CRYSTALʼS PLAN
CRYSTAL
"Adrian?" I said to the phone. I called him without informing my babe.
I am planning a surprise party for him. At naisip kong magpatulong sa mga kapatid niya para mapadali ang aking mga gagawin at para naman kahit ngayong selebrasyon ng kaarawan niya ay maramdaman niya ang pagmamahal sa kaniya ng pamilya niya. Nang sabihan niya ako na ako ang pinakamagandang natanggap niya sa kaarawan niya, napagtanto kong bigyan siya ng mas higit pa sa sarili ko, ang pamilya niya. Gusto ko unahin niya ang pamilya niya bago ako. Gusto kong mangyari iyon sa araw na ʼto.
"Can I come to the mansion today?" nahihiyang tanong ko. Ako ang nangunang kumilos kaya grabe ang nararamdaman kong pagkahiya. Parang napakalaking bagay ng hihingin ko.
"Yes. Why?"
"I want to throw a party for your brother and I want it to happen there." I happily told him.
"Today?" gulat na pagkaklaro niya na para bang inaantok siya kanina at nagising ang diwa niya ngayon. I answered him yes. "Sure, you can come here anytime today."
"Thank you!" galak na galak kong sambit.
Talagang nag-uumapaw ang saya ko nang malamang pumayag siya. Napaka saya ko at nararamdaman ko nang matutuwa si Calvin mamaya sa party.
Gumayak na ako. Naligo ng mabilis, nagbihis, nag-ayos at marami pa akong ginawa sa paghahanda. Pero habang nagbibihis ako ay hindi ko maiwasang mahirapan sa susuotin kong damit. Gusto kong magsuot ng bistidang kapag sinuot ko ay magagandahan sa akin si Calvin. Gusto ko rin magsuot ng simpleng itim na pantalon at top na may ruffles. Pero sa huli ay pinili ko ang nakabistida. Tingin ko ay mas magugustuhan niya iyon.
Nang makapag-gayak na ako ay nilisan ko na ang bahay ni Calvin. Walang pasok ngayon at dito ako natulog sa bahay niya. Mabuti naman at pinapayagan ako ni Mom at Dad. Tulog pa naman siya kaya aalis na ako baka magising siya bigla. For sure hahanapin niya ako mamaya kaya kumuha ako ng sticky note sa may study table niya at sinulatan iyon.
Iʼm going somewhere today and I hope you donʼt mind. Donʼt worry about me, Iʼll see you tonight. I love you.
~Your Diamond
At tuluyan na akong umalis.
Nagpahatid na lang ako kay Dad dahil may sasakyan siya. Alam naman na niya ang bahay-este mansyon-ng mga Scottsdales kaya ʼdi ko na ituturo pa sa kaniya iyon.
Nang makarating kami nila Dad kasama si Mom at kuya Lester, sinalubong kami ng limang maids. Sinalubong din ako ni Adrian sa may lobby.
"Hey, gorgeous." aniya.
"If Calvin is here, youʼll get punched." I mocked.
"Huh! As if I will allow him to do that."
Nagtawanan lang kami ng nagtawanan hanggang sa kusa na kaming napatigil.
"So whatʼs your plan, gorgeous?" tanong niya saka nagtaas ng isang kilay niya sa akin. Pinalo ko naman ang balikat niya at bigla akong naasar.
"Stop calling me that." saway ko naman sa kaniya na dahilan kung bakit tinawanan niya lang ako.
"Letʼs just hear it." sabi ng kasama namin na si Leonardo.
"I was planning to throw a party in a restaurant. Magkukunwari akong date lang ang magaganap but then youʼll show yourselves in front of us while holding wine glasses with letters in each. Then you will all spell it as Happy Birthday Calvin! A total of 19 letters and an exclamatory mark. So now the total is 20, we need 10 persons to hold two wine glasses." I explained to every one in the room.
BINABASA MO ANG
Owned And Treasured ✔︎ [unedited]
Teen Fiction[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 1 "As long as you stay as a diamond, you'll remain being treasured and Owned by a Scottsdale." September 11, 2020 - March 13, 2021