PUNISHMENT
"Sino ʼyung babae kahapon?" tanong ko kay Leon.
Kasama ko siya sa loob ng kotse ko tulad ng nakagawian namin tuwing papasok. Hindi niya kasi ginagamit ʼyung kotse niya dahil tinatamad daw siyang magmaneho. Sa bagay, lagi naman siyang tamad kaya hindi na ako nagtaka.
"Iyong tinapunan mo ng kape?" balik tanong niya. Tumango ako. Mas tutok kasi ang atensyon ko sa pagmamaneho kaya ʼdi ko siya malingon. "Her name is Crystallise Michellyn Gomez."
"Crystallise-lagi ko yang naririnig tuwing magsasalita si Adrian." tugon ko sa sinabi niya.
Bukambibig ni Adrian ang pangalan na ʼyan sa mansiyon, pati sa campus. Nakakasawa na ngang pakinggan e.
"Likewise, Calvin." sagot niya.
Maya maya ay nakarating na kami sa Scottsdale Academy. We parted ways when the car was parked. He went left because his classroom is on that direction. While me, heading right because Iʼm going to the cafeteria but my classroom is on the left side.
Nakasanayan ko nang tumambay doʼn tuwing ayaw kong pumasok sa first subject ko. Nabo-bored kasi ako tuwing magtuturo ʼyung lecturer namin. Pero kahit nakakabagot ang pagtuturo niya sa amin, nakakainteresado naman ang kaniyang mga tinatalakay.
Habang naglalakad ako patungo sa cafeteria, nakita ko si Crystal, ʼyung babaeng tinapunan ko ng kape-ʼyung babaeng nagbigay ng sumpa sa pagkatao ko. Sa paningin ko magkasing layo lang ang aming distansya sa pinto ng cafeteria. Malapit na magtama ang tingin namin. Anong ginagawa niya rito? Oras na ng klase ah? Teka-wala naman ako dapat na pakialam kung hindi siya pumasok sa klase niya.
Nagmadali akong pumasok ng sa pinto para maunahan ko siya at hindi kami magkasalubong pero... Natumba ako bigla, at ganoʼn din siya. Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko na siya nakitang nasa harap ko na kaya ayon, nagkabungguan kami.
Sinapo ko ang siko ko na tumama sa sahig. Ang sakit, shit! Itinayo ko ang sarili ko at pinagpagan ko ang damit ko. Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya para itayo siya.
"What the-itʼs you again?!" asik niya. Natulala lang ako sa kaniya pero deep inside grabe na ʼyung tawa ko, "Tumingin ka naman kasi sa dinadaanan mo!"
"Nakatingin ako sa daanan! Sadyang nagmamadali lang ako kaya ʼdi kita nakita." sagot ko pa. Dinedepensahan ko lang ang sarili ko. "Tumayo ka dʼyan." utos ko. Nakalahad pa rin ang kamay ko. Tumingin siya sa kamay ko at walang ganang binalik ang paningin sa ʼkin.
"I can stand all by myself. I donʼt need your hands." nag-iwas siya ng tingin at umirap siya.
I feel disappointed at my self. Nag-iwas na rin ako ng tingin at binawi ang kamay na kanina pa nangangalay habang nakalahad. Without knowing na hindi naman pala niya aabutin.
Sinubukan niyang tumayo sa sahig pero hindi niya ito napag tagumpayan. Nakikipag-matigasan pa kasi. I held her a hand but she didnʼt accepted my offer.
"Need a hand?" I asked. Once again, I held my hand to her so she can stand up. But she ended up standing all by herself. Itʼs another disappointment.
"Mauna na ako." saad niya. I thought that she would go inside the cafeteria. But I was wrong. Was I? As she walk away from me, I see her body thatʼs perfectly curved.
BINABASA MO ANG
Owned And Treasured ✔︎ [unedited]
Teen Fiction[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 1 "As long as you stay as a diamond, you'll remain being treasured and Owned by a Scottsdale." September 11, 2020 - March 13, 2021