Chapter 1

1K 27 0
                                    

COFFEE


"Bakit tayo nandito, bro?" Tanong ni Leon, ang bunso sa aming tatlong magkakapatid. Magkasama kami sa loob ng cafeteria habang pinapanood ang bawat tao na dumadaan sa paningin namin. Kasabwat ko siya ngayon sa plano ko.

"Maghahanap ako ng target ko." sagot ko. Nanlaki ang mata niya sa aking sinabi.

"Target?!" hindi siya halos makapaniwala sa mga kinikilos ko. Parang ngayon ko lang siya nakasama sa gagawin kong ʼto.

"Yep!" tugon ko at malapad akong napangiti.

Iginala ko na lang ang mata ko sa buong cafeteria. Naghahanap ng mapagtitripan. Sa tuwing wala akong magawa sa klase ganito ang ginagawa ko.

Iʼm a jerk, they say.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" pabulong na tanong niya sa akin. Tila nagdududa pa siya at napipilitan.

"Of course yes!" desididong saad ko.

Pinagmasdan ko muli ang mga tao rito sa loob ng cafeteria, at siyempre pati sa labas para makita ko rin ang mga studyanteng papasok at lalabas sa pinto. Napatigil ako sa paglibot ng tingin nang makita ko ang isang magandang babae. Ang ganda niya...

My eyes were locked in one place. Sa babaeng ʼyon napunta ang buong atensyon ko. "Kilala mo ʼyon?" mahinang tanong ko, tamang hina lang para marinig niya ako. Sabay kaming napatingin sa dalaga.

"You mean the girl with the brown hair?" aniya habang binibigyang detalye ang babaeng nakita. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon. "Kaklase ko ʼyon sa course ko."

Bad trip! Ayaw kong gawing target ang babae na ʼyon dahil kilala siya ni Leon. ʼDi bale na lang. Marami pa namang katulad niya dito sa loob ng campus. Kaliwaʼt kanan ang tinignan ko pero kahit anong gawin ko, sa kanʼya lang talaga bumabalik ang tingin ko.

"Ayaw mo ba sa kanʼya?" tanong ni Leon. Humarang siya sa harap ko. Bwiset.

"Hindi naman sa ayaw. Siyempre mas pipiliin ko ʼyung ʼdi mo kakilala." pagpapaliwanag ko.

Damn! Wala na akong makitang iba na pwedeng gawin kong target. Sumama ang loob ko dahil doʼn. Ano baʼng meron sa babaeng ʼyon at napapatitig na lang ako bigla sa kaniya?

"Sige na nga, siya na lang." tanging nasabi ko dahil wala na akong ibang pagpipilian. Tinanguan niya na lang ako sa sinabi ko.

Dahan-dahan akong tumayo sa inuupuan ko at pumunta malapit sa kanʼya. Hawak ko na ang kape na inorder ko kani-kanina lamang. Nilingon ko si Leo sa inupuan ko kanina. Nakamasid lang siya sa akin. Itʼs like heʼs ready to see me do my thing.

Shit! Bakit ako kinakabahan? Marami na akong napagtripan pero ngayon ko lang naramdaman ang ganʼtong klase ng kaba. Nagdadalawang isip pa nga ako kung itutuloy ko pa. Parang may pumipigil sa akin na gawin ʼyon sa kanʼya. Bahala na nga!

Naglakad ako papalapit sa kaniya. Nagkunwari akong nabangga niya ako kaya naman natapon ang kape na hawak ko sa damit niya.

"Ano ba?!" pasigaw na tanong niya sa akin.

Owned And Treasured ✔︎  [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon