Naka-upo lang at pinag tatawanan si Sheena. Bigla silang natigilan nung biglang pumunta si April sa harapan at tumulong mag bura ng nakasulat sa board.
"Tara na" sabi ni Bryan sabay hila kay April papunta sa upuan.
Pag balik ni Sheena sa upuan biglang may pumutok sa loob ng bag nya saka umagos ang tubig mula doon. Tumingin nalang si Martin sa malayo. Para di nya nakikita ang nagyayari kay Sheena.
"Please grow up people" sabi ni Sheena saka tumingin ng masama kay April.
"Kung ako lang ang tatanungin ayokong mangyari sayo yan. Di ko sinasabing deserve mo yan pero lesson learn nalang siguro don't mess up with my friends" sabi ni Bryan.
"Ikaw ang nag utos na gawin nila to saakin"
"Wala akong ginawagang masa. Ngayon kung masama ang nagyayari sayo
Siguro ikaw ang may ginawang masama saamin." Sabi ni Bryan.Inayos nalang ni Sheena an basa nyang gamit. Hindi rin naman sya susuko sa mga pang bubully sakanya.
"Panalo kayo nayon pero di ibig sabihin masaya kayo habang buhay" sabi ni Sheena.
"Panalo kayo nayon pero di ibig sabihin masaya kayo habang buhay" paulit ulit na pumasok sa utak ni April.
"Ah!" Sigaw ni April napatingin naman sakanya ang lahat habang hawak ang ulo nya. "Ahhhh!" Sigaw pa nya kaya agad syang hinawakan ni Bryan.
"Anong nangyayari sayo?" Tanong pa nito
"Panalo kayo nayon pero di ibig sabihin masaya kayo habang buhay" biglang pumasok ulit sa utak nya.
Parang may nakikita pa syang anino ng isang babae. Nasa madilim na kwarto ito at may nakapalibot na mga tao.
"Ahhhhhhhhraaayyy koo!" Sigaw pa nya agad naman napalapit si Miko sakanya nakapapasok lang ng classroom.
"Dalhin na natin sya sa clinic. Sabi ng doctor possible daw na mag karoon pa ng reaction dahil sa tumamang bola sakanya kahapon" sabi ni Miko.
Agad nyang binuhat si April papuntang Clinic seryoso namang napatingin ang groupo ni Bryan kay Sheena.
"Now Bryan tell us na hindi nga deserve ni Sheena ang nagyayari sakanya ngayon." Sabi ni Alex.
"Tara na puntahan na natin si April" sabi nalang ni Martin.
"Kung ano man ang mang yayari sayo don't blame us blame yourself." Sabi ni Bryan kay Sheena saka umalis at sumama sa mga kaibigan nya.
Napa upo nalang si Sheena parang na rerealise nya na mali lahat ng ginawa nya. Wrong move sya at malapit nya ng ma-admit sa sarili na mali lahat ang mga plano nya.
Pag dating nila Bryan sa clinic palabas na si Miko. At isinara na ng nurse ang pinto clinic.
"Hayaan na muna natin sya sabi ng doctor sila na daw bahala" sabi ni Miko.
Ayaw man sana nilang bumalik sa clasroom pero kailangan. Nung hapon ding yun di pa lumalabas si April ng clinic at mas kinabahan pa sila ng makita nila si nanay Luz sa skwelahan.
Gusto sana nilang makinig sa pinag uusapan pero wala silang marinig. Bawal naman pumasok dahil ayaw ng doctor.
Habang nag hihintay sila sa pag labas ni Nanay Luz biglang may dumating na ambulansya. Na mas lalong ikinabahala nila.
"Nanay Luz anong nagyayari?" Tanong ni Bryan.
"Okay na sya kailangan nya lang dalhin sa hospital para sa mga test." Sabi ni nanay Luz.
BINABASA MO ANG
Remarkable Students 2018
Fiction généraleSila lang naman ang estudyanteng mag kakaiba ng gusto at hilig pero iisa ang goal sa buhay. Ang mag karoon ng magandang imahe sa sarili at sa kanilang mga pamilya. Mag kakasamang silang haharap sa mga problema sa barkada, sa pamilya, sa mundong gin...