21: Far Away

43 2 0
                                    

[stream silent boarding gate na kasi]

"Tell me there's a river I can swim that will bring you back to me"

Rinig ko sa radyo habang ako'y nag eemote lang sa bintana ng kwarto ko. Sinasabayan ng mga ulan ang aking mga luha na kanina pa pumapatak sa pisngi ko.

I miss you.

I missed you so much.

Even we still far away, I'd still love you.

Sabi mo sa akin noon uuwi ka dito agad at dadalhin mo na ako papunta sa inyo para samahan ka pero nasaan ka na?

Dalawang taon na ang nakalilipas pero hindi ka pa rin bumabalik dito. May iba kana bang mahal? May mas better kana bang nahanap kaysa sa akin?

Isang daang missed calls, Flood messages, I've been sending my letters to you. Kahit isang reply mo lang sa akin wala akong nakukuha.

Akala ko ba mahal mo rin ako? Nasaan naba ang pangako natin sa isa't isa, naitapon na ba 'yan sa malalim na balon?

Nag aantay ako sayo, ako'y umaasa pa rin na bumalik ka sa piling ko. Nasaan ka na?

Lalangoy na ako papuntang China makita lang kita. Malalakas na agos ng tubig ay kakayanin ko yan makita at mayakap lang kita.

Umaasa pa rin akong babalik ka. Umaga't gabi, umulan man o umaraw ay umaasa pa rin akong babalik ka. Nagmumukhang tanga na ako sa ginagawa ko eh.

Dalawang taon, Dalawampu't apat na buwan, Pitong daan at tatlongpu't araw kitang inantay. Kahit anino mo ay hindi ko makita.

Kailan ka ba sisipot?

Magpapakita ka nalang ba sa akin kapag ang aso ay mayroong sampung kamay para labhan ang isang tambak na labahin namin.

Nakita kong tumila na ang ulan at kasabay na rin nito ang pagtigil ng mga luha ko sa pagpatak. Umiling iling nalang ako at pinatay ang radyo. Broken ata si Dj Boo kaya ganyan yung playlist niya ngayon.

Mabilis akong nag ayos ng sarili para lumabas. Nais ko lang naman lumanghap ng sariwang hangin pagkatapos ng dalawang taon kong pagkulong sa kwarto.

Pumunta ako sa paborito kong café, Café el Diyamante. Ang astig lang kasi ng pangalan kaya napapadalas ang pagpunta ko rito.

Umupo muna ako sandali sa palagiang pwesto ko. Wala naman nagbago pero may isang rosas ang nakalagay dito hindi tulad sa ibang table ay wala naman.

"Naka uwi naba siya?" tanong ni Jun sa akin at saka nilapag sa lamesa yung araw araw kong order, umiling iling ako.

Siya yung barista dito, naging close kami niyan dahil iisa lang naman yung order ko, babo latte. Chinese din siya tulad ng boyfriend ko, ang pinagkaiba lang ay chickboy 'tong si Jun at ghoster ang boyfriend ko.

"Multo na yon" bulong niya, pero narinig ko yon!

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"I-i mean na ghost kana niya ganon" pagpapaliwanag niya sa akin, napabuntong hininga ako.

Oo halatang na ghost na niya ako. Isang reply man o tawag ay wala. Bakit ba kasi ako nag iintay sa wala.

"I told you not to wait for nothing. It's a pity that you waited for two years and then nothing happened" sambit niya.

Oo nga naman. Siguro kung hindi ko siya iniisip baka may house and lot na ako at isang milyon galing kay kuya wil.

"Nagbabakasakali lang naman ako" bulong ko. Medyo nilakasan ko ang bulong para marining niya.

"Nagbabakasakali o umaasa?" tanong niya.

"Parehas lang yun diba?"

"Oo, sa tutal pokmaru ka naman" tumingin siya sa bintana at pinipigilang tumawa.

"Dun ka na nga nangiinis ka na naman eh" sambit ko at saka humigop sa kapeng binigay niya.

"Basta ang tatandaan mo na 'wag na 'wag ka nang mag iintay sa wala baka malaman mo nalang may girlfriend na siya doon, chin up marami pa namang lalaki ang naghihintay para sayo malay mo nasa harapan mo lang pala" bago pa siya pumunta sa counter ay kumindat pa siya sa akin.

Oo nga naman, sa loob ng dalawang taon sigurado akong may girlfriend na yon doon at siguro mas maganda pa yon sa akin pero mas maganda pa rin ako noh.

I will always care for you, even if we're not together and even if we're far, far away from each other.

Pokmaru naman daw ako sabi ni Jun, but will try to move on from him. From the start, in my heart .

Seventeen ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon