⸸
2:00 pm
Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsimulang magsalita sa harap ni mommy na ngayon ay seryosong nakatingin lamang sa akin.
"Mom,napansin kong wala na yung tv natin tsaka yung radyo.Wala din dumadating na mga newspaper.Hindi ko na kasi alam kung ano ang laman ng mga balita."ani ko dito habang nakaupo kami sa isang sofa.
"Nagiba din yung lasa ng mga pagkain sa ref.Para akong nasusuka kapag nakakain ko yung mga iyon mom."
"Laging wala si dad which is nasanay naman ako pero kapag umuuwi siya ay mga bandang ala una na ng umaga."
"Wala na akong natatanggap na bagong balita sa bayan natin.Narinig ko din na marami ang nawawalang babae sa lugar natin mom.Pero i want to make sure if it's really true but how can i do that if there's is no tv and radio here in our house?"
"My classmates are always bullying me because of the blood stain in my uniform,mom?Araw araw nalang na ganun ang nangyayari.Saan nanggagaling ang dugo sa uniporme ko?Okay look mom,Pag sinusuot ko yun ay maayos naman at malinis,pero kapag nasa school na ako,laging may dugo sa uniform ko?Can someone tell me what's going on?"takot na takot kong usal sa harapan niya ngunit nakapanatili itong walang imik na parang tulalang tulala sa mga sinasabi ko.
"Hey mom,can you please tell me what's going on around us?" dagdag ko pa nang dahan dahan kong hawakan ang kamay niya.
Bigla akong kinilabutan nang maramdaman kong napakalamig ng kanyang mga kamay.Hindi ko na lang pinansin iyon dahil hinihintay ko pa rin ang sagot niya sa lahat ng katanungan ko.
"Mom?" Muli kong usal na mas lalong nagpakaba ng aking dibdib.Pakiramdam ko kasi ay napaka seryoso nito at parang wala sa sarili.
"Please tell me,what's wrong?" Huminga ako ng malalim saka matalim siyang tinitigan sa mga mata.
"I need to know what going on right here!"dagdag ko pa habang pinipilit siyang magsalita.
Hindi ko alam pero nanginginig ang tuhod ko nang itapat ko ang mga mata ko sa kanya.Pakiramdam ko kasi ay nagsasalita lamang ako sa hangin.Hindi ko alam kung paano at bakit ganito si mommy?Gustong gusto ko nang umalis nung mga oras na yun dahil hindi niya naman ako sinasagot kaso kailangan kong malaman kung anong totoong nangyayari sa bahay na ito.
"Mom,c-can you t-tell me what's g-going on?" Dahan dahan kong sambit sa kanya habang nakatingin lang ito sa akin.
Muli kong ibinaba ang tingin ko,parang wala sa mood si momny mag explain sa akin ngayon kaya naman mas minabuti ko na lamang na huwag na siyang tanungin para hindi ito masyadong ma stress.
Tatayo na sana ako nang bigla niyang hamasin ng dahan dahan ang buhok ko.Napangiti naman ako kaya dahan dahan din akong napatingin sa kanya.
Nagsitayuan ang aking mga balahibo nang makita ko ang mga sumusunod na pangyayari.
Si mom.
Walang mga mata.
Sa sobrang gulay ko ay tumayo ako palayo sa kanya.Bigla itong ngumiti at saka dahan sahang ibinubuka ang kanyang bibig gamit ang dalawang hintuturong daliri,Nag umpisa itong tanggalin ng isa isa ang kanyang mga ngipin dahilan ng pagkakadaloy ng mga dugo sa kanyang katawan pababa sa sahig.
"Mom p-pplease,w-wwhat a-aare y-yyou d-ddoing" gumagaralgal kong boses habang habol ang hininga kong nakatingin sa kanya.
Ipinilig ko ang ulo ko nang bigla ko nalang siyang makitang nakatayo malapit sa akin at saka ako biglang sinakal sa leeg ng mahigpit na mahigpit.
