"What nag sumbong agad ang Lim na yun sa magulang nya?" Tanong ni April.
"Yun ang rason bat umuwi ang dad ko na galit na galit" sabi ni Bryan.
"Anong plano nyo sa silver dust na yun?" Tanong ni Camille.
"Wala naman like I said umiiwas na akong dagdagan ang hate list ko nag mamatured naman tayo eh" sabi ni Bryan.
"Hayaan nalang natin sya as long as na buo tayo walang makakatinag" sabi ni Camille.
"Hindi kami buo" sabi ni Jc. Bigla naman silang natahimik saka naalala si Alex.
"Okay makikita din natin si Alex" sabi ni April.
"Dapat lang nag usap kami ni tito kahapon malapit na pala yung performance nya sa Milan" sabi ni Jb.
"Milan bat ang layo?" Tanong ni Sheena
"Taga Italy ang mommy nya pangarap talaga nyang mag aral kung saan nag tapos ang mommy nya sa Milan Conservatory." Paliwanag ni Martin
"Pinag hahandaan nya yun" sabi ni April.
Habang nag lalakad lakad si George sa palengke malapit sa school nila may napansin syang pamilyar na lalaki na nag seserve sa isang kainan.
"Alex?" Tawag nya agad namang napatingin si Alex.
"George?" Di na sila nag imikan. Hinintay nalang ni George kung kelan ang out si Alex halos gabi na ito natapos.
Nasa loob lang sila ng sasakyan ni George nag uusap..
"Hinahanap ka na nila April"
"Ayoko pang umuwi"
"Bakit?"
"Wala na akong uuwian"
"You have your friends. Sabi ni Miko halos araw araw na lelate si April para lang hanapin ka. At mga kaibigan mo gabi na rin umuuwi para hanapin ka" sabi nya
"Wag mo nalang sasabihin na nakita mo ako. Ayoko pang umuwi"
"Lets make a deal. Kung nakikita kong okay ka pa di ko sasabihin pero oras lang na mapahamak ka na sa ginagawa mo tatawagan ko ang mga kaibigan mo para sabihin kung nasaan ka" sabi ni George.
"Di ka pumasok?" Tanong bigla ni Alex.
"Ililipat narin naman ako ng school" sabi nya
"Any way di na ako mag tatagal baka masarahan ako sa bahay" sabi ni Alex. Saka limabas ng sasakyan at tumakbo palayo.
Pauwi na si Geroge pero nag aalala sya sa sitwasyon ni Alex. Gusto nyang nalaman kung okay lang ba talaga sya.
"Kuya bukas pakahatid mo sa akin sa school bantayan mo naman si Alex promise di ako tatakas at hihintayin kita sa school" sabi ni George sa driver.
"Baka pagalitan ako ng kuya mo" sabi ng driver.
"Kelan ba kita nilaglag. Kahit naman tinatakasan kita inaako ko naman kasalanan lagi eh" sabi ni George.
"Bahala na" sabi ng driver.
Sabado nung makatanggap si April ng text galing kay Miko naka attach pa dun ang picture ni Alex nasa isang kainan. Agad silang pumunta sa address na tinext ni Miko. Tinawagan na din nila ang daddy ni Alex.
Sa di kalayuan kung saan nag tatrabaho si Alex naka park ang sasakyan ni George kasama nya si Miko sa loob at hinihintay ang pag dating ng mga kaibigan ni Alex.
"How did you find him?" Tanong ni Miko kay George.
"Connection.. alam mong marami akong kakilala at kaibigan" sagot ni George.
BINABASA MO ANG
Remarkable Students 2018
General FictionSila lang naman ang estudyanteng mag kakaiba ng gusto at hilig pero iisa ang goal sa buhay. Ang mag karoon ng magandang imahe sa sarili at sa kanilang mga pamilya. Mag kakasamang silang haharap sa mga problema sa barkada, sa pamilya, sa mundong gin...