HAPPIEST BIRTHDAY
CALVIN
"Babe, bakit kailangan pa nating dumayo sa mas malayo e pwede naman tayo mag-date sa bahay ko lang?" naitanong ko bigla kay Crystal na kaharap ko ngayon sa lamesa.
"This place, is a wonderful place for everyone and for any occation or even if itʼs just an ordinary day." sagot naman niya sa akin.
Umorder na kami ng dinner namin. Nang mailista na ng waitress ang orders ay umalis na siya sa table namin. Nagpaalam si Crystal na may pupuntahan lang siya saglit.
Nang pabalik na siya ay nagsitugtugan na sa paligid. Isa isang lumabas sa isang pinto sila Leonardo. There is a long table in the front of ours. Sa bawat lalabas na tao ay naglalapag ng sari sariling wine glass at pinapatong sa mahabang lamesa nang nakabatay sa pagkakasunod sunod. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito ngayon.
Unang lumabas si Leonardo na sinundan ni Bliss, Jonas, si Mom, the three Altavista sisters, si Alexandria, si Adrian, at huling huli si Dad...
"Happy Birthday Calvin!"
Sabay sabay na nagsibati ang lahat ng nasa paligid. Lahat ay kilala ko.
"Whatʼs all of this babe?" humarap ako kay Crystal na nakakunot ang noo. Para akong nananaginip. Totoo ba lahat ng to? Ikasampong pagkakataon na may bumati sa akin at sumorpresa sa akin sa buhay. Simula nang akoʼy ipanganak hanggang sa nag-siyam na gulang ako. Iyon lang ang mga taong nakatanggap ako ng pagbati mula sa pamilya, sa mga kaibigan at sa marami pa. Pagtapos nʼon, wala na.
Hindi ako makapaniwala...
"Itʼs my surprise for you. You told me you want to celebrate your birthday today and I said youʼll celebrate it with me."
"Alam mo naman na ikaw lang ang kailangan ko sa kaarawan ko ʼdi ba?" hinawakan ko ang pareho niyang mata at pinagmasdan ang kaniyang kumikinang na mga mata.
"Nang sabihan mo ako na ako ang pinakamagandang natanggap mo sa kaarawan mo, napagtanto kong bigyan ka ng mas higit pa sa sarili ko-ang pamilya mo. Gusto ko unahin mo ang pamilya mo bago ako. Gusto kong mangyari iyon sa araw na to."
Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Iʼve run out of words to say because of this genuine happiness Iʼm feeling. Kulang na lang ay umiyak ako sa sobrang tuwa pero pinipilit ko munang hindi mangyari iyon.
"Tatayo ka na lang ba riyan, babe?" tanong nito sa akin habang nakangiti na tila ba tinatanong niya kung ayos lamang ba ako. At doon nagsimulang tumulo ang luha ko. "Happy birthday my pervy Calvy baby." she greeted again.
I hugged her like thereʼs no tomorrow. Like sheʼs the only person I can hug in the whole world. Like every dream Iʼve made in my imagination comes to life in just a hug, a simple and ordinary hug. But it made me feel special so itʼs not ordinary at all.
Inabot niya sa akin ang isang champagne bottle na puno pa at hindi pa nabubuksan ang seal nito. Bago pa. Tinignan ko naman siya na at tinanong siya kung para saan ang boteng hawak ko ngayon. She tilted her head and point it to the long table with the wine glasses that formed a phrase.
Lumapit naman ako roon sa lamesa nang makuha ko ang pinupunto niya. She wants me to pour champagne in each glass.
Habang nagsasalin ako ay ʼdi ko maiwasang mapaisip kung bakit ganito ang surpresa niya sa akin. Puro wine glass and champagnes. Maybe Iʼll ask her later.
Nang matapos kong masalinan na lahat ay nilagyan ko rin ang baso naming dalawa ni Crystal at iginiya ko na siya pabalik sa table namin. Kaharap naman namin ang lahat ng naimbitahan sa selebrasyon.
BINABASA MO ANG
Owned And Treasured ✔︎ [unedited]
Jugendliteratur[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 1 "As long as you stay as a diamond, you'll remain being treasured and Owned by a Scottsdale." September 11, 2020 - March 13, 2021