"M-mmom"
Nakangiti ito sa akin habang ginagawa ang karumal dumal na pagsakal sa aking leeg.Nag uumagos ang mga dugo na nagmumula sa kanyang bibig na halos di na matukoy kung bibig paba ito ng tao o bibig ng di pang karaniwang nilalang.Kitang kita ko sa kinalalagyan ko ang kanyang bibig na puno ng mga nagsisigalawan na mga uod. Mala uling sa itim ang mga ngipin nito na para bang nangangain ng buhay.Sa takot ko ay na itinulak ko siya ng malakas nang biglang...
"Ysa?Ano bang nangyayari sayo?" malambing na sambit nito sa akin habang dahan dahang niyuyugyog ang aking katawan.
Habol ang hininga kong tumingin sa kanya at ganun na lamang ang pagtataka ko ng maayos na maayos naman ito at parang nagtataka pa kung anong nangyayari sa akin.Hindi ko alam pero parang nasisiraan na ako ng ulo sa mga hindi kapani paniwalang nangyayari sa akin.
Humakbang ako papalayo sa kanya dahil sa mga nakita ko kanina ay parang wala na akong mapupuntahan lugar kung saan ako tahimik na makapapamuhay.Naiiyak ako kaya naman mabilis ako tumakbo papalayo sa kanya,rinig ko pa ang ilang sigaw nito sa pangalan ko pero gusto ko munang mapagisa.
Hindi ko lubos maisip kung anong pumapasok sa utak ko at bakit tila nabubuhay ako sa isang malaking kasinungalingan.Napagdesisyunan kong lumabas muna ng bahay para makalanghap ng sariwang hangin.Lumong lumo na akong nagtatatakobo sa daan para lang makaiwas sa anumang mga kumakalat na kakaiba sa sarili ko.
Nadala ako nang mga paa ko sa isang palengke,mga nagbebenta ng gulay,prutas at ibat'ibang klase ng mga sariwang karne.Rinig ko pa ang mga sigawan sa loob ng market kaya naman mas natuwa ako dahil para akong malayang malaya.Nakakalula kasi ang sobrnag katahimikan kaya naman masaya akong napunta ako ng mga paa ko dito.
Paikot ikot ako sa market na yun upang tumingin ng mga benta nila.Nakakita ako ng isang lalakeng matandang nagtitinda ng ice cream kaya naman nilapitan ko agad ito saka nginitian siya.
"Manong,pabili po ako ng ice cream ninyo"magalang kong sambit dito.
"O sige iha,ano bang gusto mong flavor?"tugon nito habang nakangiti rin sa akin.
Hinayaan kong buksan niya ang kanyang paglalagyan ng mga iba't ibang klase ng kanyang panindang ice cream,sinilip ko iyon nang bigla akong nanlumo sa nakita ko.
Ang ice cream ni manong,may mga bulate at purong dugo ang nasa loob nito.
Sa sa sobrang pagkakadiri ko ay napatakbo ako palayo roon dahil hindi ko na kayang pigilan ang paglabas ng pagsuka ko.Nang mailabas ko na iyon ay muli kong pinilig ang ulo ko at kinuskos ang aking mga mata nang bigla akong napatingin sa isang babaeng nakatalikod habang bumibili ng sari saring prutas.Kumunot ang noo ko nang mapansin kong parang familiar iyon sa akin.
na parang si...
"M-mmommy?"usal ko sa hangin nang bigla itong lumingon sa gawi ko.
Lumapit ito sa akin na parang nagtataka pa.Hinawakan niya ang mukha ko at bigla na lamang itong nagsalita.
"Hey ysa my baby,bakit andito ka sa labas?Diba I've told you earlier that I'm going to buy foods for you?Dont tell me...Did you skip your class again?"
Lumaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya habang pigil na pigil ang aking paghinga.
Kung si mommy ay nandito sa market, sino yung?
tao kanina sa bahay?
BINABASA MO ANG
DOS⸸
HorrorHindi ka niya papatulugin, Hindi ka niya tatantanan, Hindi ka niya titigilan, Hangga't hindi mo siya nababayaran. Dahil sa mundong puno ng kasamaan,kamatayan ang kabayaran sa lahat ng taong makalasanan. Maghihiganti siya, Para sa kanya.