Sidney"Nag-sinungaling ka? Sa akin?"
Ang mga salitang iyon na binitawan ni Mick ay tila patalim sa sumasaksak sa akin.. nang paulit-ulit. Nag iba din ang way ng pagtingin niya sa akin. Ang kaninang maamong mga mata ay para ba ngayong mangangain na ng tao sa sobrang balasik at nakaramdam ako ng pagtayo ng aking mga balahibo sa sobrang takot.
But there was no turning back now.
"Y-yes."
Inisang hakbang nito ang pagitan namin at mahigpit niya akong hinawakan sa magkabilang braso. Ramdam ko ang masakit na pagbaon ng mga daliri niya sa balat ko pero hindi ko na magawang mag reklamo.
Dahil wala ng mas masakit pa sa nararamdaman ng puso ko ngayon.
Matatalim ang mga titig niya sa akin at pakiramdam ko kung nakamamatay lang iyon kanina pa ako nakahandusay sa sahig.
"Iyong aksidente? My car hitting you?"
"W-walang aksidenteng nangyari, Mick." napalunok ako dahil pilit kong iniiwasang mapapiyok, "P-planado ang lahat ng nangyaring iyon." Pabalya niya akong binitiwan at tumama pa ang likod ko sa frame ng bintana.
"Fuck!" kuyom ang mga kamay niyang pinagsusuntok ang pader.
Napakislot ako sa takot sa lakas ng pagmumura niya. Gusto ko siyang lapitan, gusto kong humingi ng tawad pero sa nakikita kong hitsura niya, hindi ko magawa.
"Why?" mabibigat ang paghinga niya sa galit na tumingin siya sa akin at wala akong magawa ng tuluyan ng magsipag laglagan ang mga luhang kanina ko pang pilit na pinipigilan.
Seeing him like that makes my heart broke into pieces. Dahil ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan.
Ako ang nanakit sa kaya ng husto.
"I-I had no choice. I swear to yo-"
"A person always have a choice, Sidney!" saglit siyang tumigil sa pag sasalita, "You.Always.Have.A.Choice."
Mapait akong ngumiti habang nag pupunas ng sariling luha. Oo nga naman. May choice ako sa lahat ng bagay. Ako dapat ang nag didikta sa sarili kong buhay. At hindi ako malalagay sa ganitong situwasyon kung walang masasamang tao na kumuha sa lola ko at pinilit akong gawin ang gusto nilang gawin ko.
"Dinukot nila ang lola ko." walang gatol kong katuwiran, "At sa lahat ng oras, mas pipiliin ko ang lola ko kaysa sa anu pa mang bagay. At kahit ang ipigawa nila sa akin ay ang patayin ko ang sarili ko sa harap nila gagawin ko!" nakita ko si Mick na saglit na nagulat sa sinabi ko.
"Sino?" matigas niyang wika sa akin.
Malalim akong napahinga at umiling.
"Hindi ko sila kilala. Maliban lang dun sa lalaking kasama ko sa may bangin ng araw na iyon, w-wala na akong kilala sa kanila. May.. t-tumawag din sa akin na ang pangalan ay Frederick, at.. at p-papatayin nila ang lola ko kapag hindi ko ginawa ang gusto nilang ipagawa sa akin."
Lumapit siyang muli sa akin at mahigpit na hinawakan ang mga braso ko. Nag-iwas ako sa mga matatalim na titig niya sa akin dahil wala na akong lakas pang lumaban sa kanya.
"And what, EXACTLY did he tell you to do, Sidney?" ang tigas ng way ng pag sasalita niya sa akin.
"To...to get c-close to you.."
Mapakla siyang napatawa. "Well, congratulations! Nagawa mo ng walang kahirap-hirap ang trabaho mong iyon. You're really good in bed, though." mapang uyam na sabi niya sa akin kaya hindi ko na napigilan mapaiyak ng sobra.
BINABASA MO ANG
My deceitful heart (Complete)
RomanceI hated that he'd blame himself, eventhough I'd been the one who had cause the accident. If only there was some way to undo what I'd been done.. A way to turn back the clock and make things right. But there wasn't. I couldn't change a thing now, hul...