1

70 2 0
                                    

7:00 am

Mabilis kong sinuot ang aking tsinelas saka bumaba na para mag agahan.Kanina pa kasi ako tinatawag ni mom cause.

"Breakfast is ready!"ani nito sabay halik sa aking noo.

Napangiti naman ako sa kanya saka ko inumpisahang galawin ang bacon at egg sandwich na nakalagay sa aking favorite plate which is galing pa sa france.

Napangisi akong tumingin kay mom na ngayon ay busy sa paggawa ng pancakes.

"Don't tell me nasa ibang babae nanaman si dad?."walang emosyon kong sambit saka ako napayuko habang patuloy na nginunguya ang bacon.

"Hey,baby don't say that busy lang talaga si daddy mo kaya wala siya ngayon dito."malambing niyang tugon.

Agad naman akong napatingin sa kanyang braso na ngayon ay may mga pasa.Tinitigan ko lang iyon nang makita kong napatingin din siya sa akin at saka tumingin din sa kanyang braso.Iniwas niya naman iyon sa akin at kitang kita ko sa mga mata niya na nasasaktan na siya.

Muli akong napainom ng gatas at saka ulit bumaling sa kanya.

"Just give up mom,hindi na natin siya kailangan."usal ko habang ipinapaikot ikot ang tinidor sa aking plato.

Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap.

"Hey,He love us baby huwag mong pagisipan ng masama ang daddy mo,cause he just want the best for you,i mean for us."pagkasabi nito ay tinanggal ko na ang kamay niya na pumulupot sa aking katawan at saka ngumiti ng pilit sa kanya.

"Baby---"

Hindi ko siya pinakinggan kundi minadali ko na lang na tapusin ang pag inom ko sa gatas na inihanda niya saka mabilis na tumayo para makapag handa na sa pagpasok ko sa aking klase.Dahil bago palang ako sa school na papasukan ko ay kailangan kong maging maaga.Umakyat na agad ako patungo sa aking room saka mabilis na naligo.Pagkatapos nun ay isinuot ko na ang aking uniporme at saka dumako sa salamin upang pagmasdan ang aking itsura.

"So pretty huh?"sabi ni mom sa likod ko habang hawak hawak pa ang pinto.

"Just,quite"walang emosyon ko namang tugon ko naman dito.

"Take care baby,I love you always just be kind there okay?"ani nito na ikinangiti ko.

"Yes mom,ahm i have to go."sabay halik ko sa kanya at saka nagsimula nang humakbang papalayo.

Napilitan akong umalis kaagad dahil pakiramdam ko ay nadudurog ang puso ko kapag nakikita ko si mom na ganun ang kalagayan niya.Kada umaga nalang kasi siyang pinagbubuhatan ng kamay ni dad.Halos wala din siyang tulog kakaisip sa mga nangyayari kaya naman mas magandang ilihim ko nalang sa kanya na alam ko ang ginagawang katarantaduhan ni daddy sa kanya.

Pagkalabas ko nang gate ay tumambad agad si dad sa akin na ngayon ay duguan ang damit at hingal na hingal pa sa pagtakbo.Tinitigan ko lang siya ngunit palinga linga lang ito sa labas ng bahay na parang may humahabol sa kanya.Lalapitan ko na sana siya nang bigla siyang matalim na tumingin sa akin saka ito napangiti na parang baliw.Sa sobrang takot ko sa ay iniwasan ko na lamang siya at nagpatuloy tuloy nalang ako sa paglalakad.

Hindi naman kasi kami talaga close ni daddy.Dati lang.Pero nagbago lahat nung akala niya ay may ibang kinakasama ang mommy ko nung pumunta ito sa malaysia.Dahil sa sabi sabi ay naniwala si daddy na niloloko nga siya ni mommy which is purong kasinungalingan lamang.Madami kasing naiinggit kay mommy kasi nakapangasawa siya ng mayaman.Mahirap lang kasi si mommy bata palang siya hanggang sa dumalaga na ito.Nanggaling sa mahirap na pamilya i should say.Hindi ko alam kung anong nangyayari kay daddy pero mukhang may sira na ang ulo niya at pati si mommy ay nagpagbubuhatan niya na ng kamay na dati ay hindi naman niya ginagawa.

5 years na silang kasal ni mom pero never akong nakarinig ng kakaiba kay dad,lalong lalo na sa pagsasama nila ni mom.Sobrang sweet daw nito at halos ibigay niya lahat kay mommy para lang sumaya ito kapag siya'y nalulungkot.Pero sa isang iglap ay naglaho lahat.Na ang dati ay masayang gumigising si mom ngunit ngayon ay tila naging miserable na ang paggising niya araw araw kasama si dad.

