16: Walis

48 1 0
                                    

Remember the day we met?

The day i was just walking around when i saw him playing chinese garter. Sabi nila siya daw yung mother eh. Yung mga outfitan niya noon mga shorts tapos croptop na pinunit niya lang. Inaasar asar pa niya ako dahil mukha akong tomboy.

But you know what is the best? That he almost threw me a broom because he thought i was a thief. Tumili pa siya noon na parang babae. Medyo napahiya siya doon sa part na yon. Doon nagsimula yung love sto--- este pagkakaibigan namin.

Naging magkaibigan kami hanggang ngayon na high school na kami. Patagal ng patagal ay minsan na niya ako nakakausap, minsan ay nilalayuan na ako. May girlfriend na siguro yung baklang yon.

"Booty!" sigaw ko, lumingon siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at inakbayan ko "May girlfriend kana ba?" tumingin naman siya sa akin ng masama.

"Sa tingin mo meron?" sarkastikong sabi niya, tinarayan pa ako.

"Eto naman hindi mabiro, may dalaw ka ba ngayon at ang sungit sungit mo" umiwas siya sa akin, tinanggal niya ang pagkakaakbay ko sa kanya.

"May matres ba ako?" nameywang siya sa harap ko.

"Edi don't" umalis nalang ako saka pumunta sa classroom ko at baka magsimula na ang klase.

Pagpasok ko sa room ay sabay rin ang pagpasok ng subject teacher namin. Nagsimula agad ang klase. Wala akong naintindihan sa lesson ni mam.

Ang nasa palaisipan ko lang ay si Seungkwan. Nagbago na siya. Hindi na siya yung katulad dati na ang daldal niya at masayahin. Minsan ko nalang siya nasusulyapan sa room nila pati na rin sa tindahan nila aling marites kung saan doon siya nakikipag chismisan.

"Y/N...." bulong na narinig ko.

"HOY Y/N TAWAG KA NI MAM!" sigaw sa akin ng seatmate ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumayo ako sa upuan ko.

"Yes po mam?" busy lang si mam sa mga test papers namin.

"Manghiram ka ng walis don sa kabilang section, sa section Diamond" sambit niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mam. Section Diamond! Yung section nila Seungkwan. Bigla nalang kumabog ng mabilis ang puso ko. Mamatay na ata ako.

"Ayiee makikita niya uli yung crush niya" pang aasar ng seatmate ko. Mama mo.

"Manahimik ka diyan Dino" lumabas nalang ako sa room para manghiram ng walis.

"Good morning po sir" bati ko mula sa pinto. Lumingon naman siya at ngumiti sa akin.

"Oh! Seungkwan yung crush mo, sinusundo kana ata" pang aasar ni sir. Mama mo crush. Haha patawa ka sir, joke lang hehe. Napakamot nalang ako sa batok ko.

"Ayieeeeeeeee"
"Boo Seungkwan lalaking lalaki na!"
"Ship!!!!!!"
"Di lulubog! Walang titibag"

Nahihiya tuloy ako sa sigaw ng mga classmates niya. Kasalukuyan siyang nagwawalis sa likod sa room nila at tinatakpan ang mukha niya. Cute.

"Actually nandito po ako para---" naputol ang sinasabi ko ng magsalita si sir.

"Para bisitahin si Seungkwan? Seungkwan! Yung Y/N mo" pang aasar uli ni sir. Alam mo sir isa nalang jojombagin na talaga kita. Napasigaw muli ang buong section nila. Nakakahiya.

"Sir yung walis po yung pinunta ko hindi si Seungkwan" nahihiya kong sambit. Napuno ng katahimikan ang klase. May nagawa ba akong mali?

"Seungkwan bigay mo na yung walis na hawak mo!" sigaw nung classmate niyang si Jun.

"Ayieeeeee!" sigaw nila. Bwesit kailan ba kayo titigil kaka ayiee? Kairita na ah.

Kita kong nagulat siya sa sinabi ni Jun. Nakikipag away pa siya kung sino ang magbibigay ng walis. Napakamot nalang siya sa batok niya at binigay yung walis na hawak niya.

"OMYGOSH!! KASALANAN NA!"
"Hawak kamaaay!"
"Sene eeeel!"
"You may now kiss the bride!"

Wandat hahampasin ko ng tubo yung classmate niya. Kainis na. Mukha kayong tae na nagsisigawan.

I saw him blushed. Mabilis siyang tumakbo papunta sa upuan niya at umupo. Dinukdok niya ang ulo niya saka kinuyom ang kamao. Ngumiti na lamang ako sa ginawa niya.

"Salamat po" nag bow ako at saka umalis na sa classroom nila. Ano bang meron sa akin? Let me know ha.

Nagtataka pa rin ako bakit sila ganon kay Seungkwan. Crush? Sunduin? Kasalukuyang naglilinis na ang cleaners at lalabas na ako sa room namin para umuwi ng biglang may humila sa akin. Hindi ko mamukhaan kung sino ang humila sa akin. Ang tanging nakikita ko lang ay ang walis na hawak hawak niya.

Dinala niya ako sa isang madilim na lugar dito sa University. Bigla niya akong tinulak sa pader at hinalikan ng mariin. I opened my eyes when i saw Seungkwan kissing me.

He broke the kiss. Kaming dalawa ay hinahabol ang hininga namin dahil sa tagal ng paghalik niya sa akin. Bakit niya iyon ginawa sa akin!?

"B-bakit mo ginawa sa akin yon bakla ka?" kinakabahan kong tanong. Kinulong niya ako gamit ang dalawa niyang bisig. Kinakabahan ako sa mga aksyon niya.

"Ikaw" sagot niya, napakunot ang noo ko. Ako? Anong meron sa akin?

"Ako?" itinuro ko ang sarili ko.

"Oo, i-ikaw ang dahilan kung bakit ako naging ganito" seryoso niyang sambit.

"Panong---" sa pangalawang pagkakataon at hinalikan niya muli ako. Seungkwan bakit ka nagiging ganyan? Anong nakain mo?

"Y/N.... I like you" seryoso niyang sabi. Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit ako? Anong meron sa akin!? Paano!? "I like you since day one, ikaw lang ang tanging babaeng naglabas ng totoo kong kasarian. Your flaws, your boyish style" sambit niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ako ngumingiti. Ang weird.

Nagkakilala lang tayo dahil sa walis na muntik mong ibato sa akin noon at ngayon umamin ka dahil sa walis na hihiramin ko sana. Ano bang meron sa walis? Ito ba ang dahilan para mag simula ang love story namin? Joke hehe.

"Ningingiti mo diyan?" tanong niya, nawala tuloy ang ngiti ko sa kanya "Crush mo din ako noh" pang aasar niya, ngumiti naman siya sa akin ng nakakaloko. Hindi ko maintindihan, parang oo or hindi. Maybe yes? Hindi ako sure sa nararamdaman ko.

"Parang walis lang ang pagmamahal ko sayo" sambit niya. Paano naging walis? Taga walis ng mga kalat? "Labis labis ang pagmamahal ko sayo, tulad nitong mga hibla na toh" dagdag niya. He blushed again, he left and I left dumbfounded here.

Siguro ang walis ang dahilan para magsimula ang love story namin. Ang cute.

Seventeen ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon