27: Wannabe

26 1 0
                                    

Hindi ko kayo maintindihan. Sa tuwing may gusto ako sa ibang bagay, lagi kayong tutol sa mga nais ko.

Puro panlalait, pang huhugsa ang naririnig ko sa mga bibig niyo. Walang isang araw ang mga panghuhusga niyo sa akin.

Sa mga gusto kong gawin sa buhay ko, handa kayong magtapon ng mga masasakit na salita sa harapan ko.

Nagsasawa na ako sa inyo, na sarili kong pamilya pa ang humuhusga sa akin. Gusto ko lang namang maging masaya, maging isang masaya tulad ng mga katabaan na nakikita ko.

Husga.

Panlalait.

Pag papahiya.

Kayo ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Naging isang mapagisang tao.

Natatakot na akong lumabas o makipag usap manlang sa ibang tao. Hindi ko na magawang makipag usap kanino man sa kaibigan ko.

Natatakot rin akong baka ay mahusgahan at layuan ng basta basta.

Wala na akong magawa sa buhay ko. Pati ang sarili ko ay hinuhusgahan ko na rin. Nandidiri na ako sa sarili ko.

Bakit ba ako naging ganito?

Ano ba ang masama sa akin?

May krimen ba akong ginawa para mahusgahan ng sobra sobra ng pamilya ko?

Bakit nga ba ako nabuhay sa mundong mapanghusga?

Ayoko na! Minsan ay nais ko nalang magpahinga, magpahinga habang buhay. Napapagod na ako sa inyo. Oras oras, minu-minuto at bawat segundo ay laging nandiyan kayo, para ibaba ang pagkatao ko.

Ano pa nga ba ang silbi ko dito?

Ang maging isang pabigat?

Ang isang salot sa lipunan na tulad ko?

Lagi niyong sinasabi sa akin na Anak para sa iyo naman yan. Anong para sa akin? Yung panghuhusga sa kasuotan ko lang? Anong mali sa pag susuot ng simpleng damit sa loob bahay?

Kailangan ba maging kapansin pansin ang suot ko? Na kailangan pang laitin ang buong pagkatao ko dahil sa isang simpleng damit na hindi naman kabastos bastos.

Ako yung nasasaktan. Durog na durog na yung puso ko sa mga binitawan niyong salita sa akin.

Nais ko lang naman ang maging ako, pero bakit kailangan niyo pa akong itulad sa iba?

Copycat?

Tangina.

Sawang sawa na ako.

Hindi ko na mapigilang umiyak sa liblib na lugar dito sa rooftop ng campus. Ito lamang ang lugar kung saan ko nailalabas yung hinanakit ko sa buhay.

Tanging hangin lamang ang nasasabihan ko ng mga problema ko sa buhay buhay. Ako at ang hangin lang ang tanging nandito sa rooftop.

Walang nakakarinig ng mga hinanakit ko. Walang mapeperwisyo, walang manghuhusga sa problema ko. Tanging ako at hangin lang ang nag uusap.

"Punasan mo yung luha mo" napatigil ako sa pag iyak nang may isang lalaking nag salita malapit sa akin.

Inangat ko ang tingin ko nang makita ko ang isang estudyante na inaabutan ako ng panyo. Tinanggap ko naman yung panyo at saka nagpasalamat sa kanya.

"Bakit ka umiiyak miss?" nakita ko naman siyang umupo sa tabi ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at pamamawis ng kamay. Hindi ko na alam kung paano ako makikitungo sa kanya.

Matagal tagal na rin akong nakipag usap sa kapwa. Wala na akong alam sa pakikipagusap ng tao o makipag kaibigan, natatakot ako.

Tumango tango nalang ako sa kanya at saka nagpunas muli ng luha ko. Sana naman ay umalis na siya, ayoko pang makaperwisyo ng iba.

"Parang hindi naman eh" seryoso niyang sambit "Sabihin mo lang sa akin yung problema mo" dagdag niya.

Napatigil naman ang pagpatak ng luha ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?

"Ayos lang kung hindi mo kayang sabihin yung problema mo, hindi naman kita pinipilit" napalingon ako sa sinabi niya.

"Alam kong mabigat yang pinagdadaanan mo. Oo masakit na husgahan tayo ng sarili nating pamilya, pero tandaan mo na huwag mong itulad yung sarili mo sa iba. Minsan kinukumpara tayo ng magulang natin sa iba, gustuhin mo lang yung sarili mo. Just be yourself, kung saan ka masaya, doon ka. Basta't wala ka lang natatapakang tao" he smiled at me.

"P-paano mo n-nalaman yung p-problema ko?" nagtataka kong tanong habang sinisinghot yung sipon ko.

"Ah...eh sa totoo lang naririnig kita diyan na sumisigaw sa tuwing pumupunta ako dito kapag nagpapalamig ako" napayuko ako sa sinabi niya, bigla akong nakaramdam ng hiya.

"Sorry"

"'Wag kang mag sorry, wala ka namang ginawang masama" ngumiti siya sa akin "Ngumiti kana para maging bright kana uli" napangiti naman ako sa sinabi niya.

Ngayon lang ako nakaramdam ng gaan sa loob. Ngayon lang din kami nagkausap pero para bang gumaan yung pakiramdam ko habang kausap ko siya.

"Salamat?" i don't know his name, ano ba dapat ang itawag ko sa kanya?

"Seokmin" he said.

"Salamat, Seokmin" ngumiti siya muli sa akin.

Parang nawala yung mga sako sa likod ko nang makita ko siya. He's like an angel, ang bait niya.

At first nagtataka ako nang magsalita siya muli sa akin. Nagulat ako nang sabihin niya ang tungkol sa mga problema ko. He cheered me up.

The way he comforted me by his words makes me feel like lighten up. Siya lang ang tanging nagbigay sa akin ng motibo para lumakas ako.

Simpleng mga salita, napagaan ang puso kong durog. Tila ba nabuo muli ang nagpira-piraso kong puso sa pagbibigay niya sa akin ng motibo.

Seventeen ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon