⸸
8:45 am
"Okay,get one and pass."rinig kong sambit ni ma'am nang makadako ako sa labas ng pintuan habang habol ang hiningang naka estatwa doon.
Gulat naman itong tumingin sa akin na parang nagtataka pa sa itsura ko.
Dumaan kasi ang isang lingo sa akin na naging pagkabalisa ko.Ngayon ang nakatakdang exam namin ngunit wala ako sa aking sarili upang makapag take nito.
Pero kahit ganun ay nagpumilit pa rin akong makapag exam dahil kailangan kong maka pasa ngayon semester.Ayoko namang mahuhuli ako kaya naman kahit alam kong huli na ako sa unang araw ng exam ay sumubok pa rin akong makapasok kahit malabo nang papasukin pa ako ni maam at hayaang maka pag exam sa subject niya.
"Sorry Ma'am I'm late."tanging usal ko nang lumapit ito ng mabilis sa gawi ko.
"What happened to you?"takang tanong naman nito nang makalapit siya sa akin.
"I---
Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko si ma'am.
Hindi ako makagalaw.
Nanginginig ang mga tuhod kong nakatitig sa kanya habang wala siyang
ulo.
Bigla akong naluha.
Sa sobrang takot ko ay napaatras ako nang biglang napadako ang tingin ko sa aking mga kaklase at ganun na lamang ang pagkalumo ko nang makita sila na putol putol ang iba't ibang parte ng kanilang katawan.
Hindi na ako nakaimik kaya naman tumakbo nalang ako nang mabilis palayo sa room ko.Kahit na ayaw kong umalis ay takot na takot ako sa mga nakikita ko kaya napatakbo ako ng wala sa oras.
Nasa tabi ako ng malaking hall ngayon sa section B.Nag punta ako kung saan saan pero maraming tao ang nakatingin sa akin kaya naman napadpad ako dito sa tagong garden.Ngayon ko lang din alam na may paghuhugutan ka ng sariwang hangin dito sa ganda ng paligid.
Umupo ako sa bakal na duyan na alam kong para sa mga bata.Inumpisahan kong i swing iyon at saka ako nagmuni muni habang hawak hawak ng magkabilaan kong kamay ang paghawakan ng duyan na iyon.
Napangiti ako.
Pero hindi ko alam kung bakit ako nakangiti.
Dapat ay lumong lumo na ako ngayon sa sarili pero kusang naghuhugis ngiti ang aking labi dahilan ng pagpukpok ko sa aking ulo.
Nababaliw na ako.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.
Ipinikit ko ang nga mata ko.
Pagbukas ko ng aking mga mata ay may nakita akong batang babae na tumatakbo sa harap ko.Maganda siya.Maputi at kutis porselana.Biglang kumunot ang noo ko sa hindi ko malamang dahilan.Pakiramdam ko ay ayokong nakakakita ng taong masaya.
Dahil gusto ko ako ang masaya!
Bigla akong napangiti ulit.
Nakita ko kung paano madapa ang batang babaeng iyon dahilan ng pagkauntog ng kanyang ulo sa malaking bato.
Duguan siya.
Ngunit walang taong nakakita sa kanya kundi ako lang.
Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong natawa.
"WHAHAHAHA!"malakas kong tawa sabay turo sa batang babae na parang wala nang buhay sa ngayon.
Ngumisi ako.
BINABASA MO ANG
DOS⸸
HorrorHindi ka niya papatulugin, Hindi ka niya tatantanan, Hindi ka niya titigilan, Hangga't hindi mo siya nababayaran. Dahil sa mundong puno ng kasamaan,kamatayan ang kabayaran sa lahat ng taong makalasanan. Maghihiganti siya, Para sa kanya.