26: Paubaya

44 2 5
                                    

Nagsimula na bang magbago ang lahat simula nung hindi na ako naging sapat sayo? Hindi ko maintindihan na kung saka ngayon ko lang nalaman na mayroon kana palang iba.

Ano 'to nandito ka sa tabi ko kapag may kailangan ka pero may iba kana palang mahal, Jeonghan?

Ako yung kinakailangan mo pero siya parin yung hinahanap hanap mo.

Nagkulang ba ako sayo?

Ginawa ko naman ang lahat para masilayan ang mala anghel mong ngiti. Nandito naman ako ah. You can lean your head on my shoulder when you feel down. I do everything I can, I'll sacrifice myself just for our love.

Sasamahan kita sa trip mo, mga kagaguhan mo araw-araw. Muntik na tayong makulong ng mga pulis dahil sa ginawa mo doon sa loob ng mall na bigla mong pinakelaman yung fire alarm.

Lagi nating nasisilayan ang pag lubog araw at pag-angat buwan. Pinagmamasdan ang mga bituin tuwing gabi habang binibilang ito.

Minsan napapaisip nalang ako na hindi paba ako sapat sayo?

Saan ba ako nagkulang?

May nagawa ba akong mali sayo?

Hinding hindi ko naman gagawin ang mangaliwa dahil mahal na mahal kita, labis na labis ang pagmamahal ko sayo tulad ng mga hibla ng buhok mo sa ulo mong matigas.

Never na magkakaroon ng kabet ang isang Joshua Hong. Loyal lang ata 'to kay Jeonghan a.k.a. my baby angel loves.

Buo na ang araw ko sa tuwing makikita kitang ngumingiti. Para bang busog na ako sa isang taon sa tuwing nakikita kitang masaya... sa akin o sa iba?

Masaya nga ba talaga siya sa akin sa tuwing nakakasama ko siya?

Ako yung nandito pero nasa iba lang pala hanap mo.

Mga pilit nga ba na ngiti yung pinapakita mo sa akin para hindi ako masaktan. Saan natigil ang katotohanan?

Ang katotohanan na sa iba ka lang pala sumasaya. Nandito naman ako sa tabi mo pero bakit kailangan mo pang lumayo.

"Joshua" napalingon ako sa likod ko nang may tumawag ng pangalan ko, si Jeonghan.

Nag slow motion ang paligid nang masilayan ko ang mala inosente at anghel niyang mukha. May mga bulaklak na nahuhulog at mga butuin mula sa langit.

Nang makapunta na siya sa kinauupuan ko ay biglang nagiba ang timpla ng mukha niya. Malawak kanina yung ngiti niya pero nung umupo siya sa tabi ko para bang sumeryoso.

Biglang nanlamig ang simoy ng hangin dito sa dalampasigan. Na kanina ay mainit, ngayo'y para bang lumamig tulad ng yelo ni Manang Bebang.

Sabay lang naming pinapanood ang pag hampas ng mga alon sa buhangin na kinauupuan namin at ang pag lubog ng araw. Kay sarap manood ng ganito ng kasama siya... kung hindi ko siya pinaubaya sa iba.

"Joshua s-sorry nga pala" nakayuko niyang sambit, i looked at him.

"Ano kaba ayos lang 'yon" tinapik tapik ko yung balikat niya "Alam ko namang mas sasaya ka kapag kasama mo si Cheol hyung" ngumiti ako sa kanya.

Mahal kita Jeonghan kaya mas pipiliin kong sa kanya ka sumaya. Ganito naman kasi minsan ang pag ibig, kailangan mong magparaya para sa ikasasaya ng mahal mo.

Masakit pero sige. Para naman ito sa mahal mo.

I'll sacrifice everything nga diba? Pero hindi na 'to tungkol sa relationship namin, kundi sa kung ano nga ba talaga ang magpapasaya sa kanya ng totoo.

Pero paano naman ako?

Sino na yung taong nandiyan sa tabi ko?

Sino na yung taong lagi kong nasisilayan ang mala anghel niyang ngiti?

Yung sumisinghot ng solvent sa kanto?

"Thank you" he sincerely said to me, niyakap niya ako, niyakap ko rin siya pabalik.

"Para sayo gagawin at gagawin ko ang lahat, mapasaya lang kita" bumitaw na siya ng yakap at ngumiti sa akin. "Basta kapag sinaktan ka niya, nandito naman ako" ay marupok?

"Malakas pa rin ang tama mo hanggang ngayon ano?" napatawa naman kami "Sige, aalis na ako may gagawin pa ako" sambit niya, tumango tango ako.

Binaling ko ang tingin ko sa araw na handa nang lumubog. Sabay ng pag lubog nito ang pag tulo ng luha ko isa isa.

Desisyon mo naman yan Joshua diba? Pinaubaya mo na siya sa iba dahil alam mo doon siya sasaya.

Siya ang hanap hanap niya.

Siya ang nasa puso't isip niya.

Siya ang mahal.

Ako yung nauna, pero siya ang wakas.

Kinakailangan mo pa ata ng reservation form para mahalin ka ng pabalik. Nasaan naba yung salitang 'First Come First Serve' wala naba?

Marami talaga ang nagsasabi na mahirap labanan ang tadhana. Oo pinagtagpo pero kayo naba ang tinadhana?

Yung pinagtagpo kayo pero ang isa may tinadhana na pala noon pa. Edi talo na ako diba? Kasi siya na yung tinadhana sa iba.

Masakit man isipin pero sige, tanggapin na natin. Para sa ikasasaya niya.

Seventeen ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon