Chapter 14

96 9 0
                                    

DIAMOND

"Calvin?" Napalingon ako sa likod ko dahil ang narinig kong boses ay galing doon. "Yes, Mom?" tanong ko naman.

Naglalakad siguro siya sa hallway tapos nakita niya ako. What a miracle, sheʼs here already. Usually, umuuwi siya ng hating gabi na dahil sa sobrang abala sa trabaho niya but as I can see now, itʼs only five in the afternoon yet sheʼs already here. Too early.

"Kamusta ka anak? I havenʼt seen you for a while." Mom said as she walked near me.

She looked so tired and stress but still beautiful.

"Because youʼre always busy." I replied, sarcastically. Nanlaki ang mata niya at tinalikuran ko siya. Am I that rude now?

"Yeah I know that, Calvin. But please listen to me, kahit ngayon lang anak. May sasabihin ako sayong mahalaga." pagmamakaawa nito na halos lumuhod na siya sa harap ko para lang pagbigyan ang hinihingi niyang oras ko.

Hindi ganoon kalala ang galit at sama ng loob ko kay Mom hindi tulad nang sa aking ama. Kahit pareho silang walang oras na maibibigay, hindi ko magagawang magtanim ng galit kay Mom. Well at least she always try to find time or a way for us to be together unlike Dad who only know to consider everything about the money he had.

Napabuntong hininga ako at hindi na nakatanggi, wala nang nagawa pa kundi ang sundin siya. Bilang respeto na rin ʼyon sa kaniya.

Dinala niya ako sa pinakapayapang parte ng mansyon-ang garden. Bukod sa maraming bulaklak doon, napakalaki at payapa. Mahangin doon at presko sa pakiramdam. Tuwing gabi magandang mag-stargaze doon. Kitang-kita ang malawak na kalangitan habang nagkikinangan ang mga bituin at nagliliwanag ang buwan.

Sabay kaming naupo sa white bench with floral design. Kaharap nito ang bush na nakaukit ang letrang S.

"Hmm..." Malalim akong huminga at nilanghap ang sariwang hangin.

"Anak, I heard that you didnʼt come home last night? Can you tell me what happened?" she asked. Bakas sa kaniyang tono ang pag-aalala.

I feel like I can trust her. Not because sheʼs my mother, thus, sheʼs a trustworthy person and I admire her for that.

"I got drunk."

"With who?"

"Just me...alone." I lied.

Hinawakan naman niya ang parehong palad ko. Napatingin ako sa kaniya. Nangungusap ang mga mata niya at nagmamakaawa. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang dalawang bagay na iyon sa mata niya. At tila ako kinakalaban ng konsensya ko pero sa huli ako pa rin ang natatalo.

Napabuntong hininga na naman ako. Walang magawa kundi ang magpakatotoo sa kaniya. Kahit pa gaano katagal ang galit ko sa kaniya, hinding hindi ko siya matitiis.

"With Crystal." sabi ko habang nag-iiwas ng tingin. Para akong lagi napipilitan pagdating sa Mom ko. Lagi kong sinusunod ang sinasabi niya kahit hindi ko gusto.

"Youʼre girlfriend?" tanong niya, umiling naman ako. "Then what is she to you?"

Napangiti ako sa kawalan habang pinipinta sa aking isipan kung paano ko siya halikan. Ang saya ko dahil kahit hindi ko siya nobya magagawa ko siyang maipagmalaki nang walang alinlangan. "The girl I like."

Owned And Treasured ✔︎  [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon