⸸4:55 pm
Tahimik kaming nasa loob ng taxi ni mommy kasama ang mga pinamili niya sa nasabing market.Nagtataka din ako kung bakit galit na galit siya sa akin nung makita niya akong nasa labas.Kanina niya pa raw kasi tinatawagan yung phone ko pero di ko sinasagot,dahil malamang ay sira na yun. Hindi ko rin siya kinakausap dahil hanggang ngayon 'di ko pa rin lubos maisip kung anong nangyayari sa buhay ko.Para akong nalululong sa droga na 'di ko alam kung anong mga nakikita at mga nararamdaman ko.
Inis kong sinarado ang pinto ng taxi nang makababa na kami ni mommy sa tapat mismo ng aming gate.Pagkababa ko naman ay dumiretso agad ako sa loob ng bahay saka ako mabilis na tumungo sa kusina upang uminom sana ng malamig na tubig dahil kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.Pakiramdam ko tuloy ay dala ito ng stress dahil sa nalalapit na exam namin this week.Nang makakuha na ako ng tubig ay nabulunan ako sa paginom nang pumukaw sa aking atensiyon ang isang napaka sangsang na amoy na nanggagaling sa mismo sa aming kusina.
Lumapit pa ako lalo para mahanap kung saan nga mismo iyon nagmumula.
Bigla akong napaigtad sa gulat nang makita ko si daddy sa gilid ng ref hawak hawak ang isang palakol na may tumutulo pang mga dugo dugo.Sa gulat ko ay napahawak ako sa aking bibig habang habol ang hiningang tumingin sa kanya.
"D-dad?"pautal utal kong sambit nang makadako ang tingin niya sa akin habang hawak ang palakol na nakaupo pa sa sahig.
Ngumiti ito at tumingin sa kawalan.Saka bumaling ulit sa akin kasabay nang pagkakatilapon ng kanyang palakol sa aking kinalalagyan.Lumunok muna ako ng ilan saka mabilis na tiningnan ang aking tiyan na nadaplisan pagkatapos niyang itapon ang palakol sa akin.
Dahan dahan akong bumaling ulit sa kanya habang hawak hawak ko ang tiyan na ngayon ay umaagos na ang dugo.Nandilim ang kanyang paningin sa akin nang bigla ko siyang sigawan.
Kinuha ko ang isang towel sa dining area saka ipinampunas iyon sa dugong dumadaloy sa aking tiyan.Sa tingin ko ay maliit lang naman ang sugat kong iyon kaya matalim akong tumitig kay daddy dahil nasaktan pa rin ako sa ginawa niya.
"Fuck!What the hell did you just do to me!"inis kong sigaw nang bigla siyang tumayo at mabilis na sinakal ang aking leeg.
Sa takot ko ay sumigaw ako nang pagkalakas lakas upang tawagin si mommy at humingi ng tulong lalo't alam kong dumiretso na ito sa taas para magpalit.
"M-mmom!Help me!Please!"gumagaralgal kong sigaw.
Bigla akong nagulat nang matawa si daddy ng napakalakas sa harapan ko.Nakakunot noo akong nakatitig sa kanya habang hirap na hirap akong makahinga sa pagkakasakal niya sa aking leeg.
"Ano bang pinagsasabi mong babae ka?Ha?!"takang sigaw nito sa mukha ko kasabay ng ilang pagkakahalakhak.
Pakiramdam ko ay sirang sira na talaga ang ulo ni daddy nung mga oras na iyon na parang hindi niya na ako kilala bilang anak niya.Hindi ko alam kung anong nangyayari kay daddy pero kailangan kong lumaban para makatakas ako sa pagkakasakal niya sa akin.Kaya naman gumawa ako ng paraan para makawala ako sa kanya.Sinipa ko nang makalakas ang kanyang tuhod saka kasabay ng pagtapak sa kanyang paa dahilan ng mabilis niyang pagkakabitaw sa aking leeg.
Pagkatapos nun ay umatras ako palayo sa kanya habang patuloy ang kanyang pagtawa.Lumapit ito sa ref saka dahan dahang binuksan iyon.
"I'm hungry honey can you lend me some food?"
ani niya sa akin na parang walang nangyari.Nakakunot ang noo kong pinagmamasdan siya habang dahan dahan niyang iginagalaw ang mga supot na nakalagay sa loob ng ref.Nagpalinga linga ako sa taas para makita kung papunta na si mommy dito dahil takot na takot na ako sa mga inaasal ni daddy sa akin.Para akong mababaliw sa kakaisip kung anong nangyayari sa kanya.
BINABASA MO ANG
DOS⸸
HorrorHindi ka niya papatulugin, Hindi ka niya tatantanan, Hindi ka niya titigilan, Hangga't hindi mo siya nababayaran. Dahil sa mundong puno ng kasamaan,kamatayan ang kabayaran sa lahat ng taong makalasanan. Maghihiganti siya, Para sa kanya.