XX

9.5K 259 3
                                    

Mick

Sumalubong agad sa akin ang puting-puting kuwarto at ang amoy ng hospital the moment na idinilat ko ang mga mata ko. Agad kong nakita ang maputla at nag aalalang mukha ni mama, ang seryosong mukha naman ni papa, Kit at Edward at ang pulang ilong ni Pink.

"M-ma.." iyon ang pinaka unang salita na nabigkas ko, though, I'm not really sure if they heard me. Halos bulong lang iyon because I still can feel the soreness of my throat.

"Y-you are now okay, son.." mama enclosed me with a warm hug bago ko na-realized that I've been hospitalized.

"W-what happened?" naguguluhan ko pa ring tanong sa kanila.

"You got shot, Mick. Nung gabing nilusob natin ang kuta ng Black Nights. You were able to get Olivia Carrino, pero hindi mo naiwasan ng may bumaril sa iyo." iyon ang pahapyaw na kuwento ni Edward sa amin. Then flashes of what had happen played in my mind.

"Drop it." Bruno roared at me.

Wala akong ibang nasa isip ngayon kundi ang patayin ang lalaking ito sa harapan ko. How dare he raises his voice to me?

How dare he to hurt and touched what's mine.

"Not a chance." mas hinigpitan ko ang hawak sa baril at itinutok sa kanya pero biglang itinutok ni Bruno ang baril nito kay Olivia.

"Bibitawan mo o kakalabitin ko ito?" demonyong napangisi si Bruno ng marinig nito ang malakas na pag singhap ni Olivia sa tabi ko. Her face went pale lalo na ng makita ang baril.

Dammit. Wala akong nagawa kundi ang ibaba ang baril ko sa sahig. Alam kong gagawin niya ang banta niya ang I won't risk that.

"Wise decision, Mickael." kunot ang noo kong sinundan ang pinag mulan ng boses na iyon. He was so familiar lalo na at tinawag niya ako sa tunay kong pangalan.

Hindi ko naitago ang pagkagulat ko ng mapagtanto kung sino siya, pero napalitan din ito ng matinding galit.

"Hello, Uncle Fred?" mapakla kong bati sa kanya. Kung ganon siya pala ang may kagagawan ng lahat ng kaguluhang ito.

"S-sandali? Uncle mo siya? Ka-dugo mo siya?" nalilito nitong tanong, tumango lang ako saka naman siya nagbaling ng tingin sa tinutukoy. "F-Fredrick. A-anong ibig sabihin nito?"

"My dear Olivia, you are so naive." I saw him shook his head and sighed. "It's all about the money, my dear. Pera na dapat ay sa akin at hindi sa ama niyang bagito na iyan!" mariin siyang sumigaw.

"Ako dapat ang namamahala ng buong negosyo ng mga St. John dahil ako ang karapat-dapat at hindi sila!" napangisi ako sa sobrang insecure ng taong ito sa pamilya namin, lalo na kay papa. Dapat lang talaga mapunta kay papa ang pamamahala dahil kung siya lang, baka matagal ng bumagsak ang kumpanya.

"Don't worry Uncle, you will have your new title, one you truly deserved. Ang tawag don, INMATE." asar kong sabi sa kanya. Habang andito kami abot ng pandinig ko ang putukan sa labas, konting oras na lang at matutunton na nila ako gawa na din ng inilagay kong tracking device sa damit ko. He didn't know for sure.

Because I am Mickael St. John, and I am one step ahead of everyone.

"Hindi ako makukulong." ngisi nitong sabi, "I'm Fredrick St. John-"

"Yeah. The kidnapper and a blackmailer. Wala kang pakialam kahit na may madamay pang inosenteng mga tao." tuya kong sabi sa kanya pero tinawanan lang niya ako.

My deceitful heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon