Wiiiii....wiiiii........wiiiiiii.......wiiiii .....tunog ng nagsisisdatingan na bumbero at pati na ng ambulansya.
Sa sobrang lakas ng apoy at kapal ng usok nito na bumabalot sa buong paaralan ay halos hindi na makita pa ang nasa loob.
Nakangiti akong napadako sa gawi ni mang termi na ngayon ay nasa tabi niya ang mga gas at ang lighter na nasa kanya namang kabilang kamay.
Sumunod naman na dumating ang mga pulis at ngayon ay papunta na sa gawi ni mang termi.
"Ngayon ay magdudusa na siya sa kulungan."sabi ko sa kawalan saka lumisan nang mabilis sa lugar na iyon.
Naglalakad na ako pabalik sa aking sariling tahanan ngunit hindi ko na maalala kung saan ito.
Nawawala ako.
Pabalik balik ako sa lugar na dinaraanan ko.
Ngunit walang tao.
Napahinto ako sa gitna ng kalsada.
Maya maya ay biglang may isang truck na papalapit na gawi ko.
Hindi ako makakilos.
Ayan na.
Papalapit na.
Piiiiiiiiipppppppp.
Bigla akong napasuka sa hangin at parang may biglang lumabas sa bibig ko na itim.
Nanghina ako.
Napapikit ako nang bigla akong napadausdos sa gilid ng kalsada.Pinilit kong buksan ang mga mata ko ngunit ang labo ng aking paningin at tila hindi ako makakilos ng maayos.
Nanghihina ako.
Naaninag ko ang isang truck sa gilid, huminto siya at sumigaw ito sa harap ko.
"Hoy!Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?Bulag kaba?"sigaw nito saka ito lumisan na.
Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi niya, at hindi ko alam kung bakit andito ako ngayon sa gilid ng kalsada.Ang huling pagkakaalala ko ay nasa loob lamang ako ng bahay kasama si daddy.
Pero bakit ganun?
Napabuntong hininga ako.
"Baka namamalikmata kalang ysa." bulong ko sa sarili saka pinilig ko ang ulo ko at inaalala ang lahat.
Ngunit wala akong maalala.
Isa
Dalawa
Tatlo
Wala talaga.
Nagulat na lamang ako dahil may babaeng biglang lumapit sa akin.
"Ayos kalang ba?"
"Nasaan ako?" tanong ko rito.
Iniabot niya ang kanyang kamay saka ako inalalayang tumayo.
"Hindi mo ba naaalala?" tanong niya.
"Hindi, wala akong maalala."
Napatitig ako sa kanyang mukha.
Familiar ang kanyang mukha.
Nakita ko na siya.
"Magpapakamatay ka kasi ata, kaya itinulak kita palayo sa truck na paparating"
"Heirra?"
Ngumiti ito sa akin saka ako biglang nawalan ng malay.
--------
BINABASA MO ANG
DOS⸸
HorrorHindi ka niya papatulugin, Hindi ka niya tatantanan, Hindi ka niya titigilan, Hangga't hindi mo siya nababayaran. Dahil sa mundong puno ng kasamaan,kamatayan ang kabayaran sa lahat ng taong makalasanan. Maghihiganti siya, Para sa kanya.