Chapter 21

148 9 0
                                    

LET GO

Nagising na lang ako nang maramdaman ko na ang sarili ko. Dinilat ko ang mata ko at nang maidilat ko ito nang tuluyan, kumunot ang noo ko at tinanong ang sarili ko sa isip kung bakit ako nandito. Napatanong din ako sa sarili kung anong nangyari at paano ako nakarating dito. “Wait...” bulong ko sa sarili. Ginala ko ang mata ko sa buong silid. Unang lumapag ang paningin ko sa hinihigaan ko. Malambot at kulay itim ang sapin. Tumingin ako sa ibaʼt-ibang anggulo ng kabuuan ng silid.

Kwarto ko ʼto...

Paano ako nakarating dito? Ang alam at natatandaan ko ay nasa ibang lugar ako kagabi. Hindi kaya panaginip iyon.

“Good morning.”

Biglang namalagi sa buong silid ang boses na iyon. Galing sa pinto. Umayos ako ng upo sa kama ko.

“Magdamit ka, baka magkasakit ka.” aniya. Awtomatiko naman akong nagbaba tingin sa katawan ko. Kita pala ang abs ko at wala akong suot pang itaas.

Bakit nandito si Crystal sa bahay ko? Bakit siya nandito sa kwarto ko habang hinahainan ako ng almusal.

“Ano nangyari?” Inosenteng tanong ko. Kumunot naman ang noo niya sa akin.

“Huh? Anong ano nangyari?” kinuwestiyon niya ang tanong ko sa kaniya.

“Anong malay ko naman.” iritang sagot ko sa kaniya na bahagya naman niyang ikinangisi. “I wouldnʼt mind asking if I know. Tsk.”

Pinatong na lang niya ang tray na may breakfast sa side table. Pinagmasdan ko na lang ang kung anong mga sususnod niyang gagawin. Hindi ko maitayo ang katawan ko dahil sumasakit ito kasabay ng pagsakit ng ulo ko kaya nasapo ko na lang ito.

Wala akong maalalang nangyari kagabi, but one thingʼs for sure, we are not in good terms. I remember every word she have said to me when he chose my brother because I said so.

“So... What are you doing in my house?” tanong ko. Ibang tanong na ito pero parehas lang ang sagot dito at sa sagot sa una kong tanong.

“Talaga bang wala kang maalala?”

“Tsk, kung meron edi sana alam ko kung bakit ka nandito.”

“You've got drunk and nakatulog ka sa bar na pinuntahan mo.” aniya na abala sa paghalo ng gatas sa baso na hawak niya. Papalapit siya sa akin at tumabi siya sa akin sa kama. Dumistansiya rin siya na ipinagtaka ko. “Mag-isa ka lang kagabi at nag-iinom.”

“So paano nga ako napunta rito at bakit nandito ka sa kwarto ko?” pag-uulit ko sa tanong ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Obviously inuwi kita rito, nanatili ako rito over night para mabantayan ka.”

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya lalo na nang sabihin niyang para bantayan ako. Dapat na ba akong matuwa? Dapat ba akong magpasalamat at magtanaw ng utang na loob?

“Kamusta na nga pala kayo ni Adrian?” peke akong ngumiti at napaiwas naman siya ng tingin.

“Nagtalo kami kagabi.”

Kagabi? Does it mean that nagtalo sila nung oras na nasa bar ako? Fuck, I really canʼt remember anything.

“Kayo na ba?” nawala ang ngiti sa labi ko nang tanungin ko siya.

“Of course not.” natawa siyang mahina.

Nagtaka ako bigla kung paano niya akong naiuwi rito e sa hindi niya ako kayang alalayan nang mag-isa lang siya. Possible kayang may kasama siya noong pumunta siya sa bar?

Owned And Treasured ✔︎  [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon