24: Why Why Why

32 2 0
                                    

[stream spider daw mga marecakes]

"SINO KABA!? B-BAKIT KA NANDITO!?" nagulat ako nang makita ko muli ang lalaking ito sa panaginip ko. Naguguluhan ako sa tuwing nagpapakita siya sa mga panaginip ko. Walang isang panaginip ang hindi siya nagpapakita.

Hindi lang siya umimik at patuloy sa pag hawak ng kamay ko. Wala akong alam kung bakit siya nandito. Pamilyar na lugar, oras at mga pangyayari, pati na rin ang mga taong dumadaan dito ay pamilyar rin.

Ano ang rason mo at bakit ka nagpapakita sa panaginip ko!?

Nakita kong dinala niya ako sa parking lot na puro motor lang ang nandito. Binigyan niya ako ng helmet pero tinitigan ko lang ito. Hindi manlang siya mag salita at puro aksyon lang ang pinakikita niya sa akin. Naglalaro ba tayo ng mime pantomimist version dito?

Inagaw niya sa akin yung helmet na binigay niya sa akin at isinuot ito sa ulo ko. Nakangiti pa siyang tumingin sa akin. His chubby cheeks and ten ten eyes makes my heart melt. Biglang nag-init ang mga pisngi ko nang ngumiti siya sa akin ng napakalaki.

Kingina sino kabang singkit na Japanese ka. Isang taon ka nang ganyan sa akin, ni hindi ko pa naririnig ang boses mo pero 'yang pinapakita mo sa akin ay hindi nagbabago. Sino kaba!? Magpakilala kana.

Nang makasakay na ako sa motor niya at kinalabit ko siya. Habang nagmamaneho siya lumingon naman siya ng bahagya sa akin. Sa wakas at kahit papaano ay may naririnig ka Mr. Singkit na Japanese.

"S-sino ka nga ba talaga?" binaling niya muli ang tingin niya sa daanan. Nakita ko sa side mirror ng motor niya ang ngiti, pero ang ngiting iyon ay nag iba. Hindi katulad ng kanina ay ngiting wagi ang nasa labi niya, isang mapait na ngiti.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagmuni muni nalang sa mga puno't gusali na nakikita ko rito. Naramdaman kong biglang lumamig ang ihip ng hangin ngayon, para bang ang lungkot ng mundo.

Mas malungkot pa sa buhay ni sadness.

Kulay asul at mga puting kulay na ang nakikita ko dito. Tiningnan ko muli ang lalaking nasa harapan ko na ang lungkot ng ekspresyon niya. Mukhang iiyak na siya sa sobrang lungkot ng mukha niya.

"Ayos ka lang ba?" nag aalala kong tanong sa kanya, agad agad namang nag iba ang ekspresyon niya. Bigla siyang ngumiti ng napakalawak at tumango tango na parang bata.

I felt relief nang malaman kong ayos lang siya. Napansin ko namang nag iba muli ang ihip ng hangin ngayon. Uminit at para bang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang astig lang kasi parang transition lang sa tiktok pero hindi naman ganoong nakakahilo.

Nagulat ako nang biglang huminto ang motor niya. Napayakap ako sa beywang niya para hindi ako mahulog. Mauuna kasi yung precious butt ko.

"S-sorry" bumitaw ako sa pagkakayakap at bumaba na sa motor, nakita ko namang siyang tinapik tapik ang balikat ko at ngumiti muli.

Tiningnan ko lang siyang ipinadara sa gilid yung motor at saka derechong pumunta sa mabulaklak na pinto. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at basta basta nalang akong sumunod sa direksyon niya.

Binuksan niya ang pinto nang makita ko ang realidad tungo sa magandang buhay-char lang. Puro fairy lights at isang table na good for two people. Ang astig naman Mr. Japanese na singkit.

"Take a seat" matamis niyang sambit, nagulat ako nang marinig ko ang boses niya. Familiar ang boses niya pero hindi ko matandaan kung kanino ang boses na iyon.

"Bakit mo ba ito ginagawa sa akin?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Over all the years na pagpapakita niya sa akin sa panaginip ay halos muntikan nang mahulog ang puso ko sa kanya. Ang tamis ng mga pinapakita niya sa aking mga aksyon. Parang siya na si Mr. Right pero hindi siya ang aking love of my life.

"Hindi mo ba ako nakikilala, Y/N?" pinunasan niya ng marahas ang luha na tumutulo sa pisngi niya, napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Wala akong natatandaan tungkol sa kanya. Umiling iling ako ng may halong pagtataka sa mukha ko.

"Ako 'to si Natoy- ako si Hoshi, Kwon Soonyoung yung b-boyfriend mo diba? Nangako pa ako noon na papakasalan pa kita" his voice cracked while saying those words.

Biglang pumasok sa isip ko ang isang pangyayari. Katulad rin dito ang lugar na iyon parehas na parehas, walang labis at walang kulang pero utak ko yung kulang.

Napaluha ako nang maalala ko ang panahong nag propose siya sa akin sa loob mismo ng garden na ito.

"I'm sorry my flower" sambit niya, agad ko siyang niyakap ng mahigpit at umiyak sa dibdib niya "I couldn't even protect a flower like you, all the flashing sparks in our relationship have turned into white ashes"

"B-bakit?" I cried "Bakit mo ako iniwan!?" kumalas ako ng yakap at pinunasan ang luha ko "Akala ko ba gagawin pa natin yung mga pinangako natin sa isa't isa!?"

"Bakit ka ganyan!?"

"Bakit mo ako iniwan sa ere ng basta basta!?" I shouted with all my lungs in front of him.

"This is only i can do Y/N" he walked towards to me. I closed my eyes as I feel his lips pressed onto mine "I'd still love you"

Napabangon ako nang marining kong tumunog ang alarm clock ko. Naramdaman ko namang basang basa ang unan ko dahil sa luha ko.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang bumalik muli ang alaala ko kanina habang nananaginip ako. I can also still feel his lips, his hug, his warm breath.

You're moving far away even in my dreams.

I can't do anything.

Shouting out to try and stop you, but you disappear when I open my eyes I had to treat you well when you were here. I didn't know that before.

Why is it now that I've lost everything?

I learn how precious you were.

Seventeen ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon