Chapter 11

117 11 0
                                    

DRUNK AND WASTED

Balak kong simulang manligaw sa kaniya pero dahil sa sinabi niya parang nawala lahat sa akin.

Sobrang sakit pala magmahal ʼno? Lalo na pag ʼdi ka minahal pabalik.

Looks like hindi lang siya ang magpapakalasing ngayon, pati na rin ata ako. Inagaw ko ang bote sa kaniya at ako naman ang tumungga nʼon. Wala pa itong epekto dahil sabi ko nga, may high tolerance ako sa alcohol.

"Iʼll let you get wasted if youʼll let me too." paghingi ko ng kondisyon. Natawa naman siya kaya mas lalong bumuhos ang luha niya.

Nakakaawa siyang tignan sa totoo lang. Ayaw ko sa lahat ʼyung nakakakita ako ng babaeng umiiyak. Lalo na kapag sobrang sakit ng nararamdaman nila.

"Letʼs get wasted." I love how she thinks. Nagkakaintindihan kami sa lahat. Ultimong mga problema ay halos walang pinagkaiba.

"Calvin, bakit ganoʼn si Adrian? ʼDi niya ba ako mahal?"

I hate that name. Ang hirap marinig ng pangalan na iyon sa mismong babaeng hinihiling ko na laging pangalan ko ang babanggitin. Ang sakit sakit sakit!

Pero kasi mas kailangan niya ako ngayon. Mas kailangan niya ako kaysa sa sarili ko...

"Why donʼt you ask him?" suhestyon ko habang parehong baso namin ay sinasalinan ko. Nakakailang baso na kami at hindi pa rin kami nagsasawa.

Ang saya ko... Sobra... Lalo na kapag kasama siya...

"Wala naman ata siyang panahon sagutin ʼyon. Mas may panahon siya sa Calia niya." sabi nito. Nagiging masungit pa siya at nagawa pang magtaray.

"Tanungin din kaya kita kung bakit ka ganiyan? Hindi mo ba ako mahal?" pagbabalik ko sa sinabi niya kanina. Natawa naman siya at halong nagulat.

Halo halo na ang emosyon niya. Tumigil ang luha ng saglit lang dahil sa gulat tapos nagpatuloy ulit ang pagiyak niya nang tumawa na siya. Para siyang nawawala sa sarili. Pero alam ko kasing pinipilit niya ang sarili niya na maging masaya sa harap ko kahit ang totoo ay halata mo nang sobrang malungkot siya.

"Hindi, siyempre mahal ko si Adrian." umirap siya sa akin. Mahina naman akong natawa at tulad niya nagsimula nang tumulo ang luha sa mata ko.

Ang sakit na malaman mong may mahal na iba ang taong minamahal mo. Pero kahit ganoʼn, ang hirap niyang talikuran.

Hindi pa rin ako nalalasing. Siya lang talaga sa aming dalawa ang sobrang lasing na at hindi na alam ang sinasabi niya. Sinasakyan ko na lang ang mga sinasabi at ang emosyon niya.

I feel what she feels. Sana aware siya doʼn.

"Hindi ka naman niya mahal." sabi ko. Pinilit kong iangat ang sarili para kahit papaano ay mabawasan ko ang sakit na nararamdaman ko sa sarili ko.

"Huh? Paano mo naman nasabi?" pinalo niya nang mahina ang balikat ko.

"Kasi hindi naman talaga. Kasi kung mahal ka niya bakit nandoon siya sa iba? Kung mahal ka niya bakit hindi ikaw ang pinili niya? Kung mahal ka niya bakit sinasaktan ka niya? Bakit wala siyang panahon sa ʼyo kung mahal ka niya?" prangka ko siyang tinanong para sana kahit lasing na siya ay medyo matauhan naman siya.

Owned And Treasured ✔︎  [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon