BACK 53 - Accident

8 0 0
                                    

"Dada alis na po kami" sabi ni Lira kasama nya si Alex pupunta sila sa bahay nila Camille

"Alex bantayan mo yan"

"Opo tito" sagot ni Alex. 

Palabas na sila ng hospital ng biglang may dumating na ambulansya.

"Car accident" sabi ng rescuer. Napatakip naman ng mata si Lira. Nagulat naman si Alex sa nakita nya.

"Attorney Quezon?" Sabi nya

"Dad ni Martin?" Tanong ni Lira.

"Call Martin" sabi ni Alex sabay abot ng phone nya sumunod naman si Alex sa ER.

Paalis palang sa bahay si Martin kasama nya si Bryan at si April. Nung matanggap nya ang tawag dumiretso sila sa hospital in imbes na sa bahay ni Camille.

"Anong nangyari" tanong ni Martin kay Alex ng makarating sa hospital. Ramdam sa kilos nya ang pag aalala.

"Car accident daw lasing ang dad mo" sabi ni Alex.

Pag labas ng doctor sa ER sinalubong agad sya ni Martin. Para malaman ang lagay ng ama.

"Kamag anak ba kayo ng pasyente?"

"His my.." natigilan naman sya di nya alam kung kaya ba nyang sabihin na mag ama sila "my dad. He's my father. " sabi ni Martin

"Kailangan natin syang salinan ng dugo habang hinhintay ang ibang result nya."

"Ako pwede ako same lang kami ng blood type" sabi ni Martin. "Okay lang ba sya?"

"May mga fractured sya pero hintayin parin natin ang lab test. Excuse lang." sabi ny Doctor

"Sir pa fill up nalang po nito." Sabi ng isang nurse

Agad namang nag fill up si Martin ng form at saka  sumalang sa blood donation. Habang nasa loob dumating naman ang iba nilang kaibigan.

"Nasaan si Martin?" Tanong ni Sheena

"Nag donate ng dugo para sa dad nya"sagot ni Lira

"He looks so worried while driving earlier." Sabi ni April

"He is amazing I really can't imagine na gagawin nya yun sa galit nya sa dad nya" sabi ni Alex.

"Di rin naman ako natutuwa sa dad ko pero gagawin ko din yun" sabi ni Bryan habang nakatingin kay Miko.

"Ama pa rin nya yun kahit anong gawin nya" sabi ni Sheena. Umiwas tingin nalang si Miko kay Bryan.

Pag labas nya ng kwarto ni Martin agad syang na upo sa waiting area. Lumapit naman agad ang mga kaibigan nya.

"Are you okay?" Tanong ni Sheena

"Okay lang bat nandito kayong lahat?" Tanong ni Martin kahit pilit syang ngumingiti.

"Alam mo namang lagi kaming nandito" sabi ni Alex.

"Anong nangyari?" Tanong ng mom ni Martin di nya ito napansin na dumating.

"Car Accident. He will be okay dapat di ka na pumunta dito." Sabi ni Martin.

Napatingin naman sila sa information table na nag hahanap kay Marlon Quezon. Palapit na sana sya sakanila nung bigla itong natigilan. Nung makita si Martin at ang mommy nya.

"Medyo na hihilo ako" sabi nalang ni Martin.

"Ilang bag ba dinonate mo?" Tanong ng mom nya. Peace sign nalang si Martin na nakangiti sa mom nya.

"Dalawa lang naman" sagot ni Martin. "Guys kayo nalang pumarty di na siguro ako makakasama" sabi ni Martin saka sya itinayo ng mom nya.

Bigla naman itong bumagsak kaya agad syang binuhat ni Alex at Bryan agad din naman may dumating na doctor para tingnan ang lagay nya

Remarkable Students 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon