Final Chapter

286 6 0
                                    

ALWAYS BEEN

“Hey, Diamond wake up.” tinapik tapik ko ang balikat niya. Ganadong ganado ako dahil ang ganda ng gising ko.

“What?” mahabang aniya habang napahikab hikab pa.

“Aalis tayo ngayon hindi ba?” saad ko saka tinapik tapik ulit siya para ʼdi pumikit ang mata niyang kakadilat lamang.

“Ah? Saan tayo pupunta?” iniunat niya ang kaniyang kamay.

I crossed my arms and decided to kneel between her feet. “Bumangon ka muna riyan.”

“Ano ba naman ʼyan ang aga aga pa, Calvin!” pagsasaway niya sa akin.

E sa hindi ko mapigilan ang sarili ko na magpakasabik sa pupuntahan namin ngayon. May part two pa yata ang birthday celebration ko kagabi. Well I want it to be celebrated in my own way.

Lumabas muna ako ng kwarto para puntahan si Leonardo sa kaniyang kwarto. Nang matunton ko ang kwarto niya ay kinatok ko ito ng malakas. Wala ako ngayon sa bahay ko dahil simula noong nag-celebrate ako ng birthday ko kasama ang buong pamilya ko ay napagtanto kong kailangan kong maramdaman ang sarili ko na nasa lugar kung saan ako lumaki.

“So youʼre here to barge in and ruin my morning?” mataray na tanong nitong kapatid kong bagong gising. Sinamaan niya lang ako ng tingin.

“17 ka pa lang ulyanin ka na. Tsaka tigilan mo ʼyung page-english mo, ʼdi ka naman magaling.” at siyempre tinignan ko rin siya ng masama.

“Ano nga kasing meron?” he frowned.

“May outing tayo ngayon nila Crystal!” madiing pagpapaalala ko sa kaniya.

“Yeah yeah. Now get back to your fucking room.” aniya. Siya pa ʼtong galit.

Tulad ng sabi niya at hindi ko na rin naman na gustong manatili pa sa kwarto niya, bumalik na ako kay Crystal. Hindi ko na binalak pang i-check si Adrian sa kwarto niya dahil responsable naman siya sa sarili niyang paraan. Hindi ko siya tinatawag na kuya but I treat him like one. Nasanay lang ako na tinatawag ko siya sa pangalan niya at nababaduyan ako sa pagtawag sa kaniya ng kuya. Ang panget pakinggan eh. Just kidding.

Pagbalik ko sa kwarto ko ay naabutan ko si Crystal na natutulog ulit. Hinubad ko ang t-shirt ko at humiga sa kama para tabihan siya. Napatingin naman siya sa katawan ko kaya napangisi ako. “You want to touch my abs again?” tanong ko sa kaniya.

She rolled her eyes, “Ang manyak mo every day Calvy.” she frowned.

“Anong manyak doon? E gusto mo naman ah!” I pouted. “I ainʼt manyak kaya. You wanna own me again baby?”

“Shut up pervert guy and self proclaim hot.” saway niya sa akin

“Hindi ako self proclaim! Hot talaga ako!” I crossed my arms like I was so damn pissed but in the end, her kisses only is enough.

“Maliligo na ako at kung binabalak mong sumabay, ʼwag mo nang balakin.”

“Edi ʼwag.”

I really donʼt mind her being savage to me. Kasama iyon sa mga katangian niya na nagustuhan ko. Kung ang iba ay hindi nakakaya ang ugali niyang iyon, pwes ako, gustong-gusto ko ʼyun.

Owned And Treasured ✔︎  [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon