Pag labas ng bahay ni April sakto namang lumabas si Bryan. Agad umiwas ang dalawa sa isat isa. Si Bryan ay pumunta sa bahay nila Martin. Si April naman muling bumalik sa bahay nila.
Ilang araw pa bago mag resume ang klase nila. Nag mumukmuk lang si April sa kwarto nya ayaw nya muna makipag kita sa mga kaibigan nya baka nandun si Bryan.
Habang nakahiga sa kama nya biglang nag ring ang phone nya.
"Wattzzupp" napangiti nalang sya sa message ni Miko.
"Bored" reply nya wala pang ilang minuto nag reply na agad si Miko.
"Good actually papunta na din ako sa bahay nyo" reply ni Miko.
Imbes na mag reply napatayo agad si April at nag ayos ng sarili. Nag toothbrush nag pulbos at kung ano ano pa. Pag katapos nya saka namang may nag door bell. Nakipag unahan pa sya kay nanay Luz na mag bukas ng gate.
"Di ka na nag reply"
"Aba nag paganda ako" sagot ni April na abot langit ang ngiti.
"Loko loko. Dati ka ng maganda"Nag tatawanan lang sila habang papasok ng gate.
Sa kwarto naman ni Bryan naka tingin ang sya sa dalawa na nag tatawanan sa gate nila April. Iniisip nya na sana sya dapat ang nandun ngayon at di Miko.
"Ano kaya pa?" Tanong ni Cheng. Ngumisi nalang si Bryan saka humakbang palayo. Agad naman syang hinawakan ni Cheng sa braso."Sinabi ko na sayo na wag sya"
"Hindi ngayon pero darating ang panahon makukuha ko gusto ko. Hindi habang buhay susunod ako sa pamilyang to" sabi ni Bryan saka inalis ang kamay ng kapatid nya at tuloyang umalis ng kwarto.
Pag balik nila sa campus di na naman sila nag kikibuan. Nakikiramdam din sila kay April at Bryan.
"Nakakatakot talaga sa pwesto ko" react ni Mamey.
Naptingin pa si Miko kay Bryan pero umiwas tingin din si Bryan.
Pagdating ng lunch break humiwalay si Bryan mag isa lang sya. Si Miko naman sumabay sa team mates nya. The rest sama sama na.
"Ahmm pwede maki share ng table?" Biglang natahimik lahat at napatingin sa babaeng lumapit kay Bryan. Di na nag salita si Bryan pero suminyas sya sa babae na maupo na sya.
Nag simula ng mag bulungan ang lahat may mga ilan pa tinuturo pa si April.
"Just ignore them" sabi Alex.
"Tama ka" sabi nya. Muli pa syang na patingin kay Bryan. Si Miko naman nakatingin kay April.
Habang kumakain sila nag tatawanan pa sila. Biglang agaw eksena si Bryan. Napatingin ulit sila sa pwesto ni Bryan na binuhusan nya ng tubig ang babaeng kasama nya sa table saka sya umalis.
Sumunod naman si April dito. Pinigilan sana sya ni Miko pero napailing si April saka muling sumunod kay Bryan.
Kilala nya si Bryan bully sya pero di sya gagawa ng masama kung walang nasabi ang babae sakanya. Nag pang abot na sila sa field.
"Bumalik ka na sakanila. At wag mo ng lalapitan ang babaeng yun" sabi ni Bryan.
"Bat mo ginawa yun?"
"She deserve that."
"Ano ba sinabi nya?"
"Di mo gugustohing marinig ang sinabi nya" sabi ni Bryan saka umalis. Di na rin sya hinabol ni April.
"Ahmm pwede maki share ng table?" Biglang natahimik lahat at napatingin sa babaeng lumapit kay Bryan. Di na nag salita si Bryan pero suminyas sya sa babae na maupo na sya.
BINABASA MO ANG
Remarkable Students 2018
General FictionSila lang naman ang estudyanteng mag kakaiba ng gusto at hilig pero iisa ang goal sa buhay. Ang mag karoon ng magandang imahe sa sarili at sa kanilang mga pamilya. Mag kakasamang silang haharap sa mga problema sa barkada, sa pamilya, sa mundong gin...