Chapter 16

90 8 0
                                    

RESPECT MY DECISIONS

“Bro, pinapatawag tayo ni Dad sa opisina.” sabi ni Leonardo at tila nanlalamig ang boses.

Ano na naman ba ang dahilan ng pagpapatawag na ʼyan? Wala naman akong ginagawang kasalanan tss. Ako na naman ang problema nila—panigurado ʼyan—lagi naman e wala namang bago.

“Hindi kasama ʼyung kuya mo?” umirap ako. I was sarcastic this time.

“Siyempre kasama siya.” Aniya. “Teka nga lang. Kuya natin siyang pareho.” pagtatama pa niya sa akin.

“Ah sige, ikaw na ang tama.” Napatayo ako sa inis. Tinalikuran ko siya. “Mauna ka na, susunod na lang ako.”

Napabuntong hininga siya. Tila ba ay napilitan pa siyang iwanan akong mag-isa. Para na rin niyang sinabi na lagi kong sinasabi iyon at tila nakakasawa nang pakinggan.

Kalmado siyang naglakad palayo kaya pinanood ko siya. Hindi siya tulad ni Adrian kapag kausap ako, kasi iyong si Leonardo ay magiging malamig siya ngayon pero mamaya ay masigla na naman. Si Adrian naman ay wala akong masabi dahil lagi naman siyang nakasimangot pagdating sa akin. Pero sa lahat ng nakakasalamuha niya ay lagi siyang nakangiti, lagi niyang binabati, lahat ng kabaitan nasa kaniya na pero kapag dating sa akin ay walang wala talaga. Kulang na lang ay itakwil na niya ako bilang kapatid.

Pinagpatuloy ko naman ang kinakain ko rito sa cafeteria. Ang numero unong tinatambayan ko kapag hindi ako pumapasok sa unang klase ko. Inubos ko na lang muna ang taco na binili ko kani-kanila lang.

Pumunta na ako sa opisina ni Dad tulad ng sabi sa akin ni Leonardo. At nang makarating ako roon ay natulala ako. Nakakapanibago ang katahimikan na bumabalot sa buong silid. Ang alam ko kasi ay naguusap na dapat sila hindi ʼyung tila sila nagiintay ng iba pa.

“Have a seat, Calvin.” agad na sabi ni Dad.

Agad kong sinunod ang utos niya. Umupo ako sa harap ni Leon na nasa kanang bahagi ng silid. Si Leon kasi ay nasa kaliwa at si Dad ay nakaupo sa kaniyang puwesto kaharap ang lamesang gawa sa magandang klaseng kahoy.

Nakita ko ang hindi mapakali ang kapatid ko. Kanina pa kumukuyom ang kamao niya at medyo nakayuko ang ulo niya. Nakatingin siya sa sahig. Nakakapagtaka na talaga. Mukhang alam niya ang pag-uusapan kaya siya ganyan ngayon.

Napansin ko naman ang ngiti na naman ni Dad. Hindi ko na naman mawari ang nasa likod niyon. Napakahirap hulaan ng nasa isip niya pati ang nararamdaman niya. Mukha siyang kalmado sa totoo lang. Halos lahat ng tao ay ganoon ang masasabi sa una pero ang hindi malaman laman ay kalmado nga bang talaga o nagpapanggap lang.

Bumaling ako kay Leonardo ulit. Dahil sa reaksyong ipinapakita niya, masasabi kong hindi kalmado ang aming ama. Maaring galit ito o may bumabagabag din sa kaniya tulad ng kapatid ko.

Hindi ko man alam kung anong nasa isip nilang dalawa ay tila ako nahahawa sa nararamdaman ni Leon. Kinakabahan ako at medyo nababahiran pa ng pagiging kalmado. Hindi ko sigurado kung magugustuhan ko ang mga susunod pang mangyayari.

“Adrian is here Dad.” saad ni Leonardo nang makita niya ang kapatid na papalapit sa amin. Halata mong nagmadali siyang pumunta rito dahil sa pagtulo ng pawis sa noo niya.

Tumayo si Dad nang makita ang paborito niyang anak. “Finally, youʼre here, son.” aniya saka umupong muli.

Mukhang kaming tatlo lang ang inaasahan niya na makausap ngayong umaga. Bukod pa sa amin ay wala na.

Bumaling siya kay Leon na mas lalong nagdulot ng pagkalma sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko ay dapat akong kabahan pero bumabaliktad ang nararamdaman ko.

Owned And Treasured ✔︎  [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon