03: Goodbye

67 7 6
                                    

"Jun!"

"Junhuuuuiiiii"

"Huy Mr. Gwapo"

Kanina ko pa ginising 'tong lalaking toh di manlang magising -_-

Nakakainis.

Tinutok ko yung bibig ko sa tenga niya at saka isinigaw ang pangalan niya "MOON JUNHUI!"

"ANO BA P**YET*!" sigaw niya pabalik at saka tumayo sa hinihigaan niya

Wow nagmura pa ah. Di ka diyan makapasok sa langit eh noh.

"Tumayo kana diyan may pasok pa tayo" mataray kong sabi at saka umalis na sa kanyang silid

Pasalamat siya mabait bait pa ako kundi piningot ko na yung tenga non.

Ilang oras na ang nakalilipas hindi pa bumababa si Jun. Ano nang nangyari don sa lalaking yon, baka natulog na naman uli yon!

Pag nahuli huli ko 'tong lalaking toh na natutulog pipingutin ko na talaga yung tenga neto.

Nang binuksan ko yung pinto ng kwarto niya nakita ko siyang nakahiga sa sahig at nanghihina na.

"ANONG NANGYARI SAYO JUN!!!?" Jun kinakabahan ako sayo anong nangyari?

"Y-Y/N alagaan mo yung sarili mo ah, Mahal na Mahal kita" nanghihina niyang sabi sa akin

Hindi naman siya nagbibiro diba? Parang kanina lang ginigising ko lang siya tas ganito yung mangyayari?

"Jun nagbibiro ka lang diba?" Mangiyak-iyak kong sabi

Jun lumaban ka naman oh. Nakailang gamutan kana at gumaling kana diba? Jun lumaban ka ayaw ko pang mawala ka sa tabi ko.

Hindi ko kayang mawala ka tamo ako susunod sayo eh.

"Y-Y/N hi-hindi k-ko n-na k-ka-kaya" nahihirapan na siyang huminga, agad kong kinuha yung natitirang oxygen sa cabinet.

Nang ilalagay ko na sa kanya yung oxygen umiling nalang siya.

"Please Jun wag kanang makulit, lumaban ka!" pagpupumilit ko, pero umayaw lamang siya.

"A-ayoko, hi-hindi ko na k-kaya" pilit niyang inangat ang katawan niya at saka niyakap ako ng mahigpit "Y/N alagaan mo yung sarili mo mumultuhin kita pag nakita kitang nagkasakit" at saka hinalikan ako sa pisngi, yung huling salita niya sa akin bago siya mawalan ng hininga.

Jun parang kailan lang yung panahong kasama kita lumaban sa sakit mo, yung panahon na halos mawalan ka ng pag asa.

Bakit hindi ka lumaban?

Hindi ko kaya na mawala ka.

Hindi ka nagpaalam.

Bigla bigla ka nalang nangiiwan eh, ang daya daya mo.

Gusto ko sumama sayo.

Sabi mo mahal mo ako eh bakit mo ako iniwan?

Ang sakit.

Parang kailan lang kinukulit kulit kita, ginigising ka para pumasok tayo ng sabay tapos malalaman ko nakahandusay kana sa sahig at hirap na hirap na huminga

Sabi ko lumaban ka eh

LABAN!

Tapos bakit ka sumuko?

Andito pa ako oh sasamahan kita lumaban

"Jun, I love you too" sabi ko at saka pinunasan ang sarili kong luha

Yung mga espesyal na alaala sa iyo ay palaging magdudulot ng isang ngiti kung maaari lamang kitang maibalik sa kaunting sandali lamang pagkatapos ay maaari na tayong umupo at mag-usap muli tulad ng dati nating ginagawa, palagi mong sinasadya nang labis at palaging gagawin din.

Ang katotohanang wala ka na rito ay palaging magiging sanhi ng sakit sa akin ngunit ikaw ay walang hanggan sa aking puso, Mahal kita.

Mahal na mahal kita Jun.

Paalam.

Seventeen ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon