BACK - 46 Christmas Surprises

14 2 0
                                    

Papasok ng gym si George ng mahagip ng mata nya si Gino at si Ms.Roxas Teacher nila sa Section B. Naaalala nyang tinutokso ng mga studyante si Gino dito.

Nag uusap lang sila ng biglang mapayakap si Gino dito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Miko kasama si April.

"Omg si si Ma'am at si Sir Gino" sabi ni April

"Tara na dun at lumalove life kapatid ko" sabi ni George na hinila na papasok si April at Miko

Nag enjoy naman sila sa Christmas party nila pero parang may kulang kaya di sila satisfy sa event nila.

Nakaupo lang sila sa gilid habang na nonood ng performance.

"Excuse me" napatingin naman silang lahat kay Raven agad namang siniksik ni Martin ang sarili nya kay Sheena.

"Sheena pwede bang mahiram si Martin" pormal nitong sabi. Nag katinginan naman sila ano nanaman pakulo kaya to?

"Alam mo kung gusto mo syang kausapin dito sa harap namin" sabi ni Bryan na napatayo pa para lapitan si Martin na para bang di nya pinapayagan na tumayo.

"Agree" sabi ni George

"Okay Im sorry alam kong hirap na kayo mag tiwala saakin pero sorry" sabi nya natameme naman sila. Nag kakatinginan pa sila kung sigurado ba sila sa naririnig nila.

"We forgive you matagal na" sabi ni Martin.

"Yun naman talaga gusto ko malaman kung napatawad nyo na ba talaga ako o hindi pa"

"Dont worry Raven okay na ang lahat basta wag ka nalang gumawa ng gulo saamin" sabi ni Bryan.

"Thats good" sabi nya na napangiti saka pinako ang tingin kay Miko.

"Bakit?" Tanong ni Miko

"I heard that you are the new leader of comcolgang just wanna say hi" sabi nito sabay alis

"Ohmy" react ng mga babae nag tawanan naman ang mga lalaki.

"Ano Miko sunggaban mo na yun" pang aasar ni Bryan

"Ayaw" sabi ni Miko.

"Paano yan papatulan ni Miko ako nga di pumapasa" sabi ni April.

"Oh well papasa naman kunteng effort pa" sabi ni Miko sabay sabay naman silang nag tawanan

"Paasa" bulong ni Bryan.

"Hello guys" bati ng host ng event. "Medyo boring ba?"

"Alam naman kasi natin na sa ganitong event isa lang naman ang inaabangan natin" sabi nung isa

"Please watch this" sabi ni host.

"Hello guys" si Alex habang nag lalakad sa snow.  "susubukan ko.. well baka di rin umabot pabalik ng pinas. Ayan pag di umabot baka mag perform ako sa eroplano."

Na cut na ang video sunod na play video ang pag lapag ng eroplano. "Ayan wala pang tulog pero bahala na 7pm na po bahala na"

"Yung mga regalo mo handa na ba"

"Spoiler tong dad ko pero see you guys later." Sabi nya na tawang tawa saka pinatay ang video namatay na din ang ilaw.

"Wow pinag handaan nanaman nitong lalaki na to" sabi ni Martin.

"When it comes to surprises. Alex is Alex" sabi ni Jb.

Spot light lang walang nakaupo sa gitna. Dahandahang lumiwanag at banda ng dad nya ang tumutugtog. Pero wala si Alex at kahit ang dad nya. Parang pilit pang kumakanta ang banda.

Remarkable Students 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon