14

11 1 0
                                    

Si iyumi...

Rinig ko ang pagpatak ng tubig na nagmumula sa lababo, habang patuloy ang pagpatak ng luha ko na tumutulo ngayon sa katawan ni iyumi.

"Iyumi, gumising ka jan" gumagaralgal kong boses.

Nakahawak ako sa kanyang ulo ngayon na nayupi na sa sobrang pagkaka-untog nito sa pader.Hindi ko inalintana ang masang-sang na amoy, at ang dugo nito na kumalat na sa sahig.

"Patawarin mo ako, sapagkat wala akong nagawa para iligtas ka."

Maya maya ay naidilat niya ang kanyang mga mata at pinagmasdan ako.

"Ysa, hindi ko ito matatanggap." sabi niya habang nangingilid ang luha nito.

"Iyumi, huwag kang pipikit nagmamakaawa ako.Ipapakulong pa natin silang mag-ama sa ginawa nila sa 'yo at pati sa mga hirap mo sa kamay nila."

"Y---sa...."



"Ysa, ipaghiganti mo ako."

Saka ito tuluyang nalagutan ng hininga.Doon na nagsimulang bumuhos ang luha ko, higpit ang hawak ko sa kanyang katawan.

9hours later.......

Tulala pa rin akong nakadungaw dito sa aking dingding. Hindi ko pa rin matanggap yung nangyari kay iyumi, tsaka dahil na rin sa hindi ko siya nabigyan ng hustisya sa pagkamatay niya.

Ikinuwento ko ang lahat sa principals office ngunit hindi ako nagtagumpay na paaminin ang mag-ama.Pinalabas nila na nadulas si iyumi dahilan ng pagkabasag ng ulo nito.Sinabi ni prency na tinangkang pupukpukin ni iyumi ang ulo ni mang termi at nakita niya raw ito.Kaya naman dali dali niyang inagaw ang bato kay iyumi at doon nangyari ang aksidente na nadulas siya sa cr at nauntog ang kanyang ulo.

Mga sinungaling.

Wala akong nagawa nung mga oras na iyon dahil pinapanigan sila ng principal namin sa school, hindi raw magagawa ni mang termi at prency ang sinasabi ko dahil ang dalawa ang respetado sa buong campus.Dahil nga si prency ay kilala bilang mayaman at matalino, maganda habang si mang termi naman ay isang mabait at tagapaglingkod sa paaralan.

Tangina..

Hindi ko namalayan ang pagdugo ng kuko ko, dahil sa kanina pang pangangatngat dito.Nangingilid ang luha kong kanina pa gustong kumawala habang inaalala ang maamong mukha ni iyumi sa nakahandusay sa sahig at nag-aagaw buhay.Kumikirot ang puso ko, pakiramdam ko ako ang may kasalanan bakit siya namatay.

Hanggang ngayon ay sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari, hindi sana siya mamamatay kung nagpakita ako sa dalawa at pinigilan ito.Ngunit nangibabaw ang takot ko na baka ako ay madamay.

Ayoko pang mamatay.

Maraming bulong sa isip ko na nagbibigay konsensiya sa akin sa nangyari.

"Iyumi, hindi ko naman ito ginusto.Patawarin mo ako,patawarin mo ako kasi hindi man lang kita nailigtas.Hindi rin kita nabigyan ng hustiya dahil pinaniwalaan nila ang mag-amang yun kaysa sa akin."

"Isa raw akong weirdo, dahil kung ano ano ang mga lumalabas sa bibig ko na wala naman daw katotohanan,ginawa ko ang lahat iyumi pero kahit anong gawin ko walang naniwala sa akin." dagdag ko habang nakatingin sa kawalan.

"Iyumii....."

Lumakas ang hangin, at nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan.

"Ysa, ipaghiganti mo ako." bigla kong naalala ang huling katagang sinabi ni iyumi bago siya malagutan ng hininga.

DOS⸸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon