REPUTATION
“Bakit ba tayo nandito?” naiiritang tanong ko kay Adrian.
“Kakausapin ka lang ni Dad. No issues involve.” sumagot siya ng simple na tila wala lang ito sa kaniya, na magiging ayos lang ang lahat kapag nag-usap kami.
Tumawa ako ng peke. “Nagpapatawa ka ba? Ganda ng joke mo, no issues involve huh.”
“Hindi joke ʼyon. Pero kung ayaw mo maniwala then go check it yourself. Walang issue na mai-involve kung hindi mo babanggitin ʼyon.” maawtoridad niyang sabi. “And one more thing, bukas tayo magsisimula sa plano ko.”
Tinulak niya ako sa pinto upang makapasok. Muntik pa akong madulas dahil sa ginawa niya.
Nang tuluyan na akong makapasok ay tumayo ako ng tuwid, taas noo at diretsong naglakad. Nakikita ko na ang matindi kong kalaban, ang aking ama. Nakaupo lang siya sa swivel chair sa wooden desk niya. Seryoso ang tingin sa direksyon ko at walang imik nung pumasok ako at habang naglalakad ako.
“May sasabihin ka daw sa akin.” saad ko nang mapagtanto ko na ang lapit namin sa isaʼt-isa ay maayos at makakapagusap na kami sa ganitong distansya.
Itinuro niya ang upuan sa kanan niya sa harap niya. “Take a seat.” utos nito.
“Ayoko, nakakatamad.” I rolled my eyes. “Just go straight to the point.”
“I heard from Adrian that youʼll support him from his plans regarding the news.”
Sabi na nga ba may issues na mai-involve. Wala namang bago sa ganoʼn. Hindi naman makikipag-usap si Dad sa amin ng walang issue na nababanggit. Mas kilala ko ang ugali niya kaysa siya sa akin.
“Dalian mo Mr. Georgenzo may nag-aantay sa akin.” nilaro ko lang ang sapatos ko habang nakatayo sa harap niya.
“Kung magiging maayos ang kalalabasan ng plano ng kapatid mo, thank you.” mahinahong sabi niya na mas ikinainit ng ulo ko. Thank you?
“Okay naiintindihan naman kita na ang gusto mo lang na magtagumpay ay ang anak mo. Sige mauna na ako.” sabi ko pa saka tumalikod na sa gawi niya. “Wala naman palang kwenta ʼyung sasabihin mo, inaksaya mo pa ʼyung oras ko.” dagdag ko at tuluyan nang lumabas ng silid.
Come to think of it. Sinabihan ako ng kapatid ko na kakausapin ako nitong ama niya nang walang makakasali sa usapan na issue. E issue nga mismo ʼyung binanggit niya sa usapan. Pinaglalaruan na ata ako ng kapatid ko huh. He ruined my day. Ang ayos ng mood ko kaninang umaga tapos buong klase napakaayos din. At ʼdi ko inaasahang aabot ako sa puntong masisira ang araw ko sa simpleng ginawa niya. Oo, simple lang ʼyon. Hindi gaano kalaki pero sapat na para inisin ako. Simple lang ang binigay niya sa akin, enggrande naman ang ibabalik ko sa kaniya.
Paglabas ko ay nakita ko na si Adrian na nag-aantay lang sa may upuan na nasa labas. Bukas pa naman niya sisimulan kaya bakit ko naman aaksayahin pa lalo ang oras ko ngayon. Napatingin ako sa relo ko saka napagtantong 6:30pm na.
“How did it went?” tanong niya.
Hindi ko siya pinansin. Imbis na sagutin siya ay nilagpasan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang parking area.
Hindi na naman niya ginagamit ang utak niya sa oras na dapat niya itong gamitin. Bakit pa siya magtatanong kung alam na niya mismo ang sagot. Halata naman sa itsura at reaksyon ko. Tsaka alam naman niya na makausap ko lang ang ama ko ay sirang sira na ang araw ko.
Nang makarating ako sa parking area nasalubong ko si Crystal. Hinarang ko siya na ang mga kamay ko ay parang yayakap sa kaniya.
“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kaniya. Napatalon naman siya sa gulat.
BINABASA MO ANG
Owned And Treasured ✔︎ [unedited]
Teen Fiction[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 1 "As long as you stay as a diamond, you'll remain being treasured and Owned by a Scottsdale." September 11, 2020 - March 13, 2021