Si Jb at ang mommy nya nalang ang pumunta ng hospital. Pag dating doon ay sinalubong sila ni Cheng kasama si Miko.
"Where is my son?"
"May tama ng bala si Jc inooperhan na sya ngayon" sabi ni Cheng.
Halos matumba ang mommy ni Jb buti nalang nasalo nya ito. At pinaupo my muna sa waiting room
"Jb" napalingon naman sila si George nasa wheelchair.
Di naman makapag salita si Jb napayakap nalang sya habang umiiyak.
"Ang tapang ni Jc kanina" sabi ni George habang nag uusap sila sa chapel.
"Alam ko yun. Matapang pero di halata alam ko yun. Di lang kami basta magkapatid" sagot nalang ni Jb pero napatakip din sya ng mukha habang umiiyaka. "Di ko alam gagawin ko pag nawala sya"
"Kakayanin nya lalaban sya" sabi ni George na hinawakan ang kamay nya at sumandal kay Jb.
Maraming gumugulo sa utak ni Jb. Halos sabay sabay pumapasok sa utak nya. Naguguluhan na din sya.
"Jb okay na si Jb tapos na ang operation" hingal na sabi ni Miko. "Nasa ICU sya ngayon"
Agad naman napangiti si Jb napayakap din sakanya si George.
Habang nasa ICU si Jb at ang mommy nya pumunta naman si George sa kwarto ng kuya nya na nag papahinga na din ito daplis lang ang bala dahil sa bullet proof na suot nya.
"George may gusto lang akong linawin" sabi ni Miko "Narinig ko sabi mo may isa pang Sebastian may anak pa si Gian?"
"Saan mo narinig?"
"Sa tracker na suot mo" sabi ni Miko.
"Marami pang nakatago na sekreto sa Sebastian may isa pang Sebastian na di pa nakikilala. Anak sya ni Gian"
"Paano mo nalaman"
"I just know" sabi ni George na. Napatingin sa kuya nya.
Kinaumagahan nagising na din si Jc. Pag mulat nya ng mata nya nakita nyang umiiyak ang mommy nya katabi si Jb.
"Anong nangyari asan si George?" Tanong ni Jc
"Okay na si George nasa kabilang kwarto sya kasama si Sir Gino" sabi ni Jb.
"Dapat nakinig nalang ako sa dad nyo na hindi ko kayo kayang alagaan"
"Mom no" sabi ni Jc sabay hawak sa kamay nya. "Kung nandito sya mas pipiliin ko parin kayong kasama" sabi ni Jc napahagulgol naman ang mommy nila.
Inasikaso din agad ng doktor si Jc. Sakabilang kwarto naman gising na din si Gino. Agad syang inasikaso ni Miko.
"Asan si George?" Tanong nito.
"Lumabas po pumunta yata kay Jc"
"Kumusta na pala si Jc?"
"Okay na po sabi ng Doctor gising na rin po. " sabi ni Miko.
"Matapang din pala yun kala ko puro lang sya talino" biro ni Gino "Tulungan mo nga ako gusto kong lumabas" sabi ni Gino
Habang nakaupo sila sa labas malalim na hinga muna ang nilabas ni Gino saka napangiti kay Miko.
"Naalala ko dati ang liit liit mo palang tingnan mo nga to ngayon tinulungan mo pa ako sa problema kay Gian"
"Kuya ano na po mangyayari sakanya?"
"Kung ako gusto ko pag bayaran nya lahat ng kasalanan nya. And when I say lahat, lahat lahat kasama ang mama mo"
"Bakit ano po ba kasalanan nya?"
BINABASA MO ANG
Remarkable Students 2018
Fiksi UmumSila lang naman ang estudyanteng mag kakaiba ng gusto at hilig pero iisa ang goal sa buhay. Ang mag karoon ng magandang imahe sa sarili at sa kanilang mga pamilya. Mag kakasamang silang haharap sa mga problema sa barkada, sa pamilya, sa mundong gin...