Chapter 25

55 3 0
                                    

PROVE

“What happened?!” tanong ni Adrian sa akin agad nang makarating ako sa mansyon.

Kasama ko si Bliss mula pa kanina at sinabihan ko siyang iuuwi ko na siya but she resisted. Sinabi niya sa akin na sasamahan niya ako para na rin personal na makaharap si Dad. Hindi niya dapat makaharap si Dad ngayon dahil wala siya sa mood makipag-usap panigurado.

Nagtaka naman ako sa inasta ni Adrian. It was like nagtanong ka sa taong ʼdi naman nagsasalita. Mukha siyang tanga kaya natawa ako sa inasta niya. Paano ba naman niya nagawang tanungin ang isang taong walang alam sa nangyayari? At kakarating ko lang, hindi niya man lang ako batiin muna.

“Woah! Are you serious upon asking me?” I asked back to him.

Hinawakan ako ni Bliss sa braso nang malapit ko na namang mapabayaan ang kontrol ko sa sarili.

“Mukha ba akong nagbibiro?”

“Depende sa utak na meron ka.” sabi ko na tila ba naniniguro pa. Umasta pa akong abalang nag-iisip sa harap niya.

“Sa ganitong sitwasyon na nagkakasagutan na si Leon at Dad, really Calvin? Nagawa mo pang magbiro?” pinanlisikan niya ako ng mata saka sinabi ang mga ʼyon sa mukha ko.

“Tinanong at siniguro mo muna dapat sa sarili mo kung seryoso ka bago mo ko sabihang nagbibiro.” sinamaan ko siya ng tingin. “Just like your recent question—what happened?—really? Tinanong mo ʼyung kakarating lang?”

Naramdaman ko na naman ang mga kamay ni Bliss na kulang na lang ay hilain ang braso ko sa sobrang higpit ng pagkahawak niya. I think sheʼs pretty nervous. Nanginginig ang mga kamay niyang nakahawak sa akin. I can say too na hindi siya sanay makakita ng nagtatalo sa harap niya mismo.

“Kamusta nga pala kayo ng lover mo?”

“Calvin,” pagbabantang sambit niya sa pangalan ko.

“What?” natatawang tanong ko.

“Wag mo akong pangunahan!” dinuro niya ako.

Napahalakhak ako sa sinabi niya. Grabe kung magpatawa siya parang ako lang ang matatawa. Walang impact ang mahinang nilalang na ʼto. Pagtapos ng paghalakhak ko ay sinundan ito ng pagiging seryoso. Ganoon kadali para sa akin na ibahin ang pinapakitang emosyon. Sa sobrang seryoso at talim ng tingin ko, mapapahiling ka na lang na sana hindi mo na makasalubong ang tingin na ʼyon.

“Gusto mo ʼyon? ʼYung ʼdi kita pangunahan? Well, alam mo na ang gagawin mo sa susunod na makikita at makakausap mo ako.” Nilagpasan ko siya at sumama na si Bliss sa akin papasok ng mansyon.

Agad kaming nagtungo sa opisina ni Dad dahil iyon ang sinabi ni Leon na puntahan ko. Nakabukas ang pinto niyon tulad ng inaasahan ko dahil alam kong inaasahan din nila ang pagdating ko.

Nang matanaw ko ang loob ng silid mula sa labas ay agad na akong pumasok. Tinawag ko si Bliss nang mapansin kong tumigil siya sa labas. Nahihiya siguro na makaharap si Dad. Pinakalma ko siya tulad ng ginagawa niya sa akin, sinabi kong ayos lang ang lahat at wala siyang dapat ipag-alala.

Tinuwid ko ang katawan ko at tiniim ang bagang. Taas noo kong hinarap si Dad na magkasalubong ang kilay.

“Upo muna kayo.” Formal na sabi ni Leon sa aming dalawa ni Bliss. Agad naman kaming umupo.

Sa sobrang pagkakilala ko kay Dad, alam kong ʼdi siya magsasalita kapag galit hanggang sa naisip niya na lahat lahat ng dapat iparating sa kausap. Pinasadahan niya ako ng tingin at ang katabi kong si Bliss.

“Leon, you didnʼt told me that we have a visitor. And luckily, our visitor is the heiress of the Lopezʼs. What brings you here, hija?” pormal na tanong ni Dad sa bunso namin. Nagbago rin ang nakapintang ekspresyon sa mukha niya. Ang magkasalubong na kilay niya kanina ay pinagpantay niya na saka ngumiti na tila ba hindi siya galit.

Owned And Treasured ✔︎  [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon