Chapter 36

57 2 0
                                    

MEMORIES

“Calvin, wake up...”

Agad namang dumilat ang mata ko nang maramdaman ang pagtapik na iyon. Pagdilat ng mata ko si Crystal ang unang nakita ko. She stayed like what I wanted.

“Your Dad is asking about you.” aniya. Napabangon naman ako agad. Halos mapatalon ako sa gulat. Pinanlakihan ko siya ng mata.

“Huh?” paglilinaw ko. Parang pakiramdam ko na-misheard ko lang ang sinabi niya. Kasi imposibleng mag-alala si Dad sa akin.

“Your brother is downstairs.” dagdag pa niya. Hindi niya klinaro ang ʼdi ko maintindihan. Totoo ba? Posible pa ba ʼyon?

Inisip ko pa muna kung paano nalaman ni Adrian ang bahay ko. How could I damn forget that he knows my damn location?

Gusto ko mang itanong kay Crystal kung ano ang ginagawa at bakit nandito si Adrian sa pamamahay ko, hindi ko maitanong dahil may posibilidad na hindi niya alam at may posibilidad din na hindi siya sumagot kahit alam niya kung bakit.

Tumayo siya at bumuntong hininga. “Heʼs waiting for you there.” she said before grabbing my arms and guided me to stand up in the bed. She succeeded on helping me to stand and she helped me from every move I take.

Ilang sandali pa ang lumipas nang makababa na kaming pareho. Bumungad sa akin si Adrian na nakaupo sa sofa sa sala na tila may inaantay. Tinignan ko lang siya nang may seryosong reaksyon na nakapunta sa mukha. Nagsalubong ang tingin naming dalawa.

Nang tumayo siya sa sofa ay sinalubong niya ako. “Wala ka na ba talagang magagawang tama sa buhay mo?” agad na tanong niya sa akin.

I donʼt think so, Adrian.

“Kung makapagsalita ka parang lahat ng ginawa mo sa buhay mo tama.” I snapped as I push him so he will be pissed off. “By the way ano nga palang ginagawa mo rito? Do you have some hidden agendas?”

“I came here to show you this...” he said then he turned on his phone and showed me something. Unang parte pa lang ng post ay alam ko na dapat na akong matuwa at magdiwang. Mula sa itaas hanggang sa ibaba ay binasa ko.

Natawa na lang ako bigla sa pinakita niya. “Congrats!” pagbati ko. “Teka, Iʼll get you a wine to drink.”

My system boosted up. Like I wasnʼt experiencing dizziness. Si Adrian lang pala ang kailangan para gumaling ako sa lagnat. Ginanahan ako ora mismo dahil nagsimula na siyang makipagtalo sa akin.

Pumunta ako sa counter sa mini bar area ko at naghanda ng wine glass at sinalinan iyon ng bacardi hanggang sa gitna ng baso.

Inabot ko iyon kay Adrian nang balikan ko sila sa sala. Time to celebrate my success. Iʼm way too good at speeches thatʼs why.

He showed the trends around the country for this day and how proud I am when I saw my post trending number 1. He also showed me news. I got excited so I turned on the TV and turned it to a news channel.

Bumungad sa balita ang tungkol sa pamilyang Scottsdale. Most trending huh. It was said in the news that Mr. Georgenzo Scottsdale abandoned his own son. Oh, I wasnʼt expecting more than to gain success and make people believe. Hindi ko inaakalang hindi lang pala sisikat kundi ay masisira ko ang reputasyon ng aking ama. Well that maybe my greatest success of all time.

“Are you happy now, Calvin?” naninising tanong ni Adrian.

“Yeah!” masaya namang sagot ko na tila wala nang bukas ang kaligayahan. “Sino ba naman ang hindi sasaya kapag napatumba mo na ang pinaka matindi mong kalaban?” I said, ironically.

Owned And Treasured ✔︎  [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon