20: Warm or Cold?

44 2 0
                                    

"Bhie kilala mo paba si Wonwoo!? Jeon Wonwoo!" halos mapatili siya sa sobrang kilig.

Jeon Wonwoo? He? Well he's my long time crush since when I was in high school.

He is so famous back then. Ang daming mga babae pati na rin ang mga lalaki na nagkakagulo sa tuwing pumapasok siya sa Campus. Naalala ko pa noon na kailangan ko pang magpacute at magpapansin sa kanya para lang mapansin niya ako.

Sa loob ng dalawang buwan kong pagpapacute sa kanya ay naging friends kami. Yes po, opo na-friend zoned ako, masakit man pero tanggapin na natin na hanggang doon nalang iyon mapupunta.

We became close to each other na halos buong araw ay kami lang ang magkausap. Sa tuwing nagtatampo ako kapag tinatago niya yung phone ko kaya lagi ko siyang nabibigyan ng suntok, hehe sorry.

I'd still remember na nagkaroon kami noon ng special exam sa tatlong subjects. Hindi na ako nag eexpect na siya na naman ang mataas dahil siya ang running with high honor sa campus namin, but i won! Ako ang highest!

Nakikipagbardagulan pa ako sa kanya dahil hindi niya matanggap na ako ang naging highest sa buong campus.

"Y/N kayo naba ni Wonwoo?" ang tanong na yan ang hindi ko malilimutan. Nanggagaling pa yan mismo sa mga professor namin.

Sa sobrang close namin sa isa't isa noon ay napagkakamalan na kami. Nagkaroon ng rumors at chismis sa buong campus noon, nabansagan pa kaming love birds

Lagi pa siyang dumadalaw sa bahay namin. Nasa trabaho naman araw araw si mama kaya may chance siyang pumunta sa bahay namin anytime. We always spend our free time in my house. Playing videogames, snack and make a prank to each other.

Tanga lang.

He's been so warm at me back then. He always give me a warm hugs and warm coffee everyday kahit na mainit ang panahon dito.

But then when we graduated from high school ay paminsan minsan na lamang ang aming pag uusap. Minsan din ay hindi na siya nag re-reply sa mga message ko.

Simula nung naka graduate na kami sa high school ay naging cold na siya sa sakin. Magkaiba kami ng department that time. Naiintindihan ko naman ang dahilan kung bakit paminsan minsan nalang niya ako nakakausap.

Ako pa mismo ang gagawa ng first move para makausap ko siya. He ignores me every time i talk to him. Ano naman ang nagawa kong kalokohan? Hindi pa nga ako nag co-confess sa kanya na crush ko siya eh.

May girlfriend na kaya siya? Or siguro ayaw na niya sa akin? Nagsasawa na siguro siya.

Ganon naman talaga yung mga nagiging kaibigan ko eh. They were warm to me at first but after a while they became cold when they came to me. Ouch pain.

Mas masakit pa ata ito kesa sa masugatan habang naghihiwa ng sibuyas.

"Bakit ka umiiyak bhie?" she asked, I immediately wiped away my tears. Umiiyak na pala ako.

Sa loob ng tatlong taon naming pagkakaibigan ni Wonwoo masasayang din pala yon. Pero atlis hindi nasayang yung ps5 na binili niya para sa akin, sayang eh.

"W-wala, napuwing lang" pagsisinungaling ko.

"Nami-miss mo siguro siya noh?" napapoker face naman ako.

Nami-miss? Half oo half hindi. Bigla bigla nalang niya akong iniiwan sa ere.

"Naiwan ba yung kulangot sa utak mo?"

"Yung totoo bhie?"

"Kapag sinabi kong hindi?" biglang nabago ang timpla ng mukha niya pero ilang segundo lang ay nanlaki ang mata niya. Magugulat talaga siya sa kagandahan ko noh.

"Hindi mo ba ako namiss Y/N ko?" napatigil naman ako sa paghinga ng marinig ko ang boses na iyon.

Mukhang nababaliw na ata ako! Bakit ko ba naiimagine yung boses niya araw araw!

"B-bhie.." she covered her mouth, gulat na gulat? "Lu-lumingon ka sa likod mo" lumingon ako sa likod ko ng makita kong...

"Wonwoo?" he smiled brightly "Bakit ka andito? Magkikita kayo ng girlfriend mo?" naguguluhan kong tanong. Hindi naman sa assuming pero parang ganon na nga hehe.

Tumango tango siya. Ah magkikita pala sila eh bakit siya pumunta sa seat namin ng best friend kong palaka.

"Nasaan girlfriend mo?" tumingin tingin ko sa loob ng café. Nagbabakasakali lang naman ako. Baka mas maganda pa ako sa girlfriend niya eh.

"Nandito lang din siya" umupo naman siya sa vacant seat "Nasa harapan ko lang"

"Huh?"

So nandito yung girlfriend niya sa loob ng café? Tapos nasa harapan niya lang?

Teka...

"Ang slow mo talaga kahit kailan" pinitik naman niya ang noo ko. Aray masakit.

"Atlis hindi tulad mong nakipag away pa kasi hindi siya highest sa exam noon" i mumbled

"Epal ka kasi eh" pagdipensa niya.

"Mamamo epal" I rolled my eyes, I just sipped my coffee again. "Ikaw kasi puro lar--" naputol ang sinasabi ko ng bigla niya akong halikan!

"Gets mo na?" tumingin siya sa ibang direksyon, namumula yung mga tenga niya.

"Bhie cr lang ako ah" bumalik naman kami sa katinuan nang umepal yung best friend ko.

"Oo iniwan kita simula nung naka graduate tayo ng high school. Iniiwasan kita noon dahil gusto kong kalimutan ang nararamdaman ko para sayo, pero mukhang walang nangyari. Ikaw lang ang tanging sinisigaw ng puso't isip ko" nagulat ako sa mga sinabi niya.

Gusto niya ako?

"Y/N i like you, I want to court and marry you" seryoso niyang sambit.

Ang speed naman ng papakasalan niya ako.

"Kasal agad?"

"Oo para wala ng umagaw sa reyna ko" bahagya siyang lumapit sa akin, biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko.

I closed my eyes, naramdaman kong may malambot ng dumikit sa aking labi. I slowly opened my eyes ng makita kong hinalikan niya ako. Nasa loob pa kami ng café!

He broke the kiss "I'll be your warm coffee" he whispered.

Para lang siyang isang kapeng mainit tuwing umaga, kapag iniwan mo ang kape mo lalamig yon syempre.

Uso rin ang pagpapainit ng kape sa microwave kaya why not coconut sasarap at sasarap muli iyon.

Sayang din kasi ang bente peso para sa isang kape.

Seventeen ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon