Chapter 15

116 8 0
                                    

MEANINGLESS

“Iʼm sorry but what are you talking about, Calvin?” aniya. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

What I got worst than being with her last night while she was sobbing is being denied that we kissed when in fact, Iʼm being honest and sincere.

“Diamond, you woke up beside me early in the morning and begged for me to allow you to do whatever you want.” I said trying to prove my actions... I mean our actions.

Calling her diamond is better than calling her by her name. How unique of a nickname it is. I know that diamonds shine more than crystals.

And being called as Diamond means you shine brighter.

“I donʼt know what youʼre trying to say and stop calling me diamond because it isnʼt my name.” mataray na aniya.

“Yet, it suits you.” sagot ko naman. Kumunot ang kaniyang noo at agad ding bumalik ang reaksyon niya.

“Letʼs go, Adrian. Iʼm tired.” aniya. Mahina niyang hinila ng paulit-ulit ang damit ni Adrian para sagotin siya nito. Pero imbis na magsalita at tumugon itong si Adrian, inakay niya na si Crystal.

Naiwan ako sa kinatatayuan ko. Ang kaninang tawa na pinipigilan kong kumawala ay napalitan ng lungkot at panlulumo. Iʼve been denied by diamond for the second time. How many denials are left from her?

Napabuntong hininga ako dahil sa ginawa kong aksyon. Parang mali na sabihin ko iyon sa kaniya sa ganoong lugar. Hindi ko na pinilit pang manatili sa kinatatayuan ko para lang panoorin silang maging malambing sa isaʼt isa. Ang bitter ko. Pinili ko na lang na bumalik sa bahay ko nang sa ganoon ay makapagpahinga na.

Umuwi na ako at nadatnan ko si Jaime na nakatulog na sa sahig sa harap ng pinto. Napagod siguro sa kakahintay sa akin.

Kung magpapakatanga ako kay Crystal, dapat kong sulitin iyon. Ibubuhos ko na lahat hanggang sa maubos ang nasa pakiramdam ko, hanggang sa maging manhid ako.

Sa tingin ko itong sakit na nararamdaman ko ay nawawala makita lang siya, makausap lang siya, kahit si Adrian pa ang hanapin niya, kahit iwan niya pa ako, kahit ano pa ʼyon basta makita siya sapat na.

Umidlip lang ako bago ko siya naisipang tawagan dahil nararamdaman kong hindi na sila magkasama ni Adrian ngayon.

Idinial ko ang numero niya at nag-antay itong sagutin niya. Nanlumo ako nang hindi niya masagot ang tawag ko. Namuo ang maraming tanong sa isip ko. Nakauwi na ba siya? Tulog o nagpapahinga na kaya siya? Magkasama ba sila ng kapatid ko kaya ʼdi niya sinagot ang tawag ko? Hindi niya ba hawak ang cellphone niya? Darn it!

Tinawagan ko siya ulit at laking tuwa ko ng sumagot siya.

“Hey, Diamond.” masayang bati ko sa kabilang linya. Mapasinong makakarinig sa boses ko ngayon ay masasabi na talagang masaya ako.

“Whoʼs Diamond?” Tanong niya. Si Crystal ito, nasisiguro ko iyon. Sadyang ʼdi niya maintindihan kung bakit ganoon ang tawag ko sa kaniya.

Natawa na lang ako sa isip ko at hindi na pinahalata sa kaniya ang nararamdaman ko.

“Obviously itʼs you, baby.” sagot ko naman.

Owned And Treasured ✔︎  [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon