39: Lost

12 2 1
                                    

Isang pitik, lahat mawawala sayo. Isang patak ng luha, lahat mawawala sayo. Lahat nalang nawawala sa isang galaw.

Umiiyak sa dilim habang inaalala ang masasayang alaala nating ginawa. Ang tanga ko lang para umiyak ng dahil sa isang kaibigan. Desperado ako, e.

"Ano bang nagawa kong kulang?" tanong ko kasabay nito ang pag patak ng luha ko.

Iniisa isa ang bawat larawan at iniisip yung mga pangyayaring ginawa nating dalawa. Nagmumukha na akong tanga rito na umiiyak na parang bata.

But i treasure him. Para ko na siyang kapatid, nag turingan kaming magkapatid sa isa't isa.

After those years. Maraming luha ang nasayang. Hindi kasi worth it, e, pero atleast nilabas ko naman na lahat. Until y/n came.

She's the one who comfort me when i'm on my darkside. Iniintindi niya ako. Kahit nag mumukha na akong baliw sa harapan niya. We became together, naging masaya na yung buhay ko.

A healthy relationship for six years. Wala namang kung anong nangyayari masama sa relasyon namin noon, sa tutal masaya kaming dalawa.

Hanggang sa napansin ko na unti unti nalang kaming nawawalan ng gana sa isa't isa. Na ako ang naghahabol na bumalik siya muli sa akin.

"Gan'on nalang ba 'yon sayo?" hindi man siya sumagot. "Madali nalang ba na iwan ako basta basta?"

Kita ko sa pisngi niya ang bawat pag patak ng mga luha niya na kasabay nito ng akin. Nasasaktan din ako.

"Ano bang mali sa relasyon natin? Masaya naman tayo ha" muntik ng tumaas yung boses ko.

"Pwede naman natin 'to ayusin" sambit ko.

Kahit mag mukha akong tanga dito sa labas ng bahay niya ay wala akong paki, mag mukha pa man akong baliw dito at pag tawanan ng mga kapitbahay niya. Alam kong masakit pero desperado akong bumalik siya sa akin.

"Seokmin, tumayo ka diyan. Nakakahiya sa mga kapitbahay" sambit niya at tutulungan akong tumayo.

"Hindi ako tatayo hangga't 'di mo sinasagot yung tanong ko" pagmamatigas ko. "Ano bang problema sa akin?"

"Walang problema sayo" she answered.

"Kung wala, e bakit mo ako iniwan?"

"Bakit mo ako iniwan ng gan'on gan'on nalang?" natahimik ang paligid nang mag tanong ako muli. "Sa loob ng ilang taong nating pagsasama, iiwan mo nalang ako ng basta basta?"

"I'm sorry, Seokmin" sagot niya at akmang aalis na.

Sorry nalang ba lahat? Nasasaktan din ako, may nararamdaman din akong sakit. Kapag ba nag sabi ng sorry ay mapapatawad mo naba 'yon agad agad?

"Lahat nalang nawawala sa akin pati ba naman ikaw?" sabi ko ng dahilan na napatigil siya sa paglalakad. "Hindi ba 'to kayang ayusin?"

"Y/n naman, ano ba yung problema? Mag usap tayo oh!"

"Sir huwag na po kayong mag eskandalo dito" sabi ng katulong, hahabulin ko pa sana si y/n pero tumigil nalang ako.

Desperado akong tao, lahat gusto ko silang ibalik pero ako na yung nagmumukhang may problema. Lahat ng mahal ko sa buhay ay nawawala nalang na parang bula. Basta basta nalang nila akong iniiwan sa ere.

Ginagawa ko naman ang lahat diba? Hindi paba 'yon sapat, kailangan ko pa bang pagsikapan lalo?

Ako lagi ang napagiiwanan, e. Ako ang may problema. Lahat nalang. Para lang akong hangin na hindi nila nakikita. Talunan ako.

Parang pinagpatong patong yung mundo ko ng tig-iisang kabang ng bigas hanggang sa hindi ko na kaya. Kinakaya ko pa naman lahat, e. Nag aantay ako na sana ay bumalik uli ang lahat sa dati. Na masaya at walang pinoproblema.

I want to back on the past. Just to remember the good old days when we're still together. I believe in forever, but everything changed. I really don't believe in forever. Now, everything is just memory.

I lost everything. I'm also lost.

Seventeen ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon