Mick
"Everything's fine Mick, ikaw na lang ang hinihintay."
Malalim ang iniisip ko habang nakaupo sa aking opisina. Ibinalita ngayon lang ni Edward na organisado na ang plano at anumang oras maari na naming lusubin ang pinag tataguan ng Lider ng Black Nights.
Kumuyom ang mga panga ko at nagisip kung paanong pahirap ang gagawin ko sa kanila. Sa taong kumidnap sa lola ni Sidney, sa plano nila sa pamilya ko, at sa Bruno na iyon. Fucking Shit! Pangalan pa lang niya nag aapoy na ang kalooban ko sa galit.
"Then we will do this tonight." my voice was firm.
"You don't have to be there Mick, mag aalala lang lalo si Tita." matalim na titig ang ibinigay ko kay Edward na ikinatahimik nito.
"Hindi mo alam kung gaano kahirap yang hinihingi mo sa akin Ed, may malaking pagkakautang sila sa akin at sa pamilya ko. I want to personally meet the one behind this fucking group then I will deal with him." malamig pa sa yelo na sambit ko.
"Pagpapakamatay ang ginagawa mo Mick, paano na lang kung hindi ka makaligtas sa pagkakataong ito? Hindi natin alam ang mga mangyayari sa mga susunod na oras." nagtagis ang mga panga ni Edward habang pinapangaralan ako.
Mapait akong natawa sa inaasal niya ngayon.
"Don't you remember? I'm a goddamn areal snipper Ed. War is my life, I've been in so many life threatening situation.. Lahat iyon hindi ko inaasahang lalabas ako ng buhay.." pang asar kong sagot sa kanya.
"You're pathetic Mick." mapakla niyang sabi sa akin, "Nag kakaganyan ka dahil lang sa isang babaeng sinira ang tiwala mo at niloko ka?" tuya niyang sabi sa akin.
It hit me. Bigtime.
Matagal din bago ako nakapag isip sa sinabi ni Edward sa akin. Yes. The fact that Sidney decieted me it hurts. At iyon ang mahirap ipaliwanag ngayon para sa akin. I cared for her.
Sa nature ng ginagalawan ko, woman will never understand my work. Laging nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko, hindi alam kung muli pang makakauwi sa bahay o makakatulog ng mahimbing.
At ayokong maranasan ni Sidney iyon.
"You know me Ed, more than anyone. It won't just a one hell of a decietful bitch will let my guard down. Ginagawa ko ito para sa pamilya ko, sa pamilya natin... FAMILY, is always FIRST!" nag ngangalit ang mga bagang kong sabi sa kanya.
Malalim na buntong-hininga na lamang ang narinig ko mula kay Edward. Alam niyang hindi na niya ako kayang pigilan sa gusto kong gawin. Gusto kong ako ang tumapos sa mga sinumulan nilang plano. Hindi ako war freak na tao but now, all I can think of was to kill them using my bear hands.
Binunot ko ang cellphone ko out from my pocket and dialled Daniels' number.
"We will make our move tonight, twenty-two hundreds. SHARP. Keep each of your posts. Be alert Daniels, I count on you all." saka ko pinatay ang tawag at buo ang loob na tinignan si Edward at may ibinigay na papel sa kanya. "After this operation, gusto kong puntahan mo ang lugar na iyan Ed." kunot ang noo akong tinignan ni Edward.
"Set her free, give her the first trip going home with her grandmother. Tell her not to come back here." mariin ang ibinigay kong utos sa pinsan ko. Kahit alam kong napipilitan lamang siya ay tumango na rin ito.
Tumayo ako sa pagkakaupo saka kinuha ang baril ko sa drawer at isinuksok sa likuran ko. This might not be a war like I was before. Pero ang isiping ang pamilya ko ang ginawan nila ng masama, plus they add some civilians to be involved.
BINABASA MO ANG
My deceitful heart (Complete)
RomanceI hated that he'd blame himself, eventhough I'd been the one who had cause the accident. If only there was some way to undo what I'd been done.. A way to turn back the clock and make things right. But there wasn't. I couldn't change a thing now, hul...