Tanging ako nalang siguro ang naiisip nito kaya naman may lakas ng loob pa rin siyang bumangon kahit na alam niya sa sarili niyang pagod na pagod na siya.

Bigla akong nagulantang nang hawakan niya ang kabila kong kamay.Nakita ko ang duguan nitong mga palad at sinabing,

"Goodmorning baby,where are you going?"takang tanong nito sa akin.

Bigla akong napaiwas nung magsalita siya nang makaamoy ako ng napakasang sang na amoy na parang isang bunganga ng patay na tao.

Huminga naman ako nang malalim saka siya dahan dahang sinagot."Going to school dad."

"Are you going to leave me too?"gumagaralgal nitong tugon.

Inalis ko ang mga palad niya na nakahawak sa aking braso saka siya hinarap ng walang takot.

"What are you talking about dad?"takang tanong kong naguguluhan sa mga pinagsasabi niya.

Inis kong tinalikuran siya nang bigla niyang hilain ang buhok ko saka mabilis na pinaharap ang aking mukha sa kanya.

"D-ddad,nasasaktan ako."ani ko dito saka ako binitawan padausdos sa lupa.

"Go!Leave and don't come back!"sigaw nito sabay takbo papuntang loob ng bahay.Naiwan naman akong tulala dito na nakaupo sa lupa nang biglaan nalang lumuha ang aking mga mata.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko upang sa ganoon ay malabanan ko lahat ng takot na dumadaloy sa katawan ko.Tumayo ako nang matuwid at inayos ang aking kwelyo na nagulo tsaka pinagpag ang aking palda.Bumuntong hininga na lamang ako at nagumpisa nang umalis sa lugar na iyon at baka kung ano ano pa ang maisip ko at malabanan ko ang daddy kong siraulo.

"Wooooo,what's with the fake blood?"sigaw ng isang babaeng nakatingin sa braso ko nang makita akong papasok sa silid namin.

Nagulat nalang ako nang makitang duguan pala ang aking kamay kaya naman nagtungo agad ako sa cr para maayos ko ang aking sarili.Nang makarating ako roon ay mabilis kong inopen ang faucet at saka dahan dahan kong hinugasan ang aking kamay.Nakatakot ko ata ang iba kong mga kaklase kasi nakita ko kaninang pagpasok ko kung paano sila umiwas sa akin.Hindi ko man lang namalayan na may bahid pala ng dugo tong kamay ko.

Nang makabalik na ako sa aking silid ay naupo na ako sa aking upuan nang mamalayan kong nawawala iyong bag ko.Napatingin ako sa aking mga kaklase na ngayon ay nagtatawanan at saka bumaling sa itaas kung saan may itinuturo sila.Dahan dahan akong napatingin at nakita ko ang aking bag na nasa itaas nakasabit sa may krus.

"Bagay sayo yan girl!Para naman kilabutan ka oh,may pa fake fake blood kapang nalalaman ano ka killer?"sigaw nanaman nung babae na yun saka ako mabilis na inirapan at malakas akong pinagtawanan ng lahat.

Gigil na gigil man ako sa nakikita ko ngayon ay wala akong magagawa.Kaya naman kumuha ako ng isang upuan at saka iniabot yung aking bag na ngayon ay nakasabit.Hinayaan ko nalang silang tumawa ng tumawa hanggang sa tumigil sila dahil mamaya maya ay paparating naman na ang guro namin,ngunit bago pa man ako makababa sa aking kinatatayuang upuan ay biglang tinadyakan iyon nnung isang babae dahilan ng pagkakatumba ko sa sahig.

"Aww,poor girl."pabebeng sambit nito saka ako muling pinagtawanan ng mga kaklase ko sa loob ng silid.

Napanatag ang loob ko nang dumating na ang aming guro saka sila mabilis na pinatahimik at siya naman ang umalok sa akin para tumayo.Pagkatayo ko ay bumalik na ako sa dati kong upuan.Bumuntong hininga ulit ako at pinipilit ang sariling kumalma.

"Okay class,You have your new classmate,her name was?can you please stand miss?"ani nito sa akin saka ako mabilis na tumayo ng matuwid.

"Hi,My name is Ysapphile Han Dhimon,you can call me,

Ysa."

DOS⸸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon