Pagkamulat nang aking mata ay biglang bumigat ang pakiramdam ko."Gusto ko ng dugo." sabi ko nang naglalaway habang nanlilisik ang mga mata.
Nakakita ako ng gunting sa lamesa at dali dali ko yung kinuha.Hindi ko mapigilan ang kusang paggalaw ang aking mga kamay, kaya't hindi ko namalayang tinatanggal ko isa isa ang aking mga kuko sa daliri.
Dalawa.....
Tatlooo......
Isa pa kaya? bulong niya.
Tumakbo ako papunta cr at tumitig sa aking mukha sa salamin.Bigla akong natawa habang pilit na isinusuksok isa isa sa aking ngipin ang mga nakuha kong kuko kanina.Wala akong nararamdamang sakit.
"Tanging sarap"
Natigil ang pagsuksok ko sa mga kuko sa aking ngipin nang tumunog ang doorbell.
Napangisi ako.
Dahan dahan akong bumaba sa hagdan habang ipikapaikot ikot ang aking mga daliri sa buhok ko.Nakangiting magisa at parang nanalo sa lotto ang saya na nararamdaman ko.Napasilip ako sa labas ng bintana at nakita ko ang dalawang pulis na aambang papasok na sa pintuan.
"Tignan mo nga naman, pagkain na ang lumalapit"
Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang isang matabang pulis na animo'y isang baboy na nakawala sa kanyang kulungan at itong isa na---
"Hello miss, I'm Raid Rumuel, Police lieutenant, Inspector."ngumiti ito sa akin.
Napatulala ako sa kanyang mukha.
"Ikaw ba yung anak ni Mr & Ms Dhimon?"
"Ang pogi niya." usal ko.
"Huh?"
"Ah, Ah"
"Ah yes po--- ako nga ho"
"We're here to ask some questions to clarify about your mom and dad." ani nito.
"Ah, come in sir.Yes please come in" ngiti kong tugon.
Pumasok sila kaya dali dali akong tumakbo pataas ng hagdan at magpapalit muna ako.
"Ang pogi niya noh?" usal ko.
"Hindi, masarap lang siya.Masarap siyang isahog sa adobo." sabi ng mga bulong na ikinanuot ng noo ko.
"Tumahimik kayo at baka kayo ang i-adobo ko"
Nagsimula akong ayusin ang buhok ko at ang aking mukha sa salamin, naglagay ako ng lipstick at foundation.Itinali ko ng messy bun ang aking buhok at saka nagpabango.
Nagtatatalon ako habang pababa sa hagdan.At nakita ko siyang nakatitig sa akin.Ngumiti ako sa kanya at dahan dahang lumapit.Umupo ako sa tabi niya habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha at ang makintab niyang labi.
Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kanyang mga papel na dala dala.
"Now miss, Totoo bang nawawala ang parents mo?" tanong niya.
Nakangiti lang ako sa kanya.
Inulit niya ang tanong pero parang blangko ang utak ko.
"Miss?"
"Tinatanong ka, pag tinatanong sumagot agad!" sigaw ng isang pulis na kasama niya.
"Pwede bang huwag kang sumigaw?" iritable kong sagot.
"Kanina kapa tinatanong bata, sumagot ka agad sayang oras namin sa 'yo!" dagdag niya na ikinanuot ng ulo ko.
"Miss,for the last time.Totoo bang nawawala ang parents mo?" tanong ni Raid.
BINABASA MO ANG
DOS⸸
HorrorHindi ka niya papatulugin, Hindi ka niya tatantanan, Hindi ka niya titigilan, Hangga't hindi mo siya nababayaran. Dahil sa mundong puno ng kasamaan,kamatayan ang kabayaran sa lahat ng taong makalasanan. Maghihiganti siya, Para sa kanya.