XVII

8.7K 256 4
                                    


Sidney

Matuling lumipas ang dalawang linggo.. hanggang maging isang buwan na pero nandito pa rin ako sa lugar na ito, sa lugar kung saan ako iniwan ni Mick matapos kong aminin ang katotohanan sa kanya.

Araw-araw may nagdadala ng mga bagong damit na maari kong isuot, mga groceries na idini-deliver na sa sobrang dami puwede na akong mag tayo ng mini-store at mga DVD's at mga libro na puwedeng mapaglibangan ko.

Walang rehas at walang kuwartong dekandado na puwedeng humarang sa akin para lumabas at tanawin ang malawak na karagatan. Pero ang katotohan na nagiisa ako at malayong-malayo sa lugar ng sibilisasyon ang nagpapatunay na isa pa rin akong preso. Mayroon ding nag babantay na mga lalaking alam kong inutusan ni Mick sa cottage na ito with their guns hidden neatly under their civilian clothes. Sa umaga para lang silang mga naligaw na mangangaso na nagka-camping lang sa paligid. Nagku-kwentuhan, naninigarilyo, nagkakasiyahan.

Malayong-malayo sa katotohanan kung alam niyo lang..

Napasilip ako sa maliit na bintana ng kuwartong iyon at ilang metro lang ang layo ay ang isang sasakyan na nagsisilbing outpost nila siguro, alam kong equiped iyon para malaman ng mga taong labas ang nangyayari sa malayong parte ng lugar na ito. Bukod doon, nakaka-asiwa ang panuorin nila ang lahat ng bawat kilos ko, sa pagkain sa pag labas papuntang tabing-dagat, at kapag alam nilang tulog na ako saka sila nagkukumpulan sa labas at nagre-report sa amo nila.

Those two weeks had been the crucial. Araw-araw na lang ang pang-i-interogate sa akin nila Brooke at Wes, mga taong ipinadala dito para kuhanin ang statement ko at lahat ng nalalaman ko sa grupong tinatawag nilang Black Nights, they'd even put it in a video and recorded every session at sa sobrang inis ko sinabi ko na lang na magpapa-lie detector test na lang ako para mapabilis ang proseso pero nginitian lang nila ako. Matapos ang mga araw na iyon wala ng nagpunta pa para hingin ang statement ko. Kung hindi lang sa mga taong ito na patuloy pa din ang pag babantay sa akin iisipin kong nakalimutan na nilang andito pa ako.

Especially Mick.

Napadaklot ako sa dibdib ko patunay ang sumisigid na kirot nito masambit pa lang ang pangalan niya. Malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang huling sinabi niya bago siya umalis.

I am no longer mattered to him. Never.

Napabuga ako ng napakalalim na hininga. Sa kabila ng mga nangyari, sa kabila ng naidulot kong sakit sa kanya hindi pa rin mababago ang isip ko. Para sa kaligtasan ng lola ko, kung iyon lang ang tamang paraan hindi ako mangingiming gawin ang mga ginawa ko.

Nagawa kong matawagan ang numero na dapat na tatawagan ko pero ni hindi man lang nila pinakausap ang lola ko. Paano kung nalaman na nila ang ginawa kong pagtraydor sa kanila? Paano kung ang Mama Oli ko ang pinag buntungan nila sa kasalanang ako ang gumawa? Hindi ko man lang magawa na iligtas siya dahil andito pa rin ako sa pesteng lugar na ito!

Everytime na maiisip ko pa lang kung ano ang kaya nilang gawin sa lola ko pakiramdam ko paulit-ulit akong pinapatay sa pag aalala. Wala na akong ibang makapitan kundi ang paniniwala ko at ang pananampalataya na makakaligtas kaming dalawa lalo na si lola..

Malamig na umihip ang hangin na nagpanginig sa kalamnan ko. Kanina lang umaga ang ganda ng araw pero ngayon biglang nag iba ang timpla ng panahon. May mamumuo pa yatang bagyo. Marahan akong umalis sa pagkakadungaw sa bintana, mas okay pa sana sa akin kung dinala na lang nila ako sa kulungan kaysa dito. At least don malayo ako sa mga alaala ng mga katangahan ko, malayo sa mga alaala ng lalaking minahal ko sa maiksing panahon ng pagpapanggap ko. Ang hirap yung halos ayaw kong higaan ang kamang minsang naramdaman ko ang mga yakap niya at pagmamahal niya. Kung paano ako natunaw sa mga haplos niya sa katawan ko, ang mainit na mga halik na pinagsaluhan namin, ang walang pagsidlang kasiyahan ng ibigay ko sa kanya ang buo kong sarili.

My deceitful heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon