XII

7.9K 220 5
                                    


Sidney

Sa kalaliman ng gabi at ang buwan lang ang tanging nag sisilbing liwanag. Alumpihit akong nakahiga sa kama ko, nakatanaw sa saradong pintuan at nakikiramdam ng anumang kaluskos sa labas. Maliban lang sa lakas ng kabog ng dibdib ko, tahimik naman ang buong kabahayan.

Malaking tulong ang kadaldalan ni Lisa para makasagap ako ng imposmasyon, without even asking ibinalita niyang wala ang mag inang Pink at Julia sa bahay. Samantalang si Mick ay hindi pa din bumabalik mula sa sinasabing meeting daw niya.

I should be elated with news. Diba eto naman ang hinihintay ko talagang sandali? Ang mapag isa ako para magawa ko na ang plano? Ang pumasok sa silid ni Mick without knowing.

Pero mas nananaig ang takot ko ngayon sa gagawin ko. Dahil kapag pumalpak ako at nahuli nila ako. Makukulong ako.

Napakuyom na lang ako ng mahigpit sa kumot ko habang ipinikit ko ang mga mata ko para burahin ang mga masasamang scenario na maaaring mangyari sa akin.

Kailangan kong isiping magtatagumpay ako sa plano ko.

I had to do it for my grandmother... her safety at wala ng iba!

At si Mick.

Kapag natapos na ang lahat ng ito. Ano na lang ang kahihinatnan namin? Sa tingin ko gusto ko na siya.

No. I've fallen in love of him.

Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang maranasang magmahal.

Pero bakit sa maling tao pa.

Bakit sa taong kailangan kong lokohin at saktan.

Napabuntong-hininga na lamang ako sabay na niyakap ang sarili ko para maibsan ang lamig dulot ng masidhing takot sa dibdib ko. Sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong gawin ito pagka-kuwan ay tumingin sa orasan sa night stand.

10 O'clock.

Hindi na ako nagdalawang isip ng bumangon ako sa kama saka isinuot ang robe ko at dumungaw sa may pinto.

Walang tao.

Alam kong malapit lang sa kuwarto ko ang silid ni Mick. I've known that since the first dahil yun ang sinabi niya noon sa akin. Itinuro din niya ito kanina noong naglibot kami sa buong kabahayan. But the truth is. I known where were his room. Bruno made all the preparations bago pa man niya ako dinala sa bangin at hayaang mabangga ng sasakyan nila Mick. He even made a map and gave it to me para makabisado ko ang lahat ng sulok ng mansion. Even the exit doors na puwede kong magamit when worse comes to worse. Along with the door codes pati na rin amg safe box ni Mick sa kuwarto.

Lahat iyon sinigurado ng amo ni Bruno na matatandaan ko.

Ilang minuto na akong nakatingin lang sa saradong pinto ng silid ni Mick. Hindi mawala-wala ang panginginig ng laman ko sa gagawin ko. Alam ko ang code ng kuwarto niya. Isang pindot ko lang dito at malaya ko ng mabubuksan ay makukuha ang pakay ko. Alam ko din kung papaano ikubli ang sarili sa mga cctv cameras ng bahay. Napag aralan ko na itong lahat.

Kung meron lang akong ibang choice.

Kung meron lang talaga..

Minsan iniisip ko.. paano kung humingi na lang ako ng tulong kay Mick para iligtas ang lola ko? Paano kung sabihin ko na lang sa kanya ang totoo? Kaso baka hindi rin niya ako paniwalaan. Sino bang matinong babae ang gagawa ng ganitong krimen.

I couldn't risk my lola's life dahil lang sa nararamdaman ko para sa isang lalaking hindi ko alam kung ano ang magiging tingin sa akin kapag nalaman niya ang lahat ng naging partisipasyon ko dito.

My deceitful heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon