IX

9.8K 240 3
                                    


Sidney

Kung meron man akong masasabi tungkol sa mga St. John's.

Eto ay ang katotohanang napaka Yaman nila.

Really? Bakit hindi ko nakikita sa mga top Billionares sa timeline at forbes ang angkan nila? They have vast of resources and wide variety of businessess.

Kaya din siguro maraming naiinggit sa kanila para may makaisip ng masama laban sa kanila.

But they were remained humbled and low profile, that's why napakalaking palaisipan din sa akin kung sino ang utak ng masamang planong ito laban sa kanila.

Nakakalula din ang rangya na natatamasa ko sa pagtigil dito sa poder nila, the money, the servants, this fancy clothes and jewelries..It was living the life that most people only dreamed about.

Sa totoo lang, masarap sa pakiramdam, pero nakakatakot din.

Habang pinag-mamasdan ko ang suot kong white cotton blouse na mula pa sa Paris at ang beige wool slacks na kaparis ng beige pumps ko na galing pa ng Milan, para lang nakakalula sa paningin at parang ayaw ko ng iaapak pa at hayaang makusot ito, sa kadahilanang napakamahal panigurado ng kahit sa isa man lang nito.

I bet, kahit triplehin pa ang sahod ko-No-kahit doblehin pa ang isang taong sahod ko sa pagtuturo, hindi pa din sasapat sa kabayaran ng buong suot ko na ito.

Napabuntong hininga na lang ako at nanlumo.

Naaalala ko ang mga alaga ko. Lahat silang mga tinuturuan ko. Si Lala, Johnny, Frank, Caloy, Yumi at iba pa. Kamusta na kaya sila? I know that they have a good substitute teacher now while I'm not around, pero iba pa rin kung ako yung nagtuturo sa mga bata.

Ilang araw na lang naman siguro ito at hindi naman aabot sa hindi ko na matapos ang school year.

Unless something went wrong.

Parang babaliktad ang sikmura ko sa isiping iyon ang puwedeng mangyari. Kahit pa ibigay ko pa sa mga walanghiyang tao iyong gusto nila, kahit ibigay ko pa lahat ng nalalaman ko. Mga wala silang kaluluwa, hindi ako nakakasigurado na bubuhayin pa nila ako kapag nangyari na iyon. I mean, ako ang susi para mabuko ang mga masama nilang balak at handa nila akong patahimikin kung kinakailangan.

Gustong manginig ng katawan ko sa idea na iyon ang kalalabasan ko sa kahuli-hulihan pero kailangan kong maging matatag at pang hawakan ang sinabi nila sa akin na hindi nila kami sasaktan ni Mama Oli basta sumunod lamang ako.

I need to be strong for my grandmother.

At kahit mabaliktad man ang situwasyon, ipinag dadasal ko na lang na sana ma-protektahan kami ng bagay na iyon.

The night that I'd recieved the second call, ini-loud speaker ko ito at hinayaang ma record ng isa ko pang cellphone. That's the beauty of hoarding gadgets kahit papaano. The entire conversation had been recorded. Lahat ng sinabi ng kausap ko, ultimo pag singkot niya sa kabilang linya, naka record. Maaari ding ma-trace yung tawag na iyon at malaman ang kinaroroonan ng tumawag anytime kung hihingi ako ng tulong sa CIDG, kaya itinago ko iyon ng mabuti. Kapag nag kalabo-labo na. May pinanghahawakan akong alas! I know, na hindi sasapat ang ebidensya na iyon para lang mapag takpan ang involvement ko sa krimen, but at least it might somehow prevent those men para mangilag na saktan kami ng lola ko.

Sa ngayon, wala akong puwedeng gawin kundi ang sundin ang ipinagagawa nila sa akin at mag concentrate para mapabilis ang lahat. I missed my lola. I missed my life back then.

Pero ang hirap namang gawin dahil nakaka-distract lang kasi si Mick. I can't help but to think of him, every. single. time. Halos hindi ako makatulog sa kakaisip sa kanya, sa guilt na meron ako. Yung pag titig mga luntiang mata niya sa akin, kung papaanong init ang nararamdaman ko sa pag dapo pa lang ng daliri niya sa akin. At iyong pinag saluhan naming halik? I know na kontrolado pa niya ang situwasyon pero hinayaan ko lang siya. Papaano pa kaya kung hindi na?

My deceitful heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon