9

30 1 0
                                    


Alas tres na ng hapon nang makauwi ako sa bahay pagkatapos kong maayos na ipalibing ang pira pirasong katawan ni mommy sa libingan ng mga patay.Buti nalang at nakausap ko ng maayos at nagkaintindihan kami nung isang lalakeng taga bantay sa sementeryo kundi tigok ang ulo ng isang yon kapag 'di siya sumunod sa akin.

Kanina kasi ay nagtataka siya kung bakit ako pa ang may dala dala ng sako na siyang pinaglagyan ko sa katawan ni mommy.Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para harapin ang ganitong sitwasyon kahit na alam kong ikapapahamak ko ito.

Nung araw na yon ay naipalibing ko ng maayos ang katawan ni mommy.Sa ngayon ay ang mamatay muna ang pagtutuunan ko ng pansin,kaya naman andito ako sa harap ng bahay namin at nakatayo ng matuwid.Bigla akong kinabahan sa mga oras na iyon pero naglakad pa rin ako ng diretso para makapasok sa bahay.

Napansin kong walang tao sa bahay.

Ngayon ang pagkakataon ko para malaman pa ang ibang sikretong nakatago sa loob ng mga nakatagong lihim sa bahay na ito.Nagpunta ako sa harap ng door sa kwarto nila mommy at daddy.

Pagkabukas ko ng pinto ay bigla akong nagulat sa nakita ko.

Hindi kong napansin na ganito pala ang itsura ng loob ng kwarto nila mommy.Punong puno ng sapot at mga nagsisilakihang gagamba na parang ilang taon nang 'di nalilinisan.Nakita ko rin ang ilang nagkalat ng dugo sa sahig.

At ang mga marka ng mga kamay ng dugo sa dingding.

Parang itong isang naabandonahang hospital.

Winalang bahala ko nalang iyon at saka dumiretso na sa aking kwarto matapos ang lahat nang nagyari.Para akong kakapusin ng hininga sa mga nakita ko,hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na to pero kailangan kong malaman ang taong pumatay kay mommy at mapaghiganti ko siyang makaalis ng buhay dito sa aming bahay.

Kaya naman sa sobrang pagod ko ay nahiga ako sa aking kama saka tuluyang pumikit ang aking mga mata.

Pagkamulat ng aking ay agad akong dumiretso sa aking bintana para matanaw ang labas.Tumingin ako sa taas upang tignan ang orasan at nakita kong alas dos na ng hapon.

Nakatanaw ako sa malayo habang ipinapaikot ikot ko ang aking nga daliri.

Nagulantang ako nang biglang may malakas na kumalabog sa aking drawer.Gumagalaw galaw iyon na parang may tao sa loob.Takot na takot ang mga mata kong nakatitig doon habang paatras ng paatras ang aking hakbang.Ayoko sanang gawin ito pero kailanhan kong buksan iyon at makita kung anong tumutunog tunog at bakit ito gumagalaw galaw.


Muli akong tumingin sa orasan at gantong oras rin ang nasa aking panaginip nung isang araw.Biglang lumakas ang kabog ang aking dibdib at halo hindi na ako makahinga sa kaba.

Huminga ako ng malalim saka dahan dahang naglakad papalapit sa aking drawer na ngayon ay palakas ng palakas na ang pagka kalabog nito.

Nakita ko na ito.

Nangyari na.

Ngunit sa aking panaginip.

Nananaginip lang ba ulit ako?

O totoo na 'to?

Hindi ko mapigilan ang paglakas ng tibok ng puso ko lalo pa't ang alam ko ay ako lang ang nagiisa sa kwartong ito.Kinakabahan man akong lumapit,kinailangan kong lakasan ang loob ko para makita kung anong bagay ang gumagalaw sa loob.

Habang dahan dahan akong naglalakad palapit doon ay hinahabol ang paghinga ko nang makarating na ako harap ng drawer ko ay bigla itong tumigil sa paggalaw at pati ang tunog ay nawala na rin.

DOS⸸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon