang palad ay hindi ako nakapag cr.
Papalakad na ako pabalik ng room nang bigla akong napatigil sa aking kinatatayuan.
Nakakapagtaka.
BINABASA MO ANG
DOS⸸
HorrorHindi ka niya papatulugin, Hindi ka niya tatantanan, Hindi ka niya titigilan, Hangga't hindi mo siya nababayaran. Dahil sa mundong puno ng kasamaan,kamatayan ang kabayaran sa lahat ng taong makalasanan. Maghihiganti siya, Para sa kanya.