34: Blood

28 2 0
                                    

Isang madilim at tahimik na kalsada, malamig na hangin ang humahampas sa balat ko.

Para bang kakaiba ang ihip ng hangin ngayon. Basta iba parang different lang sa magkaiba.

Araw araw ay mag isa lang naman akong umuuwi pero para bang iba talaga yung ngayon. Weird man isipin pero may mangyayari mamaya.

Hindi naman ako nag e-expect na may mag bibigay sa akin ng surprise dahil 'di ko naman birthday ngayon, pero malay natin diba kasi trip lang nila.

Tahimik lang akong naglalakad dito sa gilid habang sinisipa ang bato na dala dala ko simula n'ong pumasok ako. Yung bato sana ni Manager Yoon yung gagamitin ko kaso ayokong masisante.

"Akin na yang bag mo!" nagulat ako nang may humablot bigla ng bag ko.

Pilit ko siyang tinutulak at inaagaw ang bag ko. Buong lakas ko ng binigay para lang makuha ko yung bag ko at tumakbo, pero sobrang lakas niya!

"TULONG!!!" sigaw ko.

Sino pa kaya ang makakarinig ng tulong ko kung gabi't madilim na rito.

Napaupo ako sa sahig ng itulak niya ako. Tuluyan na siyang tumakbo palayo at ako ay iniinda ang sakit ng pwet ko. Putangina baka maging flat na yung pwet ko, flat na nga yung dibdib pati ba naman yung pwet!

Kinapa kapa ko ang bulsa ko at tanging wallet lang ang nandito. Lahat ng dokumento at importanteng gamit ko ay nandoon sa bag.

"Miss?" isang boses ng lalaki, hindi ko nalang siya pinansin at kinuha ang wallet na nasa bulsa ko.

"Oh 'yan nalang yung natitira kong gamit, wala ka ng mahahanap sa'kin" walang gana kong sabi, narinig ko naman siyang napatawa ng mahina.

So what's funny!? char lang, nag try lang ako mag english.

"Sayo ba 'tong bag na 'to?" inangat ko ang tingin ko nang magtanong siya tungkol sa bag.

Nakita kong hawak hawak niya ang bag ko. "Salamat!" tumayo ako at niyakap siya. Sobrang importante talaga ng bag ko na 'to dahil nandito ang proposal papers na ibibigay kay Manager Yoon.

Ilang segundo ay ngayon ko lang napagtanto na ang tagal na rin pala naming magkayakap "Sorry" i awkwardly smile.

"It's okay and by the way im Minghao" pagpapakilala niya.

"Y/N" simple kong sagot.

Napuno ng katahimikan ang buong paligid at tanging tunog ng kuliglig lang ang naririnig namin.

"Bakit ka nga pala mag isa lang umuuwi? Delikado na oh" pambabasag niya ng katahimikan.

"Madalas mag isa lang akong umuuwi kaya ayos lang sa'kin 'to" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Tara! Hatid na kita sa inyo" masaya niyang sabi, napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ano ba 'tong pinagsasabi niya? Alam ba niya kung saan ako nakatira? Paano? Stalker ba siya!?

"May alam ka kung saan ako nakatira?" pilit kong ayusin ang tono ng boses ko kahit na kabang kaba na talaga ako. Tumango tango lang siya at na may ngiti.

Hala gago stalker nga siya.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi sa ano pero parang nakakatakot siya.

He seems too nice to me. Binalik niya nga yung bag sa akin eh. Gwapo naman siya- Y/N umayos ka! Hindi porket gwapo ay kailangan ng ma-in love!

Tiningnan ko lang ang mga bahay bahay rito habang kasama ko si Minghao pauwi. Ang weird niya lang, hindi naman na din ako tumanggi at baka manakawan uli ako.

Payapa lang ang paglalakad namin. Sa'ming dalawa ay wala manlang nag sasalita. Ang tahimik niya lang. Gusto ko pa naman siyang tanungin kung anong ulam niya.

"Halika dito" nagulat ako nang bigla niya akong hilahin at dinala sa eskinita.

Lalong dumilim at uminit ang paligid. Masangsang na amoy dahil sa basura. Hindi ko alam kung saan ang pasikot sikot na 'to.

Ramdam ko ang pag tulak niya sa akin sa pader. Malakas ang tibok ng puso ko, malalamig na pawis ang tumutulo mula sa pisngi.

He pinned me into the wall. I can clearly see every detail of his face. His eyes change from dark brown eyes in to reddish one.

Isa siyang bampira!

"A-anong ginagawa mo!?" kinakabahan kong sambit.

"I can't take it anymore" i can feel his hot breath, his husky voice makes me shiver. "Your blood taste so sweet" he whisper.

"A-aray!" naramdaman ko ang isang matalim mula sa leeg ko "Hmm Minghao" i felt some pain and a pleasure at the same time.

Kumawala siya at ako naman ay para bang umiikot ang mundo ko. Nahihilo na ako na para bang hindi ko alam.

Parang naubos na lahat ng mga dugo ko.

"Ayos ka lang ba?" nag aalala niyang tanong, hinawakan niya ang magkabila kong balikat bilang suporta. Tumango tango nalang ako bilang sagot "Sorry" sambit niya.

"H-huh?" hilong hilo pa rin ako, hindi ko na kayang tumayo ng dahilan na matumba ako sa dibdib niya.

"Sa dugo mo" hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, basta basta niya lang din ako kinuhaan ng dugo nang walang permiso ko.

Ayoko pang mamatay, marami pa akong pangarap at isa na doon ang mamuhay ng payapa.

"Pasensya na't hindi ko na mapigilan" mahina niyang sambit pero narinig ko 'yon "At..."

"At ano?" napakunot ang noo ko.

'Wag na wag mong sasabihin na siyam na araw nalang yung life span ko after mong sipsipin yung dugo ko.

Kanina lang tayo nagkakilala at nakausap pero ganyan na agad ang bungad ko sayo. You really have the acidity to do that to me, char.

"At nagawa kitang bampira tulad ko" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, nagbibiro lang naman siya diba?

"H-ha!?" hindi ako makapaniwala na mangyayari 'to sa akin, ano ba yung pinasok ko at ito yung balik sa'kin!

Ibig sabihin ay tulad na niya rin ako!? I red some of books about vampires at isa na rito ang pang habang buhay na nilang paninirahan sa mundo.

Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan ko. Tiningnan ko ang balat ko na pumuputi na para bang papel, dinaig pa ang tide na mapapa-wow ka sa sobrang puti.

Para bang kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Nauuhaw ako, hindi lang basta uhaw kundi gusto ko ng dugo!

Hindi.

Ayoko.

Gusto kong bumalik sa normal na tao!

Seventeen ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon